CHAPTER 14

2 0 0
                                    

ISANG oras na rin simula nung umalis sina Raiden at eto ngayon si Ali hindi mapakali. Tsaka malakas talaga ang pakiramdam niya na kailangan niyang tignan ang lokasyon kung saan nangyare ang aksidente ng magulang niya, with this strong feeling desidido talaga siyang umalis dahil kapag pinalampas niya ito baka may bagay siya na hindi mahanap o mapakawalan.

To ensure her safety kumuha siya ng dagger na nakatago sa cabinet niya at nilagay iyon sa bulsa ng jeans niya. She fixed herself and find her way out na hindi siya mahuli ng nagbabantay sakaniya. Ginamit niya na rin ang bike na naka pwesto sa labas ng mansyon to move to her destination faster. Hindi alam ni Ali kung ano ang maaabutan nya o makukuha niya doon but she won't go home as long as she won't find any answers. As she is travelling napapansin niyang mas lalong lumalamig ang paligid at madami na siyang punong nadadaanan. When she arrived at the location tanging dilim ng paligid ang nakikita niya as well as matatabang puno at malalim na bangin sa dinadaanan ng sasakyan. Mabigat man sa damdamin nya but she is actually looking at the place where her parents died.

Nakarinig naman siya ng pagsabog at mga putok ng ilaw sa malayo, malamang doon naglalaban sina Raiden at ang mga kasamahan nito laban sa soul suckers. Alam niyang delikado ang paligid but she had to take a risk. Ipinikit niya ang mga mata at dinadama ang paligid tsaka siya unti unting inaalala ang mga nangyare noon but it is still the same, those blurry memories and painful feeling. Kahit anong pilit niya ay hindi talaga siya makaka alala.

"You can't remember anything because it was not your memory." Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Ali sa narinig niyang boses nakakatindig balahibo na boses at ramdam ni Ali na napaka delikado ng katabi niya. Naimulat kaagad ni Ali ang mga mata at napatingin sa katabi niya. Ang lalakeng naka roba! Yung lalakeng may tinurok sakaniya!

Mabilis na hinablot ni Ali ang dagger sa pantalon niya at tinutok iyon sa lalake "Sino ka?! Bakit ka nandito?! Bakit ka lumalapit saakin?"

Nakakapangilabot naman ang malademonyo nitong tawa tsaka hinarap si Ali pero hindi pa rin nito pinapakita ang mukha nito kaya mas lalong hinigpitan ni Ali ang hawak niyang dagger and in a blink of an eye her hand twisted dahilan para mabitawan niya ang dagger, nagulat siya don dahil after that parang may enerhiyang nag tulak sakaniya para lumipad at tumama sa bato, gladly hindi siya nadaplisan, kundi nagising na si Lien.

May nag babadyang sumuntok sakaniya pero nakailag kaagad si Ali at buong pwersang tinadyakan ang kalaban, tumalsik naman ito ng ilang metro tsaka ito napatigil sa pag atake sakaniya at napatawa ng mahina na ikina inis ni Ali.

"Sino ka ba at bakit ang hilig hilig mokong atakehin?!" Galit na tanong ni Ali at napahalukipkip naman ang kalaban.

"I am someone who knows how your parents died." Nakangising sabi nito na ikina kalma ni Ali at naka agaw ng atensyon niya.

"Ano? Ano'ng alam mo?" Kaagad na tanong ni Ali

"Bakit hindi mo tanungin si Lien? Since she is the one who knows the best on what happend at kung paano siya na involve sa pagkamatay ng magulang mo?" Mas lalong napakunot ang noo ni Ali sa nalaman. Mas lalong lumalakas ang hinala niya at nasasaktan siya sa iniisip niya kung ano nga ba ang kinalaman ni Lien sa nangyare sa magulang niya.
"Do you want me to help you?" Nagtaka naman kaagad si Ali until the guy ran towards her at hawak hawak nito ang dagger na dala dala niya kanina, alam ni Ali nasa panganib na siya dahil the moment na masaksak siya ng taong to panigurado vital organs ang matatamaan nito. Then, Ali remembered the bracelet na binigay sakaniya ni Raiden, kailangan niya ang tulong ni Raiden ngayon! Bahala nang mapagalitan siya mamaya.

She held the bracelet and called Raiden.  "Raiden, Help!"

In a blink of an eye nasa harap niya na si Raiden na tinadyakan ang lalake at akmang hahampasin niya ito ng blade when the guy blocked Raiden's blade with a dagger.
"Who the hell are you?!" Galit na tanong ni Raiden rito at pagkatapos non ay lumakas ang hangin na panigurado galing sa kapangyarihan ni Raiden, dahil din sa malakas na hangin ay nawala ang takip ng lalake at nakikita na kung sino ito. Kung hindi lang siguro kalaban ito ay baka nagustohan pa siya ni Ali.

Kitang kita ang ngisi sa kalaban habang si Raiden naman ay gulat na gulat sa kung sino ito.
"Roider?"

"Hello brother." Malademonyong sabi ng lalakeng kalaban ni Raiden at kasabay non ay tinadyakan niya si Raiden dahilan para mapa atras ito. Galit, malamig, matalim at seryoso ang tingin ni Raiden kay Roider.

Naguluhan naman si Ali dun, tama ba ang narinig niya? Kapatid ito ni Raiden pero bakit inaatake siya nito? Is he a bad sibling?

"Bakit buhay ka pa?" Galit na tanong ni Raiden sa kapatid nito. So dapat patay na ang lalakeng to?

"Thanks to your ex lover, brother. She saved me before she died. Isn't it amazing? The betrayal?" Nakangising sabi ni Roider at mas lalong ramdam nila ang Galit ni Raiden. Dahil mas lalong lumakas ang hangin dahilan para kumulog at kumidlat, napahawak naman si Ali sa matabang puno na katabi niya dahil kung hindi siya hahawak ay baka lilipad na siya ng malala.

Ok they really have some brother issues here...

"Ano'ng kailangan mo at bakit ka bumalik?!" Galit na tanong ni Raiden, he look so scary. This is the first time na nakita niya na ganito kagalit si Raiden.

Nakita naman ni Ali na nagsidatingan sina Siena, Caden, Kai, At Viper na nagulat din na makita si Roider.
"Buhay ka pa pala!" Galit na sabi ni Seina at pinalabas ang water blade nito ganon din ang mga kasamahan nito.

"Chill Seina! I'm not here to fight..." nakangising sabi nito at dumating din ang ibang soul sucker sa likuran nito.

"So you are their creator?" Mapait na sabi ni Raiden at nakita nilang humigpit ang hawak nito sa espada niya.

"Yes, brother and the moment na makumpleto ko na ang proseso sa mga soul suckers ko, I'll make sure to get rid of you all." Inangat naman nito ang kamay nito tsaka tinuon kay Raiden. Hindi maganda ang pakiramdam ni Ali dito.
Lumabas ang itim na usok mula sa kamay nito and it created a multiple knives at lumipad iyon papunta sa mga Deities pero napatigil naman iyon sa harapan nila dahil nag lagay si Seina ng  water shield.

"Do you think we will fall for that lousy trick?" Inis na sabi ni Seina at napatawa naman ng mahina si Roider.

"And do you really think para sainyo yun?" Diretso ang tingin nito kay Ali na ikipinagtaka naman nito.
Napunta naman ang lahat ng atensyon sakaniya at nagulat si Ali ng sumigaw si Viper.

"Ali, Ilag!" Tinuro nito ang nasa ibabaw niya na kaagad siyang napatingin at umilag sa nahuhulog na mga matatalim na Kutsilyo pero may isang naka lusot na nakasugat sa balikat niya kaya agad niyang tinakpan ang dugo.

"I just want to greet my savior."

Savior? Nababaliw na ba ang lokong to?

Pero mukhang mali si Ali. Hindi siya ang tinutukoy nito, it is someone who is stronger, someone who is powerful enough to save someone, someone who is inside her. .. Lien!

What is the meaning of this Lien?

Unti unti nang nararamdaman ni Ali ang paninikip ng dibdib niya, alam niyang magigising na si Lien. Pilit niyang nilalabanan ito dahil panigurado kapag nagising ito, malaking gulo ang mangyayare. Hindi niya man alam ang sitwasyon at koneksyon ng Roider at ng mga Deity kay Lien pero alam niyang ito ang magiging dahilan ng panibagong gulo.

Lien please..

"Come on, Alina. Let her out, alam mong mas malakas siya kumpara saiyo." Sabi naman ni Roider. Tama ito, mas malakas si Lien kumpara sakaniya.

After that, ramdam niyang hinihigop na siya ng sariling katawan and by that time, alam niyang si Lien na ang nag take over ng katawan niya. Damn.

The Spirit of the Dragon DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon