CHAPTER 8

2 0 0
                                    

"THANK you, Seina. Ang ganda ng pagkakalagay mo ng make up. Baka di mo sinasabi professional make up artist ka pala." Pagbibiro ni Ali while looking at herself in the mirror. Simple yet elegant ang pag make up sakaniya ni Seina, matching sa gown na susuotin niya mamaya. She will model 1 gown pero dyan naka salalay ang sweldo niya. Well that gown is a limited edition. 1 for the buyer and 1 for the model. The moment she wears that gown, it will belong to her and of course gagalingan niya dapat ang pag model at pag introduce sa gown and make sure na may bibili mamaya para successful ang modeling niya.

May kumatok naman sa pintuan at ilang minuto lang ay bumukas na ito, bumungad sakanila sina Raiden, Kai, at Caden na naka tuxedo. Hindi maiwasan ni Ali na mamangha sa ka guwapuhan ng mga ito, kung hindi siya siguro naunang nagka crush kay Raiden baka pipili siya between Kai and Caden. Pero hindi eh, she knows that there's something going on between Caden and Seina, ayaw niyang maging other woman noh? Tsaka ang kapal naman ng mukha niya para landiin at magkagusto sa mga deities diba?

Seina is also well prepared, yun nga lang, she's wearing a pants and of shoulder top. She said it's her combat outfit, hindi naman nagmumukhang combat outfit. It looks like a casual outfit.

Anyway, since the event is in their condominium. Magbabantay ang apat sa mga target soul suckers nila. They will make sure na matatapos ang event na walang nasasaktan dahil ang plano nilang tapusin ang mga soul suckers ay after ng event. Well she hopes na magiging successful ito para safe na rin ang naging tirahan niya.

"Are you guys ready??" Singit ni Viper na kakapasok lang sa room kung saan sila nag tipon tipon lahat after fixing themselves.

"Yeah. Let's go." Simpleng sabi ni Kai at nauna nang lumabas ng mansyon. Sumunod din sina Seina at Caden habang silang dalawa ni Raiden ay nagpahuli.

"Good luck to your work later." Ngumiti si Raiden sakaniya at napalawak naman ang ngiti ni Ali.

"Thank you and be safe while catching the soul sucker." He just tapped her shoulder while smiling at naglakad na sila papunta sa isang van kung saan sasakay silang lahat at si Viper ang mag dadala.

Nang nakarating na sila ng venue ay inalalayan naman siya ni Raiden bumaba ng sasakyan, napangiti naman si Ali dun dahil sobrang gentleman ng lalake sakaniya. Kasunod naman na bumaba sina Seina, Caden at Kai. Nang makapasok na silang lahat ay humiwalay na ang tatlo sakanila at pumunta sa assigned pwesto nila. They will attack the soul suckers after the event and they will make sure na walang masasaktan during the event.

Hinatid naman siya ni Raiden sa back stage at nang makarating na sila doon ay hinarap niya si Raiden at ngumiti. "Thank you, Raiden. Ok na ako dito, pwede kanang pumunta sa pwesto mo."

Nakikita nya ang pag aalala sa mga mata nito kahit anong tago nito ay napapansin pa rin yun ni Ali. "Are you sure? Kung may kailangan ka or anything just shout ok? Maririnig ka naman namin kaagad."

Napatawa naman siya ng mahina sa tono ng boses nito na parang hindi kase mapakali.
"Yes sir. No problem."

Tinignan siya muna nito ng matagal bago ito bumuntong hininga ng malalim at tinalikuran siya tsaka umalis. Well, Ali can't deny na mabigat ang pakiramdam niya sa event na ito. But then, she cannot avoid it since malaki ang sweldo dito tsaka hindi niya talaga matatanggihan.

Pumasok na siya ng dressing room at bumungad sakaniya ang event's organizer na natuwa na makita siya. "Omg! Ms. Alina Lu! It's good to see you on time. Sige na po, ibihis mo na ang gown dahil in 10 minutes rarampa na po kayo ng ibang models."

There are other 4 models din na mag momodel ng iba't ibang gowns kasama niya. Halos lahat sila prepared na while siya naman ay hindi pa naka bihis ng gown. Kaya nag madali na siyang sinuot ang gown at mabuti naman ay tinulungan siya ng mga organizers.

And then, after 10 minutes when they are all prepared and ready to rampa, pumila na silang lahat at panghuli si Ali. Naunang lumabas ang isang model na kasama nila and she's modeling the 4th famous brand in the clothing industry sa isla nila. She introduced the gown and how it is made of as well as the price of the gown itself. Ganon ang ganap hanggang sa umabot na sakaniya, when it's her turn. She went up to the stage while her other hand is holding her waist. Pumalakpak naman ang mga manonood at nag simula nang maglakad si Ali. She is walking slowly and taking her time as she walks at the center edge of the stage infront of the microphone.

"An elegant evening, ladies and gentlemen. I am Alina Lu and introducing to all of you, the latest model and design of Louie Versache gown. Made of pure charcoal turned into cloth which is the main cloth of the gown. It's also designed to be handmade and strong for a longest time. This latest design will be convinient to anyone because it is comfortable as well as breathable and it's mystery will always leave a surprise to everyone. Again, Louie Versache limited edition Charcoal gown...50,000 jewels." Nag iwan naman ng ngiti si Ali at nakita niya namang pumalakpak na ang audience kaya tumalikod na si Ali while modeling the gown. Nang makabalik na ng backstage ay dinadasal niya nalang na sana...sana lang..may bumili ng gown na minodel niya since dito nakasalalay ang sweldo niya.

The event goes on since there are live song performance by other artist. So eto silang mga models nag bihis na into normal clothes since their job is done, babalitaan nalang sila ng organizers if may bumili ng gown nila and stuff. Habang nagliligpit si Ali ng mga gamit niya ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Kaya agad siyang napahawak sa dibdib niya at ang isang kamay niya naman ay napahawak sa lamesa for support.

Is Lien trying to talk to me? Why? Not now, Lien... I'm outside.

It took her a minute bago nawala ang paninikip ng dibdib niya but after that, biglang nawalan ng kuryente kaya napasinghap ang mga kasamahan niya sa dressing room sa gulat, ganon din si Ali na napalingon sa paligid, madilim at hindi makikita ang lahat.

"Hala, sinong may fire based magic diyan? Pailaw naman oh." Sabi ng isang kasama nilang model.

"Sorry girl, water ako"

"Wind ako"

Walang fire based magic sakanila.

"May kandila ba kayo dyan or emergency light?" Tanong naman ni Ali.

"Wala eh." Sagot naman ng isa nilang kasamahan. Napabuntong hininga nalang si Ali, kahit siya wala rin.

"Sige antayin nalang natin na bumalik ang kuryente." Wala naman siyang narinig na response sa mga kasamahan kaya kinabahan si Ali doon. May kakaiba kasi siyang nararamdaman, there's something going on in the sorroundings, something dangerous...
At the same time, she wondered kung nagsimula na ba sina Raiden na hanapin ang soul suckers? Sana naman walang madamay na inosente.

"Guys, nandiyan pa ba kayo?" Kinakabahan na tanong ni Ali sa mga kasamahan pero walang sumasagot sakaniya. What's going on?

"Guys-" nagulat naman si Ali ng biglang may sumakal sakaniya kaya mabilis siyang humawak sa kamay ng kung sino man ang sumasakal sakaniya. She smelled a dangerous energy at alam niyang papatayin siya nito. Sakto naman na bumalik ang ilaw kaya nanlaki ang mga mata ni Ali sa kung sino ang nakita niya. Damn...

The Spirit of the Dragon DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon