NARAMDAMAN na ni Lien na nagtatake over siya sa katawan ni Ali and when she successfully did, akala niya bubungad sakaniya ang panibagong papatayin o kalaban dahil napalabas siya pero nagkakamali pala siya. Someone wanted to greet her.
She smiled bitterly as she saw the 4 deities looking at her. Gulat na gulat ang mga ito maliban nalang kay Raiden na seryosong nakatingin sakaniya, bukod sa apat na kaharap niya, nandoon din si Viper na nagulat din pero ang mas umagaw ng atensyon niya ay ang taong panigurado siya na ito ang tumawag sakaniya. Alam niyang nilalabanan siya kanina ni Alina para huwag lumabas, so this is the reason why? Hindi si Ali ang tumawag sakaniya kundi ang taong ito.
"So it's you? The one who woke me up." Napatawa naman ng mahina si Roider at napasimangot naman si Lien, this guy is ruining her plans.
"Sorry about that, Master. I just want to greet you." greet me? or ruining the whole plan? What the hell is this guy doing at naisipan niyang tawagin siya? Infront of these deities! Pinapahamak siya talaga nito kahit kailan.
"I will talk to you later on, Idiot. For now, go away!" Pagkausap ni Lien sa isipan ni Roider na napahalakhak ng tawa, she also made sure na silang dalawa lang ang makakapagusap.
"Sure master." Napatingin naman ito sa kapatid niyang alam ni Lien na nakatingin sakaniya at inoobserbahan siya. "See you next time, brother." sa isang kurap naglaho na parang bula si Roider at mga kasamahan nitong soul sucker. Seina and Caden attempted to catch him pero huli na ang lahat, instead they faced Lien and tried to attack her pero hinarangan sila ni Raiden na mas lalong ikinagulat ng dalawang Deity.
"What the hell, Raiden?! Si Lien yan! We need to catch her!" inis na sabi ni Seina
"Alam ko." malamig na sabi ni Raiden at nanlaki naman ang mga mata ng kasamahan nito.
"Alam mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kai sa kaibigan.
"Sigurado ba kayo na sasaktan niyo ang babaeng to?" Tanong naman ni Lien na kaagad na napatingin sakaniya. She is referring to Alina which originally the one who owns the body that she is taking over. "From what I know, naging kaibigan na rin sainyo si Alina. The moment you hurt this body won't hurt me, instead it will hurt Alina's flesh and spirit." Nakangising sabi ni Lien at kitang kita naman nito ang inis sa mga mukha ng mga deity.
"Ano'ng ginagawa mo dito, Lien? How come that you're here? Paano?" Lien just shrugged her shoulders and smiled coldly.
"I am not gonna answer any questions. Isa pa, pag nagtagal ako dito, madradrain ang spirit ni Alina at mahihirapan siyang makabalik sa katawan na ito. You wouldn't want that don't you? Pareho lang tayo. Alina had been a precious for me, I don't want to loose her as well. " Kitang kita sa mga mukha ng mga kaharap niya ngayon ang pagiging emosyonal at naguguluhan ang mga ito, in fact it is a good timing to strike when they are emotional and cannot think straight. Pero totoo ang mga sinabi niya, it is more than 10 minutes since she took over Alina's body, kapag nagtagal siya, mahihirapan si Alina na makabalik. She can't be stuck with this powerless body as well. Tsaka kapag umatake siya ngayon, mahihirapan siya dahil mahina ang katawan na ginagamit niya. In fact, pwede niya nang sabihin na ginagamit niyang panganggalang si Alina para makatakas. "Adios, my old friends."
NANG nawalan ng malay ang katawan ni Ali ay kaagad itong sinalo ni Raiden at binuhat, unti unti na rin na nawawala ang dragon scales sa mukha nito.
"You need to explain everything to us, Raiden." Galit na sabi ni Kai. Alam ni Raiden na galit ang mga ito ang mukhang nasa isip ng mga ito na naglihim siya sa kanila at tinraydor sila.
"I will, but for now we need to go home." Maglalakad na sana si Raiden ng nagsalita si Seina.
"Isasama mo siya?" Malamig na tanong ni Seina sakaniya, alam niyang she is referring to Alina.
"Oo. This is Ali after all. She is innocent in the situation between us and Lien. Ginagamit lang siya ni Lien for her personal plans." Napatingin naman siya sa mukha ni Ali na kitang kita ni Raiden na napagod ito, napabuntong hininga nalang siya tsaka nagsimulang mag lakad. "Let's go."
When they arrived at their mansion, inihiga niya muna si Ali sa sofa ng dahan dahan para hindi magising tsaka lumapit sa mga kaibigan na matalim ang tingin sakaniya.
"Explain now, Raiden." Seryosong sabi ni Caden.
"Matagal mo na bang alam na bumalik na si Lien? Kailan pa?" Tanong naman ni Kai at tumango naman si Raiden bilang pag sagot.
"Ever since sa condo ni Ali. Nakita ko kung paano tinalo ni Lien ang soul sucker, she even crushed its stone heart as if it is not dangerous. After that, I've been observing Ali since I really need to know kung paano nagagawang gamitin ni Lien ang katawan niya."
"And? what did you find out, Lord Raiden?" Tanong naman ni Viper.
"Alina is aware that Lien is inside her and napapalabas si Lien kapag nasusugatan ang katawan ni Ali." Nakikita ni Raiden ang pagkagulo sa mga mukha ng mga kasamahan pero alam naman niya na pinoproseso ng mga ito ang mga nalalaman nila.
"So paano napapabalik si Lien sa loob ng katawan ni Ali?" Tanong naman ni Caden.
"I am not actually sure but I think that Lien can do it herself. Nakita naman natin kanina na she was able to go away on her own."
"So what are we gonna do to Ali? Are we gonna tell her about Lien? The whole truth about Lien and all things about her?" Alalang tanong naman ni Seina. Napaisip naman kaagad si Raiden kung ano ba ang mas mabuting gawin.
"I think we should ask her first on how she knew Lien and what she knows about her." Seryosong sabi ni Raiden at tumango naman ang mga kasamahan bilang pag sang ayon. Nabaling naman kaagad ang atensyon nila kay Ali na bumabangon sa sofa, naging alerto ang mga kasamahan pero alam niyang si Ali na talaga ito because she can't sense Lien's energy.
"I am more than willing to tell anything about Lien and what I know about her. Pero kakapalan ko na ang mukha ko...Kailangan ko ng tulong ninyo." Nanghihinang sabi ni Ali na dahilan para magkatinginan silang lima.
"WHAT is it?" Tanong ni Raiden kay Ali. Nanghihina talaga si Ali ngayon pero kinakailangan niyang sabihin ang kailangan niya, naguguluhan na kasi siya sa nangyayare pero nangingibabaw sakaniya ang malaman kung ano ba talaga ang nangyare sa mga magulang niya at ang tanging alam niyang makakasagot nito ay si Lien. Alam niyang imposibleng kausapin si Lien by just summoning her in her external part of her body, so nagbabakasakali siya ngayon na humingi ng tulong sa mga mas makapangyarihan pa sakaniya.
"I need to talk to Lien. Not in the way na alam ko but in the way na alam ninyong magkakaharap kaming dalawa." Seryosong sabi ni Ali at kitang kita naman ang interes at halo halong emosyon na nakaguhit sa mga mukha at mga mata ng mga deity na kaharap niya.
"Why, Ali?" Alalang tanong ni Seina sakaniya.
"That guy... I believe his name is Roider...sinabi niya kanina saakin na may kinalaman si Lien sa pagkamatay ng mga magulang ko and I really need to talk to her." nakita naman ni Ali na nagulat ang mga deity sa nasabi niya. Alam niyang may koneksyon si Lien sa mga ito pero uunahin niya muna ang pakay niya bago tulungan ang mga taong nasa harapan niya. "Hindi ako matatahimik kung hindi ko malaman kung ano ang nangyare sa mga magulang ko. Kaya please, desperada na ako. Tulungan niyo ako." ramdam ni Ali ang pagkabiyak ng boses niya dahil sa mga namumuong luha sa mga mata niya, she had never been this stressed before, she felt like she was betrayed by a family by a thought na baka si Lien ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya.
Umupo naman si Raiden sa harapan niya at niyakap siya nito kaya tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Ali. "We know a way Ali and we will help you, Ok? Pero sa ngayon kinakailangan mong mag pahinga at magpalakas dahil ang prosesong gagamitin namin ay uubos talaga sa lakas mo so you really need to recover your energy first. Will that be ok to you, Ali?" mahina at magaan na sabi ni Raiden, pakiramdam naman ni Ali ay napapalagay na siya sa sinabi ni Raiden, sa tono ng boses nito ay binibigyan siya ng assurance na tutulungan siya nito.
"Thank you, Raiden." umiiyak na sabi ni Ali at napayakap na rin pabalik kay Raiden.
BINABASA MO ANG
The Spirit of the Dragon Deity
FantasiaAlina Lu is the most famous model in their Island at the same time she is powerless among them. She wanted to meet the Deities so bad due to her curiosity, as she was mistakenly kidnapped by one of the 4 deities that she wanted to meet she was very...