Lantis POV
Bumalik agad ako sa mansiyon ng malamang tatawagan pala ako nila uncle at lolo.Hingal na hingal ako sa pakikipag unahan Kay Chicken makarating lang dito.Tinulak ko siya ng malapit na kami sa pinto at humalakhak ng makitang nakadapa na ito sa semento at pinanlilisikan ako ng mga mata.
Dumeretso na ako sa sala ng tawagin na ako ng katulong at kanina pa naghihintay ang lolo.
Hinihingal Kong ibinagsak ang buong katawan sa sofa saka hinarap ang laptop kung saan nasa screen na ang mukha ng lolo ko.Sa likuran niya nakatayo ang dalawa pinsan ko at katabi naman ni lolo si uncle Oliver na maluhaluhang nakatingin sa akin."Ang b-baby ko....Kumain ka na ba Lantis hija?Nasaan si William??"
Bungad agad saking tanong ni uncle Oliver.Agad naman siyang binatukan ng mga pinsan ko at Pati si lolo ay gumaya na rin."Tangina..ang sagwa sa camera ng mukha mo uncle Oli!!"--Jin
" Damn,May gana ka pang umiyak ngayon ah??"---Hanz
Sinamaan naman niya ang mga ito ng tingin habang ako ay nakangiwi sa tawag niya sakin.
Baby daw...
"Uncle.. Diyan nalang ako mag aaral katulad nila jin at hanz??I Don't want here.."
Natahimik naman sila
"Hindi pwede apo ko.."---lolo
Bumagsak ang balikat ko" Bakit??Magpapakabait naman po ako e" ungot ko pa
Luh...asa namang babait pa ako,Nasa lahi na ata namin ang makukulit lalo na yung dalawa nilang kasama na nakatikim na ng buhay presento.
Tumawa ang dalawa Kong pinsan sa sinabi ko habang ang hintuturo ay nakaturo sakin.Lalong sumimangot ako.
Mga siraulo sila
"Lolo..Wag kayo makinig riyan..Sinapian nanaman ng kadramahan ang apo ninyo.Magpapakabait daw. Sussss,lokohin mo lilang mo gago"---hanz na sinang ayunan naman ng katabi nito
Nagpakyu hand sign naman ako na agad sinita nila uncle at lolo
" Lantis apo,Hindi ka pa pweding umalis sa poder ni William dahil Wala kang kasama sa mansion.Di ka rin maaaring sumunod dito dahil may inaasikaso kaming mahalaga ng uncle Oliver mo.Pero oras na mabalitaan Kong nagpapakabait ka riyan ay agad kitang ipapasundo sa private jet natin para magkasama na tayo".Nagliwanag ang mukha ko at pumalakpak. "Awwww..Ano po bang inaasikaso niyo lolo??Bakit Pati sila hanz at jin eh nandiyan??Wala naman Silang maitutulong na maganda e..sasakit lang ulo niyo riyan po"
Panay ang mura sakin ng dalawa kaya pinakyukan ko naman sila na agad ding binawi ng makita ang salubong na kilay ni uncle Oliver.Nagpiece sign ako sa camera.
"Alam mo,pamangkin. Kahit mga walanghiya itong mga pinsan mo,may pakinabang pa din naman sila kahit papano. Lalo na ngayong nagpaparamdam na naman ang demonyo—""Oliver!! Watch your words!" Putol ni Lolo sa sinasabi ni uncle na ikinatahimik ng huli. Pansin ko naman ang pananahimik ng dalawang lalaki sa likuran nito,nawala ang pagkaloko lokong expression sa mukha at napalitan Ng kaseryusohan.
Tila nag iba Ang ihip ng hangin.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng tingnan ako ng Lolo sa mata na para bang may ipinapahiwatig.
"Lantis.... from now on, I want you to focus on your study. Don't you even dare to make trouble again. Wag Kang gumawa ng ikapapahamak mo apo. Please naman,sana huwag Kang magaya sa putang*na mong—""Pa!..."
"Lolo!!!"
"What?patapusin niyo nga ako,wag sabay ng sabat mga ije de puta—"
Bago pa man nito matapos Ang pagsasalita,tinakpan na ni Hanz ang bibig Niya na ikinangiwi ko.
"Akala ko ba watch your words??bakit Ikaw pa tong mas malala....lol naman"Inis na itinanggal ni Lolo ang kamay ni Jin na bahagyang nakangiwi
"Eh di ko mapigilan pag naaalala ko ang B—"
"Oh Tama na....magmumura na naman kayo eh,Hindi na kayo nahiya kaharap niyo Yung bata.Baka gayahin kayo niyan,segi kayo"
'Okay lang uncle,di na bago sakin Yan. Araw Araw ko ba namang naririnig sa mga putang*nang mga kaklase ko'
Gusto ko sanang sabihin kaso baka mahighblood pa si Lolo, wawa naman.
Magsasalita na sana ako ng biglang nabasag ang screen ng laptop dahilan para maputol ang kumunikasyon namin. Natigilan ako at pinagmasdan ang balang bumaon sa screen ng ki-bago bagong laptop ni uncle.
Di ko pa man nasusuri ng maayos ng bigla nalang akong napaigtad dahil sa sunod sunod na putok ng baril na marinig ko. Mabilis akong dumapa sa sahig kaharap ng sofa para magtago sa tila sunod sunod na paulan na bala sa loob ng bahay.Wala akong narinig na tili o sigaw Mula sa mga kasambahay kaya malamang ay wala na silang buhay. Napadaing ako ng may maramdamang kirot sa binti ko ng tangkain Kong gumapang pasok sa kwarto ni uncle. Hindi ko ito ininda dahil daplis lang naman at kinuha ko na ang pagkakataong paghupa ng pagpapaputok nila para tuluyang makapasok sa kwarto ni uncle William. Sigurado akong may nakatagong baril si uncle sa silid niya.
"Putang*nang Yan...nasaan ka nabang baril ka at di ka magpakita!! Kung kailan naman kailangan saka ko pa nakalimutang humingi ng bala para sa baril ko. Putik na buhay to oh,kung minamalas ka nga naman lantis!!! "
Binuksan ko lahat ng cabinet at vault ni uncle,binalibag ang kutson ng kama,inalis Ang damit sa drawer niya pero ayaw magpakita Ng kinginang baril ni uncle !!Sunod sunod ang murang pinakawalan ko ng marinig ang mabibigat na yapak pababa Ng hagdan ng kung sino mang putang*nang ponchopilato nagpaulan ng bala sa bahay ni uncle.
Napahiyaw ako sa tuwa ng sa wakas ay makuha ko narin sa wakas ang kinginang baril na nakaipit lang pala sa librong kailan man di ko pa nasusubukang basahin sa buong buhay ko.....
Bible.....
Bago paman tuluyang mabuksan ang pinto ng tao sa labas ay pinaputukan ko na ito ng tatlong beses at ng masigurong lumagapak na siya sa sahig ay saka ko tuluyang binuksan Ang pinto at dahan dahang naglakad palabas. Kaliwa't kanan ang tingin ko para makita kung may kalaban sa paligid. Nasa kalagitnaan na ako paglalakad para hanapin ang alaga kong pusa ng may biglang bumagsak na nakaitim na lalakisa harapan ko mula sa mataas na hagdan at walang sabing nagpakawala ng mabibigat na suntok na mabilis ko namang iniwasan. Naiiwan sa hangin ang bilis at bigat ng kamao nito na kung sakaling napuruhan ako ay malamang tulog na ako agad.
Hindi ko na pinahirapan pa ang sarili ko at ginamit na as ang baril na nasa kamay ko.
Napabuga ako ng hangin ng makita ang kutsilyo at baril na nasa bewang nito saka umirap.
"Stupid people always die early"Kung Hindi ba naman Tanga....May baril Ng may baril—gagamit ng kamao?
"Chicken!!!Nasaan ka nang pusa ka??!"
To be continue.....
May nagbabasa pa ba?
