Nakasimangot ako habang nasa bintana ang tingin at iniiwasan ang nagtatanong na titig ng magaling Kong uncle na kasalukuyang nagmamaneho.
Pasulyap sulyap lang ito sa salamin sa harapan at paulit ulit na bumubuntong hininga bago umiling..inirapan ko lang siya habang nagmumini muni sa dinaraanang daan
Maliliit na bahay sa gilid ng kalsada,.malawak na lupain na parang hacienda,nagpapalipad na sarangolang mga bata sa gilid..
Halos parepareho lang ang kulay na nakikita ng mga mata ko.
'Green(dahon ng mga puno at halaman),pinaghalong kulay krema at puti na bahay may ilan ding puro puti at asul...ano bang klaseng bahay yan??mga walang taste...di ata marunong ng salitang fashion ang mga Tao dito e....Buti nalang ako laking mayaman at alagang prensesa pa..hihihi
Hmppp..pero ngayon bigla akong nakaramdam ng kaba ng maalalang dito na din pala ako titira...sana lang may Internet at WiFi kundi maglalayas talaga ako.Wahhhh,!!di ko parin matanggap na mags-stay ako Kay uncle wil .....
Kating kati na akong magsalita dahil nag iba na naman ang ruta ng daan namin...gusto Kong magtanong dahil ibang senaryo na naman ang nakita ko...kung kanina pang probinsiya
Ngayon naman parang manila lang
Matataas na gusali pero siksikan ang mga bahay apartment... Halos lahat mamahalin ang bahay..May nakita akong lalaking nagjojogging kasabay ng aso niya kaya napangiti ako.
'Hayst..naalala ko tuloy si chicken —OMYGAD!!!Si CHICKEN!! NIIWAN KO SA BAHAY!!
Naiiyak akong humarap Kay uncle saka tinapik tapik ang balikat niya.
Inis siyang lumingon sakin"Lantis...ano ba..mamaya ka na magkulit I'm driving, baka mabangga tayo"
"Wahh!!!UNCLE!! Si chicken nakalimutan ko si chicken, Hala uncle ibalik mo ang ito,kailangan ako ng alaga ko..pu-leaseee,Hindi siya mabubuhay ng walang Lantis Xiajara Salvador sa tabi niya!! Uncle —ARAYY!!!"
Dumaing ako matapos niyang hampasin ang kamay ko sa braso niya
"Hindi na tayo pweding bumalik""Bakit naman?"
"Nandito na tayo kina kuya William,wala ng atrasan toh pamankin" nakangisi niyang saad na ikinalaki naman ang mga mata ko
"Kaya pala ang init na ng paligid''
Nasa bahay na kami ng demonyo.sa isip ko lang sinabi ang panghuli" wala pang alas diyes ng umaga .GAGA!!di pa nag iinit ang paligid Anong pinagsasabi mo riyan??"
Napairap nalang ako at tinignan ang bahay sa harap..napanganga nalang ako sa pagkamangha.kung malaki ang bahay ni uncle Oliver..double ang laki ng nasa harap ko.
Nakabisita na ako dati dito pero di ko naman natandaan masyado dahil bata pa ako nun."Uncle"
"Oh??"
"Uncle"
"Bakit ba?"
Inis nitong sambit habang ibinababa ang mga maleta ko.mgumuso ako"Si chicken.. Gusto Kong makasama ang pet ko para may kadamay akong magdusa at di masabing 'I'm alone sa bahay na toh"
"Don't worry..susunod ko rin ang bwusit na pusang yun dito..Aba!di ako papayag na popo-an niya lang ang bawat sulok ng bahay ko noh..."
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tuloy tuloy naglakad kaya sumunod ako"sana pala nagbaon ako ng rosaryo para may magamit ako pantaboy ng mga di kanais nais na isperito at nilalang na makikita ko sa bahay na toh—hindi naman sa kinamumuhian ko si uncle wil pero parang ganun na nga.
Paano ba naman noong huling pagkikita namin nung ten year's old palang ako ay pinakain ako ng demonyong sili at isinama ako sa shooting range kung saan rinig na rinig ko ang putok ng baril niya—di man lang nag abalang takpan ang tenga ko kaya ayun...iyak ako ng iyak ng umuwi kami sa bahay ng pinsan ko.di pa nga ako nakakain ng ilang araw at halos kulang sa tulog kaya di ko talaga gusto ang maulit p yun!!
