Chapter 13

99 6 2
                                    


A/N:gusto Kong makabasa ng comments or any reaction from you.. Pwede ba??Plzzzzzz

Di ko alam kung paano ako nakauwi kagabi ng hindi napapagalitan o nasesermunan ni uncle. Paggising ko kanina alas dose na ng umaga at sinabi ng maid na nakaalis na daw si uncle at isang linggo na hindi makakauwi dahil naduty sa Mindanao. Layo noh??Buti nga at walang dadakdak sakin twing umaga pero ano na naman ang gagawin ko ngayong araw???wala dito mga pinsan ko at aabutin pa ng bente quattro oras ang byahe kung papupuntahin ko sila rito o kung ako ang pupunta sa kanila.Ito ang hirap sa bagong lipat eh..di mo alam kung saan ka gagala at saan tatambay dahil di mo naman alam ang lugar na pwede mong puntahan.

Napaliguan ko na si chicken at lahat lahat pero nanadito parin ako sa malaking bahay at bored na bored.
Napatingin ako Kay chicken saka tinapik tapik ang ulo nito saka tumayo,lumingon ito sakin

"Halika..mangangapitbahay tayo.."
Nauna akong maglakad at nasa gilid ko naman siya nakasunod sakin. Inilagay ko ang dalawang kamay sa bulsa ng jogging pants ko habang pinagmamasdan ang paligid.
Ilang minuto lang ang nilakad ko bago ako huminto sa isang tapat ng bahay na kulay krema ang pintura at nakabukas ang gate tapos wala pang guard na nakabantay.

"Bobo..andali naman manakawan nito ng mga akyat bahay gang.." Komento ko saka inaya ang sariling pumasok habang nagmamatyag sa paligid kung may tao o wala.
Ito yung bahay na masasabi mong walang pakialam ang may ari kung napasok man ang bahay niya o Hindi dahil walang kahit Sinong katulong o tauhan ang nandito.Pati pinto ng bahay bukas at kitang kita mula rito kung gaano kalawak,kayaman at kaburara ang may ari.Nagkalat ang mga mamahaling antique sa sala at mga babasaging base.
Huminto ako sa tapat ng pintong bukas ng mapansin ang umiilaw na maliit na bagay na nakakabit sa itaas ng pinto saka kumaway.

Aba aba! May utak din naman pala toh kahit papano..siguro IT expert may ari nito.

Kinuha ko ang tsenelas ko saka ibinato sa loob.
"Wow...ang galing naman..*palakpak* sanaol may laser beam.. High-tech"

Tumingin ako sa camera saka kumindat,Maya Maya lang ay may narinig akong mga yapak galing sa hagdan kaya sumilip ako doon.nadeactivate narin ang laser kaya madali na sakin ang makapasok ng walang abirya.
Pinauna ko si chicken dahil baka may iba pang trap itong bahay na toh na di ko alam...baka biglang nalang akong matosta pag may naapakan akong bagay.

Pagpasok ko sa loob nakita ko ang pamilyar na mukha ng lalaking nakasalubong ang kilay at masama na agad ang timpla ng mukha Pati tingin sakin.
Humarang sakin ang alaga ko at gumawa ng nakakatakot na ingay pero parang wala lang dito iyon at nasa akin parin ang atensyon

"What the fuck are you doing here??And who the hell are you to enter in my house without my fucking permission??"

Ngumiti lang ako at dahan dahang lumapit sa may sofa. Binagsak ko ang katawan ko rito at ipinatong ang mga paa sa katapat na lamesa bago lumingon sa kanya.Hindi na maipinta ang expression ng mukha nito habang nakapamulsa.

"Bukas ang gate eh..winellcome ko na sarili ko.."

Pinagpag ko ang tabi ko kaya sumunod naman ang alaga ko na umupo sa sofa.Rinig na rinig ko ang sunod sunod niyang mura

"What the fuck??Get the hell out of my fucking house you little brat!!This is not a place you can stay and play!!Get the fuck out of here!!!!"

Ngumuso ako at di pinansin ang pagsisigaw niya
"Oo na lang.. Pero mamaya na,mga isang oras pa siguro kuya,aaalis din kami wag kang atat"

Nagsimula na naman niyang magmura
"Damn it!Sino ka bang bwusit ka?? Kapag hindi ka pa umalis—"

"What's happening here??Julian, who's that??"

Natigilan ako ng marinig ang napakalamig na boses na mas malamig pa ata Kay Red.Parang living dead lang?? Shit,kinikilabutan ako boses palang.Sabay kaming napalingon sa bagong dating at di agad nakapagsalita.

Ang totoo??Hindi ako nakaka appreciate ng mga good looking guys sa mundo dahil araw araw ko namang nakikita yun sa buong buhay ko.Nakakasawa na na araw araw gwapo ang makikita mo dahil sa mga pinsan ko sa bahay.Mga uncles ko na parang ipinaglihi Kay Adonis. Pero ngayon,Shit ang gwapo kahit malamig ang boses at mata.

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang tumingin sakin.Doon ko lang nasilayan ng buo ang mukha niya at napansin ang malaking pilat sa kanang bahagi ng mukha nito. Nakaside view kasi kanina kaya di ko agad napansin.
Walang emosyon ang mukha niya ng lumapit saakin kaya mas lalo akong nanlamig.

What the fucking hell??Para akong kakainin ng lalaking toh anumang oras!Idagdag mo pa yung malamig niyang mga mata.Para akong magnanakaw na nahuli sa ginagawa niya.

"Kuya..." Tawag nung lalaki na kapatid niya siguro dahil sa tawag sa kanya

Hindi siya nito nilingon bagkus ay pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa na ikinangiwi ko

'Gago to ah..minamaliit mo ko ah?ha?Tangkad lang lamang mo!Mas matalino parin ako!'

"Who are you young miss??"
Napaayos ako ng upo,kamot ulo saka napagdesesyunang tumindig nalang dahil nakakahiya naman sa may ari ng bahay..kawalang manners ba?

Ngumiti ako,inilagay ang kamay sa dibdib at ang Isa ay sa likod saka yumuko para magbigay galang
"I'm Lantis Xiajara Salvador,your Majesty" magiliw Kong saad saka bumalik sa pagkakatayo ng maayos.

Tumaas naman ang kilay ng lalaking nagngangalang Julian habang pinanonood ako.

Samantala ay di parin nagbabago ang expression ng mukha ng kaharap ko na malamig parin ang tingin sakin.
"Why did you enter my place without my permission?? What do you want??"

"Bukas yung gate—"

"But that doesn't mean that you can just go inside without the owners knowing.. You're still a stranger..We can file a case against you,That's trespassing!"

Tumikhim ako at nakipagtitigan sa kanya mata sa mata
"Patawad sa pagpasok ko sa bahay niyo ng walang permiso..Napadaan lang kami ng alaga ko dahil gusto Kong mag ikot ikot sa village namin eh..I just want to familiarize this place para di ako maligaw sa susunod.Kakalipat ko lang kasi sa bahay ng uncle ko..Sorry ulit"

"Reasons.."
Napanguso ako at pumadyak

"Pero totoo yun!gusto ko lang talagang maglibot libot at wala akong balak na masama noh!Na curious lang talaga ako sa bahay na to kaya ako pumasok..Kaya naman pala walang guard na nagbabantay sa gate kasi high-tech! May mga security devices kahit saan!pwede bang makita yung iba???"

"Get out"
Bumagsak ang balikat ko sa sagot niya saka mahigpit na kumapit sa kanang braso niya.Ramdam ki ang paninigas ng katawan niya sa ginawa ko pero di ki pinansin

"Isang oras pa..tour mo muna ako sa bahay niyo..gusto Kong makita ang mga high-tech na bagay dito"

"Get off him!!Kuya—"
Hindi ko pinansin ang sinasabi ng kapatid niya at hinila ang lalaking kapait kapit ko paakyat ng hagdan na parang yelo na ata sa paninigas.Awang ang labi nito habang nakatingin sa kamay king nakapulupot sa mga bisig niya.

Iniwan ko muna si chicken sa kanya dahil nakakahiya naman kung isasabay ko pa sa tour namin..Isa pa bagay naman sila ni Julian magsama..kagatin sana siya ng alaga ko ng matigil na sa kamumura.Ako lang ang pweding magmura

Nakarating na kami sa may malaking room na punong puno ng computer ng maramdaman ko ang paglayo niya sakin at bumalik nanaman ang walang emosyong mukha na titig na titig sakin.
"Hmm??ito na ba yung tinatawang nilang CCTV room?? —"

"Aren't you scared??"
Kumunot ang noo ko

"Ha??" Naguguluhan Kong tanong.Tinitigan niya ako ng Ilang sandali pagkatapos ay bahagyang ngumisi

"You're scared of me...are you?"

Ngumiwi ako"Mas nakakatakot pa si Uncle William sayo pag nagagalit..Tsaka di ka naman nakakatakot,nakaka intimidate lang"

"What?"

"Lantis ng Section D"Where stories live. Discover now