" Sirena! Sirena! Hulihin siya! Isa siyang salot sa lipunan!
"Tama ka! Siya ang anak ng salot na taong isdang si Cynthia! Hulihin niyo't patayin siya!
(Ang galit na sigaw ng mga magulang na dumalo sa araw ng pagtatapos.)
" Itigil niyo yan! Walang ginawang masama ang anak kong si Ariela sainyo! Mabuti siyang kataw!
(Sabay akyat sa stage at hinila ang mga kamay ng mga masasamang kaklase na hawak hawak ang nakahandusay na sirenang si Ariela.)Antonio: Makinig kayo! Naipasa lamang sa kanya ang sumpa ng Ina niyang si Cynthia. At hindi siya salot, dahil anak ko siya! Mabait siyang bata!
(Ang malakas na wika at paliwanag ni Antonio sa mga dumalo ng araw na 'yon.)
"Nako! Hulihin parin siya! Salot na Sirena! Ang nagdadala ng kamalasan sa ating bayan!
(Huwag ninyo kaming gagambalain pa! Dahil kung hindi, ay kakasuhan ko kayong lahat! Ang galit na wika ni Antonio at agad kinaskas ang mahiwagang kabibe sa tagiliran ni Ariela. At agad nag-anyong tao si Ariela sa loob ng dalawang segundo. At dali-dali silang tumakbo pauwi, habang tinigilan naman ng mga guro ang mga tao sa paghabol sa kanila. At pinigilan naman ni Gino sina Zandra,Mira,Sonia,at Merilyn upang di na mapahamak pa si Ariela.
(Bahay)
Antonio: Anak, mag-iingat ka lagi ah? Huwag mong pababayaan ang sarili mo! Magpakalayo layo kana! Huwag mo na akong aalahanin pa! Mahal na mahal kita anak.
Ariela: Tay! ayaw po kitang iwan! Ako rin po mahal na mahal po kita! Nangako po ako kay Inay na hinding hindi kita iiwan itay!
Antonio: Anak, sige na! Kung mahal mo ako, Makinig ka nalang saakin! O heto na ang mahiwagang kabibe! Humayo kana anak ko!(Agad ngang sinunod ni Ariela ang Utos ng ama, at agad nag-anyong Sirena pagkahakbang sa ilog ng biniyayaan at maiyak iyak na nakalubog sa tubig.)
" Itay, babalikan po kita huwag kang mag-alala!"
Antonio: Oo anak, basta lagi mo lang isipin na mahal na mahal ka namin ng Inay mo ah?
Ariela: Opo itay!Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonLarongFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜
BINABASA MO ANG
Kataw: Ang Alamat ng mga Sirena
FantasiaAng kwentong ito ay tungkol sa alamat ng mga sirena. Kung paano nga ba sila nagsimula at nagparami ng kanilang mga angkan sa mundong ito.