C H A P T E R: 52



"BILI na mga suki-hoy suki dito ka na sa'kin, fresh ang tahong kasing fresh ng nagtitinda---" hinila ko ang damit ng isang babae sabay bungad agad sa kaniya ng hawak kong tahong.

Dapat super duper ang pagpapansin mo tuwing nagbebenta ka! Hindi lang basta-basta na sales talk---haluan mo dapat ng trashtalk mga besh! Mabiti na lang talaga likas na ang kakapalan ng mukha ko.

Umirap siya at ngumiwi. "Duh? Anong suki ka diyan? For your information hindi mo ako suki! Kapal muks talaga ang pu*a!"

Napahawak ako sa'king bibig. Like, minura niya ba ako?!

Nag walk out ang gurang habang nakembot ang puwit. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng babaeng nalakad na una ang puwit bago paa! Walastik na nilalang!

Bago siya makalayo, binato ko siya ng tahong sa ulo. "Gangser---este motherpader ka!"

Minura niya ako at nag bad finger. Ang liit naman ng middle finger! Masugod nga bahay n'on!

"Hey, what's wrong?"

Napa-flip hair ako at lumingon kay Dalter. Tumaas ang sulok ng aking kissable lips ng makita siya na buhat buhat ang isang styrofoam na may laman ng tilapia. Naka topless lang ang kuya niyo kaya halos tulo laway na ang mga kasama kong tindera.

Putok na putok ang biceps ng totoy. Makinis din ang kilikili. Namumula pa ang pisngi dulot ng init. And look on his eight pack abs mga friend! Kumakaway sa akin. Kulang na lang palaman! Mapapa sana all kapa kasi pinkish ang nipple ng kurimaw!

Mapapa huwaw ka na lang at maiinggit.

At dahil inggetera ako, nag topless din ako---charot! Kumedyante lang ako at hindi bold star kaya it's a no tayo mga besh! Conservative dapat tayo. Shy type lang, ganern!

"Ikaw ang wrong---so anyways, pakilagay na lang 'yan box sa ilalim nitong mesa," tumango lang siya at busy na uli sa pinag uutos ko. Grabe ang kaseryosohon nito sa trabaho. Gusto din yata mahatian ko ng kita ko.

Kala niya naman . . . wala siyang sweldo! Sampalin ko siya ng sama ng loob, makita niya!

Hindi ko talaga ini-expect ang pagtulong nito sa'kin. Gulat na gulat ako mga besh! Kasi akala ko mag iinarte siya buhatin ang mga malalansang styrofoam. Napamangha lamang ako sa agaran nitong pagsunod sa utos ko.

Like, super grabehan lang!

Napansin niya yata ang titig ko kaya napasulyap siya. Tinaasan ko lang ng kilay at nginuso ang box na kaniyang inaayos. Tumagal pa ang titig nito sa'kin. At base sa pagbuka ng bibig nito, mukhang napamura na naman ang walang'ya. Napangiwi ako. Bangag yata 'to si Dalter, eh!

"Pst Consonant! Sino siya? Ngayon ko lang nakita ang kapoging binatang 'yan!" Sabay malanding humagikhik si Ate Maya. Katabi kong tindera, madalas na itininda niya ay hipon, crab saka tuna. Fourty five years of age, may asawa at anak. Nakapagtapos naman na ang panganay niya pero ayaw niya pa rin huminto sa pagtitinda. Ayon kasi sa kaniya, mahirap na raw ihinto ang ikinasanayan na gawain sa buhay.

So, ano naman ngayon?

Malakas pa rin kumerengkeng ang matandang ito. Kaya hindi na ako naniniwala sa mga inspirational words niya na galing lang naman sa bunganga ng mga chismosa sa tabi-tabi!

"Ayy naku besh! Si Dalter! Kalahi ng mga bata . . ." chill ko lang na saad na OA niya kinasinghap. Siyempre, hindi ko naman puwede sabihin na siya ang ama ng mga quintuplets e' ang alam ng mga tao sa bayan rito na anakan lang ako ng isang poging Diwata sa encantadia. Yeah, 'yan ang kumakalap na chismis.

Lumapit siya sa'kin at nag aabang pa ng maikukwento ko. Tinaasan ko lang ng kilay. Halos magdikit na mukha namin sa sobrang lapit nito ni Ate sa'kin.

"Kalahi ka diyan! Lolo ng mga bata, ganern? Aysus! Huwag ka magsinungaling girl! Siguro, anak siya ng tanod at inakit mo!"

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon