C H A P T E R: 28
THIRD PERSON P.O.V
NANGIWI sila sa narinig na istorya ni Mang Kepoy. Nagpanggap pala bilang Kapipe Marimar ang kaibigan at ipinakilalang ninong ito ng mga anak niya.
Nangingitngit sa inis si Letter sa ginawang kalokohan ng kaniyang kaibigan. Pero ano nga ba ang magagawa niya? E ganoon na talaga ang ugali ng kaibigan niyang si Consonant. Pakawala ng kadiliman. Lagi gusto ng libre. Buraot at mahilig mamasko.
Nabiktima din nito si Dalter. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa ginawang pambubudol nito sa ama ng mga anak niya--- O maiiyak sa kabaliwan at trip sa buhay ng bruha. Kahit unggoy ay walang patawad--- este matanda. Wala siyang awa!
Pinilit ni Drape si Mang Kepoy na siya na lang ang magbabayad sa damages na ginawa ni Consonant. Pumayag naman agad ang matanda at nanghingi pa ng number kay Letter para ma-text niyang makipag-date. Halos ilambtin ni Drape ang matanda sa chandelier dahil sa inis.
Kunot noo naman liningon ni Dalter ang bunsong kapatid.
"Kilala mo ba 'yon Drape?"
Naiinis na ngumisi si Drape sa kaniyang kuya. Inayos niya ang kuwelyo at pagkatapos hinawi ang buhok.
"Yeah I know her. Inaanak ko mga anak n'on. Ninang din si Letter sa mga anak n'on e. Diba Tahong?" Ngumisi din si Letter at hinampas sa dibdib si Dalter. Napa-ubo ang lalaki. Parang nawasak ang mga buto niya sa lakas ng hampas sa kaniya.
"Oo naman! Napagkamalan ka lang siguro niyang Ninong, may amnesia iyon e kapag pera na ang usapan--- este matanda ka na kasi Dalter, mukha ka ng 50--- ermetanyo ka na!" Sinamaan siya ng tingin ng lalaki.
"Mukhang hindi ka na magkaka-anak. Kawawa ka na. Mahina ka na Lolo Dalter."
"Shut up!" Asar na sigaw ni Dalter. Ngumisi ngisi si Letter at ipinagpatuloy ulit ang panga-aasar sa lalaki. Tinaas pa nito ang isang kilay at nag-cross arms pa.
"Kita mo? Sumpungin ka na! Signs of aging na 'yan. Magiging byudo ka na forever!"
Agad naghanap ng kahoy si Dalter at kumatok ng tatlong beses ng hindi magkatotoo pang aasar sa kaniya ng babaeng kaharap. Napamaang naman si Drape sa ginawa ng kaniyang kuya habang bumalanghit ng tawa si Letter.
'Uto uto din talaga ang kupal,' sa isip pa ni Letter.
"Asar blee, mahina na eggy mo! Nye nye!" Sigaw niya pa habang kinaladkad na ito papalayo ni Drape. Binitbit siya nito na parang may bata lang na kasama.
Inis na ginulo ni Dalter ang buhok. Sinundan niya ang dalawa para sapakin ang babae.
"Tahong tama na," nakikiliting ininalayo ni Letter ang tenga sa boyfriend ng naibulong sa kaniya ang mga salitang iyon.
"Ihhh! Bulong ka nga ulit! Naughty naughty talaga!" Naiiling na lang si Drape sa kapasawayan ng girlfriend. Inayos niya ang cardigan na suot nito dahil nakikita ang hindi dapat makita.
Papunta sila ngayon sa garden ng hotel kung saan naroon ang pamilyang Floorman. He knows na alam na ng Lola niya na narito siya base sa mga guards na nakita siya kanina. Alam niya na na-ireport na siya ng mga ito.
Magkaholding hands na ang mag jowa habang naglalakad. Hindi nila alam pero kutob nilang napunta roon ang kaibigan niya at ang mga anak nito. May radar kasi ang kadiliman na pag-uugali ng mag-iina. Kaya hula na nila kung saan pumunta ang mga ito.
Samantalang nakangiti ang mukha ng nakita sila ng Madam Dexia may hawak pa ang ginang ng wine glass. Kaso ng makita si Letter na ka-holding hands ang anak ay nagbago agad ang timpla ng mukha ng ginang, para siyang nakakita ng tae at gusto masuka.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...