C H A P T E R: #55
THIRD PERSON P.O.V
SABAY-SABAY nagising ang limang bata sa isang malawak na silid. Nangunot ang kanilang noo ng makita ang kanilang Mama na walang malay na nakahiga na kanilang pinaggigitnaan. Nagkatinginan sila."M-mama?" Sabay mahinang sampal kay Consonant. Pikit lang ang mata nito at pansin nila ang namumutlang labi ng kanilang Mama. Kinabahan si Arkus ng hindi ito nagising.
"K-kuya, si M-mama?" Naiyak na tanong ni Erkus sabay haplos sa mukha nito at liningon ang mga kapatid.
"M-mag bibilang na naman ba t-tayo? Simula one to one thousand?" Sumama ang tingin ng apat kay Ikarus.
"Sige, pero 999?" Naiiyak na bulalas ni Odanus sabay yakap kay Consonant.
Umiling si Uranus at tinulak palayo ang Odanus na napaka-OA at siya mismo ang yumugyog sa katawan ni Consonant. "Mama! Gising at gutom na kami! Magnanakaw pa tayo ng ulam!" Sabay-sabay nanlaki ang kanilang mga mata at nagkatinginan. Nakita nila ang pagkunot ng noo nito, pero hindi pa rin nagigising. Nakahinga ng malalim ang lima. Nawala ang tinik na nakadagan sa kanilang mga dibdib.
"Nasaan nga pala tayo?" Ani ni Odanus.
Umepal si Uranus, "ang alam ko, nanghingi lang naman tayo ng ulam, diba?"
Tumango sila at sumabat si Erkus, "tama! Nag good bye kiss tayo sa mga bebe natin at . . ."
"Nagalit ang matandang si Tebelbel!" Pagpapatuloy ni Arkus.
Pinapungay ni Ikarus ang kaniyang mga mata at sumabat, "ang huli kong na aalala . . ."
MALUPIT NA
F L AS H B A C K"S-sige, basta umuwi agad kayo!" Utos ni Consonant sa mga bata. Masaya nilang tinalikuran ang kanilang Mama. Agad sila humarap sa bahay na gusto nilang gambalain. Inutos muna ni Ikarus kunin ang plastic kay Erkus na naka sabit sa maliit na gate ng mga Plorera Family, plano nila ito gawin na pambalot sa hihingiin nilang ulam.
Walang anu-ano'y binuksan nila ang pintuan habang hawak-hawak ang kanilang mumurahing baril. Naka fighting stance sila. Gayang gaya nila ang kanilang idol na si Coco Martin.
Pina-dugyot na Probinsyano at Batang Quiapo.
Sila na ngayon ay ang mga Batang Dugyot ng Probinsyang Bato-bato.
"Itaas ang mga kamay!" Sabay-sabay nilang saad.
Muntikan ng madulas ang matandang si Ka Uhug na busy sa pag lalampaso ng sahig dahil inaalila siya ngayon ng kaniyang misis, at sa gulat niya na itaas niya pa ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Asan ang ulam!" Sigaw ni Arkus at nagpagulong sa sahig sabay mahilo-hilo siyang lumuhod habang hawak pa rin ang baril na laruan.
"N-nasa kusina!" Natatakot na tugon naman ng matanda.
Samantalang nag uusap ang limang mga babaeng chikading na galing sa kanilang paglalaro sa likod bahay. Nadaan nila ang kusina at pagbungad nito ay ang sala. Nagulat ang mga ganda-gandahan ng biglang linapitan sila ng mga kanilang ka-love team sa kuwentong ito---at yinakap.
"Na-miss kita Ylang-ylang!" Si Odanus na nakarga pa ang bebe niya sa pagkamiss. Umirap ang batang si Ylang-ylang.
"Hindi mo alam kung paano ako lumuluha tuwing gabi dahil mahirap magtrabaho sa Saudi!"
"Na-na-miss rin kita Odanus, sana may dala kang ginto para sa'kin, " sabay yakap din ng mahigpit sa batang kaharap.
"Hindi mo ba ako na-miss Santan?" Sabay yumuko pa siya at ngumuso. Kyut-kyut lang ang batang 'to sa kaniyang crush. Sila ang love team na hindi dugyot basta cute lang sila, ayos na. Napanguso din ang batang si Santan at kiniss sa lips si Arkus. At dahil inosente pa ang mga mahaharot na mga batang ire, nganga lang ang kayang gawin ni Ka Uhug. Hindi niya alam ang nangyayari sa kaniyang kapaligiran. Mistulang na sa fantasy world ang matandang mukhang sipon, eme!
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...