ANA POV
At umalis nako, hindi ko alam kung saan ako papunta pero naglakad lang ako ng naglakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Basta ayaw ko dito gusto kong lumayo... ang sakit ang sakit sakit ng mga narinig ko at hanggang ngayon parang ayaw pa mag sink in ng mga sinabi niya.
I don't know kung nasaan nako, blurry na kasi ng paningin ko, dumidilim na rin kasi mag gagabi na.
I cant take another step, kaya napa luhod nalang ako sa may side walk at patuloy parin sa pagiyak.
"bakit? Bakit nangyari to? Ang sakit ang sakit sakit"
Hinahabol ko na ang hininga ko
Hinga alexa hinga. . .pero humagulgul parin ako. . hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa paglabas at bigla na bumuhos ang ulan
"a-alexa???"
May biglang lumapit sakin, lumuhod sa harapan ko at hinawakan ako sa braso
"Alexa what happened? Bakit ka umiiyak??" pagkatingala ko nakita ko si nick, alalang alala ang muka niya.
Pagkakita ko sa kanya mas bumuhos pa ang mga luha ko at dahil dun niyakap niya ko at sinusubukang patahanin.
"shhhh lex, iiyak mo lang kung ano man niyan, kahit umiyak ka buong gabi sasamahan kita."
At humagulgul ulit ako. . .
"b-bakit ba? Bakit to nangyari sakin? May nagawa ba akong masama? . . ."
"no lex, you've done nothing wrong. .. "
"Ganito ba, ganito ba kasakit na magmahal ng maling tao? Na parang sinaksaksaksak ang puso ko na parang tinadyakan rin, h-hindi ko ma ipaliwanag ang sakit. . . basta ang alam ko lang ang sakit sakit."
Patuloy parin sa pagbuhos ang ulan ganun din ang mga luha kong kay pait.
"sabihin mo sakin nick. . .bakit to nangyayari? Ngayon lang ako nagmahal, pinili kong magmahal kahit ayaw ko pero I took risk nick, binali ko ang pangako ko sa sarili. Pero eto ang nakuha ko... why ??? it's so unfair!!!!"
NICK POV
Nasa 15th street kami ngayon ni alexa, nadatnan ko siyang nakaluhod at umiiyak, at hanggang ngayon hindi pa siya tumatahan.
It's the first time I saw alexa in this state. The alexa that I knew is a strong woman, walang kinakatakutan ni minsan wala akong nakitang kahit patak lang ng sa mata niya pero ngayon milliong milliong luha ang nakikita ko.
She really did love him so much, yes alam ko na ayaw na ayaw niyang magmahal dahil sinubukan ko ring magparamdam sa kanya pero she made it clear sa unang kita palang namin na she cant fall in love with anybody.
But as I saw her so happy with that man kahit masakit man tinanggap ko. Pero ang hindi ko matanggap ay Makita siyang ganito.
The fierce and strong alexa is now broken.
". . eto ang isa rin sa dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong magmahal nick. . . "
"oo, alam ko lex alam na alam ko. Alam ko na masakit alam na alam ko. . "
"m-mas masakit pa to sa mga bala na tinanggap ng katawan ko, ng bugbog pagkahulog sa building. . . mas masakit to dahil derekta sa puso. . . "
Hinigpitan ko lang ang yakap ko to let her feel safe. Mahal ko si alexa, nung unang kita ko pa lang sa kanya sa Training base sa new York humanga nako, she's my first training commander to think na magka age lang kami pero ang bilis at lakas niya ay di biro. Kaya nga siya tinawag na Prodigy.
XANDER POV
Hindi ko alam ang sakit pala manuntok ng babaeng yun, akala ko masakit lang manampal ang babae, masakit rin palang sumuntok putok na putok ang labi ko ahh.
"isa pa nga" sabi ko sa bartender nasa isang club naman ako sa Club G63
Pero mabuti na nga kasi kahit papa'ano nalaman ko na buhay pa pala ako, makakaramdam pa pala ako ng sakit, akala ko kasi hindi nako makakaramdam ng sakit kasi dahil sa ginawa niya parang namatay nako.
Ibang klase rin ang babeng yun, huh nakita ko siya kanina na umiiyak na nakaluhod sa kalsada at may kayakap ng lalaki. So ano nag papa'awa? At hindi lang basta't basta lalaki, si nick ang kayakap niya kanina. Grabe ang sweet naman nila nagyayakapan sa ilalim ng ulan?
BULLSHIT!!!! At mukang may bago siyang target, sa unang kita palang nila parang ang lalaim n ng pinagsamahan nila.
Hindi ko naman masisi siguro si nick diba? Iba kasi ang kamandag ng babeng yun. Inosente pero ang totoo hindi.
Bwisit!!!
"isa pa nga, ang mas matapang pa dito" sabi ko
Bwisit talaga!!! Nakakainis!!! Naiinis ako sa nakita ko kanina!!!
Oo galit an galit nag alit ako kay ana, pero mas nagalit ako nung nakita ko silang magkayakap. Naiinis ako. Potek talaga.
Bottoms up ko yung binigay ng bartender.
Anak ng!! ang lakas nga ahh. Pero okay lang para wala akong maramdaman.
"oyy isa pa nga nito" haha lasing na yata ako ahhh
Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang nainom ko,pero pakiramdam ko keylangan ko pang uminom hanggat may nararamdaman akong sakit.
"psst isa pa nga"
Kukunin ko na sana ang baso pero may kumuha nito.
"pagkatapos ng ginawa mo sa kanya,nakuha mo pang uminom???"
Si nick, ang gagong si nick tumawa lang ako at inagaw sa kanya ang baso ,ininom at tumayo na para makaalis pero pinigilan niya ko
"ano ba ang pakeelam mo? Ahh o nga pala ikaw ba ang bago niya? Kita mo nga naman no? ang bilis niya makahanap ng bagong m---"
*BOOOOOGGGSSSHHHH
Bigla niya na lang ako sinuntok at sa lakas ng suntok niya napahiga ako sa sahig.
"wag na wag ka ng lalapit sa kanya kung gusto mo pang mabuhay."
At umalis na siya sa harapan ko
Gagong yun,sakit ng suntok niya ahh mas pumutok pa yung labi ko. Pero mas masakit parin ang suntok ni ana.
BINABASA MO ANG
Secret Identities
Teen FictionUncountable identities, 2 different Worlds, one Girl that's Alexa. Her life is at risk but in a playful fate, she falls in love for the first time. But it's not the perfect time to think about love, especially in her current situation-every second...