CHAPTER 41(mind vs. heart)

1 0 0
                                    

XANDER POV

Nakaupo lang ako sa sahig sa may pintuan ng terrace at nakatingin sa kawalan, pinagmamasdan ang hangin? Ang mga puno sa labas? Pero sa totoo hindi ko alam.

Biglang may kumatok, pero hindi ko pinansin.

"xander?"

Nakita ko si manang tesie,pagkatapos bumalik ulit ang tingin ko sa labas.

Tumayo siya sa di kalayu'an.

"xander hijo, alam kong may problema ka. Pero wag mo naman sana solohin ang nararamdaman mo nag'aalala ako sayo. .. . "

Umupo siya sa tabi ko

". . . araw araw ka nalang lasing. Bata ka palang anak na ang turing ko sayo kaya ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo,pero sana wag mo to gawin sa sarili mo. . ."

". . .kahit ako nasasaktan na Makita kang ganito, nung bago nawala ang mommy mo na ngako ako sa kanya na hindi kita pababayaan. . . alam ko alam ko na tungkol ito kay ana. . ."

Pagkarinig ko pa lang ng pangalan niya hindi ko alam kung pano pero may bigla na lang tumulong luha.

"mahirap po ba akong mahalin?" bigla kong tanong

"hindi,dahil ikaw ay kamahal mahal na tao xander.. . "

"pero. . . pero bakit hindi niya ko nagawang mahalin?. . bakit imbes na mahalin niya ko pinaglaruan niya lang ang nararamdaman ko..."

Nakatingin parin ako sa kawalan,pero nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko

"xander , may mga tanong na hindi kaya sagutin ng mga salita pero masasagot ito ng nararamdaman mo. . ."

Tinignan ko na si manang tesie, tinignn ko siya sa mata para maintindihan kung ano ba ang ibig niyang sabihin

"pero narinig ko, rinig na rinig ko klarong klaro ang mga salitang binitawan niya. . . masakit masakit na masakit,kahit sa pagtulog ko rinig na rinig ko parin. . . bakit bakit?"

Wala na, bumigay nako. Humagulgul nako at niyakap ako ni manang tesie

"nakita ko xander kung pano ka patunguhan ni ana, nakita ko kung ganu ka niya tignan,kung pano siya ngumiti sa harap mo. . alam ko na mahal ka niya. At alam ko rin na ayaw mong maniwala sa anu mang narinig mo,wag kang makinig sa sinasabi ng utak mo, makinig ka sa puso mo. . ."

". . .pero na sasayo kung sino ang paniniwalaan mo, ang isip ba o ang puso."

Hindi ko pa maintindihan ang ilang sinasabi niya,pero oo. . . may parte na ayaw kong maniwala sa mga narinig ko na gusto ko na lang magpanggap na nabingi,pero maraming tanong,maraming tanong ang gusto kong masagutan.

ANA POV

"kamusta kana?" tanong ni nick

"nasa open ground kami ngayon, at medyo maingay dahil nga U Week namin.

"okay naman." Plain kong sagot

"no lex, kamusta yang puso mo?"

"eto??. . " kinapa ko ang dig dib ko kung nasaan ang puso ko

". . . ewan ko nga kung tumitibok pa to,ni hindi ko nga maramdaman na tumitibok eh. Nagging bato na yata o baka wala na kasi basag na basag siya ehh . . hindi ko nga alam kung bakit buhay pa ko."

"don't talk like that lex."

"ano kaba nick,you know me more than anyone else here. Matatag yata ako, kakayanin ko to and isang araw magigising na lang ako at nakabalik na ako sa dating alexa."

Secret IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon