CHAPTER 32(Mission)

2 0 0
                                    

Hindi ako makatulog, kanina pa ko paikot ikot sa kama.

"leesh??" mahina kong tawag sa kanya

Pero tulog na yata, it's already past midnight at dahil rin sa marami kaming ginawa ngayon pagod na pagod siguro.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, at pipiliting makatulog, pero sa pag pikit ko palang naririnig ko naman ang mga tinig niya, nakikita ko naman ang muka niya. Napaka maaliwalas ng paligid, isang magandang panaginip. At heto naman ang puso kong tumitibok, at lumalakas na lumalkas naman siya kaya napadilat naman ako ulit.

Pagkadilat ko naramdaman kong may pumasok sa kwarto namin, dahan dahan siyang lumapit, ipinikit ko ang mata ko at hinanda sa ano mang pwede niyang gawin.

Hanggang narinig ko ang boses niya.

"leesh" mahina niyang sabi.

Si rafi

Kinuyog niya si Alicia para magising.

siguro nagulat si Alicia kaya tinakpan ni rafi ang bibig niya.

"shhh. . . " nagpapatulog tulog parin ako

". . emergency we need to go" sabi ni rafi.

Dahan dahan silang umalis, pagkasirado ng pinto sinundan ko sila.

"anong nangyari?" tanong ni Alicia habang pa baba sila ng hagdanan

"I don't know, pinapatawag tayong lahat."

At lumabas na sila

Dalidali naman akong bumalik sa kwarto para makapag bihis para masundan silang dalawa.

Pero ang naabutan ko na lang ay sumakay sila sa itim na sasakyan at umalis.

Ano ba ang tinatago ng dalawang yun? Is it something I must be ready?

Biglang nag ring ang phone ko

Si kuya Edward

"kuya"

"alexa I'll pick you up, may gustong kumausap sayo"

"sino?"

Pero he hunged up.

Si'no naman kaya ang gustong kumausap sa kin?

Maya maya dumating na si kuya at sumakay na ako


"where are we going?" tanong ko

"training base"

"what!? Why? Sino ba ang gustong kumausap sakin?"

"you will know when we get there"

"Which base?"

"the main one"

I'm so curious kung sino ba ang gustong makausap ako. And bakit keylangan pa sa main training base.

Dumating na kami sa isang malaking compound na may malaking building.

Pumasok na kami ng elevator.

He pressed 5-2-0-9-7

As the door opened nakita ko ang mga trainee na nageensayo, as usual, the hallway is painted white with glass walls, you know cliché stuff.

Dumeretso kami sa Head office, dahil glass nga ang room mula sa labas may kausap si Agent G3, ang head ng Training base dito sa pilipinas. May kausap siyang matandang babae maybe already in her 60's??? but she look so elegant and para bang ang seryoso ng pinaguusapan nila.

Dumeretso kami ni kuya Edward, kumatok siya at pumasok kami.

Pagpasok namin malis ang magandang matanda

"Agent A05, long time no see"

"indeed sir."

"I know what circumstances you are under now Agent, but you're the only person who I know could do this mission."

"a mission?" I'm quite shock by the word mission, matagal tagal ko narin hndi naririnig yun

"yes, I know what are you thinking but I opened this with your father and he approved."

"he approved?? What mission is this about?"

"Mrs. Saavedra, wants to find her granddaughter that was lost in a plane crash 4 years ago, she wants to know if she's still alive and who's behind it."

"why didn't she approach the police? Why us?"

"she already did, and she's been waiting for 4 years but she got no results so she came to us"

And may binigay siyang envelope

"all the informations you need is inside that envelope"

"okay sir, I'll do my best."

"I know that you will solve this alexa"

At umalis nako ng office

A mission ehh???

A plane crash 4 years ago? And hanggang ngayon hindi parin naseserado ang kaso??? But how could I investigate if I'm hiding, is this like a joke???

"do you know about this?" tanong ko kay kuya

"yes"

"and why me? You know my situation and marami naming agent na pwedeng gumawa nito so why me?"

"cause you're the prodigy with eagle's eyes you could do anything and find anything you want even just by standing there."

Tinaasan ko si kuya ng kilay at ngumiti

"well you got the right person" at tumawa naman si kuya.

Nanatili muna ako dito para pagalaran ang mga informations before ako bumalik sa beach resort.

Basa dito basa doon. . . marami akong butas na nakikita, marami ring clues and possibilities kung sino ang pwedeng gumawa.

Ang bilis ng oras alas tres na pala ng umaga.

Tumayo ako at ng stretching kaya naisipan kong maglibot at parang wala ng mga trainee kaya naisipan kong mag parkour kahit ilang rounds lang.

(parkour: its kind of combined exhibitions and stunts just like ninja)

Mag aalasingko na pala kaya minabuti ko na bumalik na ng beach resort.

Pagdating ko kaagad namang dumating sina Alicia. Kaya dali dali akong bumalik sa villa.

Pagdating ko bumalik ako sa kama at nagpatulog tulog, at maya maya pumasok na si Alicia kaya nag pa kunwari akong kaka gising ko lang kaya binuksan ko ang ilaw sa may table

"leeesssh??" pa antok kong tawag

"a-ann, kanina kapa gising?"

"kakagising ko lang, teka lumabas ka?"

"huh? ahh oo nag jogging kami ni rafi"

Tinignan ko ang side clock

"grabe an gaga niyo naming mag jogging,tapos na kayo?"

It's already quarter to 5 am

"ahh oo, saglit lang naman medyo nag inarte kasi yung bakla"

"sana sinama niyo ko"

"ehh parang ang sarap kasi ng tulog mo"

'oo nga ehh, parang antok pako sige matulog muna ako uulit"

Humiga ako at naka iglip nga ako. Dahil narin siguro sa pagod.

Pagkagising ko wala na si Alicia bumaba na yata past 7 am na kasi

Agad akong tumayo at pumunta sa CR, kinuha ko yung damit na suot kanina ni alicia, tinignan ko baka may makuha akong information kung saan sila galing, pero malinis ang damit, kasi malinis talaga it's a brand new clothes and sinuot niya lang pauwi dito pero yung itchura niya kanina parang pawis na pawis siya. Wise girl huh?

So they're up to something.

Secret IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon