Lorelei
3 Years Ago...
[ " Sinasabi ko naman kasi sa iyo Lorelei na bantayan mo yang mga gamit mo." ]
" Oo na...Teka nga nasaan ka ba? Bakit parang ang ingay diyan? Hello? Lyn? Hello?----- Namatay?"
Bakit naman kasi na iwan ko kung saan-saan yung wallet ko. Paano na ako nito makaka uwe? Maglalakad nalang kaya ako? Kahit na medyo malayo yung tinitirhan ko sa paaralan, Kung ngayon ako uuwe... Mga eight siguro makakarating na ako.
" Miss. "
" Wahh!!! Wala na akong pera!" sigaw ko
" Ahahahaha... What?"
Napatingala ako at isang lalaki ang nasa harap ko at tumatawa kahit wala man lang nakakatawa.
Buang ba siya?
" May kelangan po ba kayo?" Tanong ko at ngumiti lang siya. At kahit na gwapo siya pag ngumingiti, pakealam ko naman doon?
" Ah! Right, wallet mo ba toh? May i.d kasi sa loob---- "
" Wahh!!! Wallet ko nga! Salamat talaga! Kanina ko pa hinahanap toh. Salamat! Sige po! "
Salamat naman at may nakakita. Makaka uwe na ako nito. Pero teka, bakit parang hindi ako umaalis sa pwesto ko? Napalingon ako at nakita yung lalaki na nakahawak sa hood ko.
" Ah! Sorry, may sasabihin pa sana ako sayo..."
Sabi nang lalaki sabay bitaw nang hood ko. Tinignan ko lang siya at napakamot siya sa batok.
" Bago ko kasi yan nakita, may naunang taong nakapulot at kinuha ang laman.... Kaya..."
Ano daw?!! Ang laman nang wallet?
Agad kong binuksan ang wallet at talaga ang isang libo ko at ang dalawang piraso nang bente wala na. Grabe naman mga tao dito!
" Paano na ako makaka uwe nito? "
" Uwe? Uhmm... Pwede kitang ipag drive. Pero yun ay kung gusto mo..."
Deretso ko siyang tinignan kung meron pa ba siyang ibang motibo. Pero sa tingin ko wala, kasi wala akong nararamdaman na iba yung tiyan ko...
" Pero.... Ikaw na nga yung naka hanap nang wallet ko may libreng sakay pa?"
" Libre? Sinong nagsabi?"
Sabi ko nga ba, may masamang balak ang lalaki na ito eh.
" Ah.... Wag nalang po, lalakad nalang ako--"
" Wait! I was just joking.... Pero pwede mo akong ilibre nang pagkain bilang bayad."
" Talaga po ba? Pero wala akong pera ngayon.... Sa susunod pede?" saad ko
" Sure. By the way, stop with the po. Ako si Keith... Keith Laurens, Business Student..." Pagpapakilala niya sabay laan nang kamay niya at syempre tinanggap ko naman yun at naki pag handshake.
" Lorelei Mendoza.... English Major... Pero kumukuha din ako nang classes sa Theater.... " pagpapakilala ko at mabait siyang nginitian
" Lorelei Mendoza...Your smile is charming."
Biglang sabi niya at napatitig lang ako sa kanya, saan naman nang galing yun? Adik ba siya?
Nakisakay nga ako sa kanya at talagang mukhang rich kid siya ha? Ang laki kaya nang sasakyan at mukhang bago pa. Tahimik lang naman buong byahe at ako lang yata yung nag sasalita kasi turo ako nang turo nang dereksyon.
" Dito nalang ako..."
Paalam ko at lumabas na nang sasakyan niya.
" Salamat... uhmmm... Keith sa libreng sakay..."
YOU ARE READING
TOWARDS THE STARS
Romance***************** One is a superstar, living his dream, wanting to be a man his worth of. The Other One is an aspiring writer, who wants to convey her art from her heart. Seeing his future with a stranger, he thought it was just a mere vision. But t...