Austin
"Perfect, Yes! That's it! Beautiful smile, Austin! Just one more shot...Yes! Perfect! Let's take a 5-minute break, everyone!"
I took a deep breath after I finished posing, they retouched my make-up and I smiled nang makita ko ang director na lumapit sa akin.
"I took such good photos and I could see that you're glowing in all of them." he praised
"Thanks, you're a good photographer" saad ko at tumawa lang siya
"Please, I've been taking your photos ever since you debuted, but this one? Something's different about you at I could na ang saya mo ngayon."
"It's a good day, wala naman akong reason na hindi maging masaya." I said and he laughed
"Of course, Of course! let's take one more set then we're done."
He patted me on the back at agad ko din na nakita ang Manager ko na papalapit.
"Kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo, ito na."
I smiled widely while opening my phone and I immediately frowned, dahil walang texts na galing sa kanya. Maybe because she has class? work? why isn't she texting? should I text her? call her.
I took a picture of myself and I sent it, I saw that she was typing and seconds later she sent me her picture and it looked like she was in a room and the picture that she sent me was only half of her face. Hindi ko nalang siya inabala pa because I think she's busy.
"Let's have everything ready, everyone!"
I heard a staff say kaya I gave my manager my phone at lumakad na ako sa set, returning to work.
I'm actually excited today, kasi me and Lorelei are going to have a simple date to I don't know where, as long as I'm with her I'm happy.
>>>>>>🍅
Lorelei
Napapa-ubo ako dahil kanina pa nakatitig sa akin si Lyn, kahit na kinakausap ko siya at iniiba ang topic hindi niya parin talaga ako titigilan sa suot ko.
"So, ano nga ang ganap?" tanong niya ulit na binabalewala ko lang. "Ang strange lang kasi alam mo yun? ngayon lang kasi kita nakita na ganyan ang suot, actually nga bet ko yung style nang suot mo ngayon pero... Ano ba ang ganap at ganyan ang sinuot mo ngayon?"Naka summer dress lang naman ako at nagsuot nang strapped heels...Hindi ba pede na gusto ko lang- "May ka date ka noh?" bigla akon napatahimik at narinig ko siyang sumingap. "May ka date ka nga!" sigaw niya at bigla ko siyang sinampal sa braso dahil buong cafeteria ata narinig siya.
"Tumahimik ka nga, hindi lang ikaw ang tao dito"
"So, may ka date ka nga talaga? Sino yung guy? saan kayo nagkakilala? anong itsura niya?"
"Wala akong date ano ka ba? May ano ako... meeting sa trabaho-- sa freelancing ko." palusot ko, kasi ang totoo naman talaga ay lalabas kami ni Austin. "Ano kasi... may usap kami nang kompanya sa gawa ko at baka alam mo na? mag kakapag publish ako."
Tinignan ko si Lyn at mukhang pinaniwalaan niya naman, uminom ako nang tubig habang tinitignan siyang nakatitig parin sa akin.
"Ano?" tanong ko
"Walaaaa... iba kasi yung glow mo ngayon, nakakaganda nang araw."
Inirapan ko lang siya at maya-maya lang ay inaya ko na siya para sa susunod naming klase, pagkatapos nang klase ay agad akong pumuslit at umalis dahil alam ko na kanina pa nag iintay si Austin, kanina pa din kasi vibrate nang vibrate ang phone ko. Nag send siya nang picture kung saan siya naka park, pagka labas ko nang school grounds agad din naman akong lumakad papuntang maliit na eskinita at nakita ang sasakyan niya na doon naka park at nag w-wave habang papalapit. Sa totoo lang sobrang busy naming dalawa at ngayon lang talaga kami naka kuha nang time para lumabas at mag date. Sabi ko nga sa kanya ako na ang bahala kung saan kami pupunta, syempre ayaw ko naman na pumunta kami sa maraming tao at baka ano pa ang mangyari.
YOU ARE READING
TOWARDS THE STARS
Roman d'amour***************** One is a superstar, living his dream, wanting to be a man his worth of. The Other One is an aspiring writer, who wants to convey her art from her heart. Seeing his future with a stranger, he thought it was just a mere vision. But t...