🍅 Episode 20 🍅

1 0 0
                                    

Lorelei

Napa-inat ako nang kantawan habang humihikab at napatingin sa relo. Alas-tres na nang umaga at last day na nang taping namin bago bumalik sa Manila. Mga i-isa at kahalahating linggo din kami dito sa Batanes, kahit na nakakapagod ay agad din namang nakukuha dahil sa ganda nang lugar.

Napatingin ako sa paligid at nag p-pack up na sila, habang tumitingin ay nagtama ang mga mata namin ni Austin at pareho kaming nagulat. Nginitian namin ang isa't-isa at lalakad pa sana siya palapit sa akin nang bigla siyang harangin nang manager niya para mag-usap, ngumuso siya napapatawa na lang ako sa sarili. Sekreto siyang tumitingin sa akin at ganun din naman ako. Ang weird lang nga nang feeling, ako at siya. Para bang nakalutang lang ako sa tuwing na aalala ko na mahirap ang magmahal pero mas mahirap ang hindi, wala akong alam kung ano ang mangyayari, gusto ko lang na protektahan ang kasiyahan na mayroon ako ngayon.

"Lorelei, busy ka?"

Tanong ni Miss Jos at agad naman akong lumapit sa kanya.

"Bakit po?"

Nakita ko siyang inopen ang phone niya at may pinakita sa akin. Andon yung mukha ni Austin at ang gwapo niya doon.

"I just want you to take a look at the poster, it was sent to me last night lang. What do you think?"

Tinignan ko ito nang maigi at napangiti. Maganda yung poster, simple lang naman siya pero may dating. Naka side view dito si Austin yung isa nasa ibabaw na silhoutte niya lang tas yung sa baba yung mukha niya. Zinoom-in ni Miss Jos yung poster at mas malawak akong napangiti nang makita yung pangalan ko.

"Pangalan ko po ba talaga yan?" hindi maka paniwalang tanong ko

"Oo naman, sino pa bang ang ibang Lorelei Mendoza?" Napahanga ako habang nakatingin lang sa pangalan ko na nakaplaster sa poster. "This movie will be your great debut kaya don't just think na si Direk lang at ang mga artista ang makikinabang dito. You are the one who created the big picture. And if papalarin na maging succesful ang movie and we do hope nga yun nga. You better get ready. A whole new world will open up for you."

Kabado akong napatingin Miss Jos at binigyan niya ang nang makahulugang ngiti sabay tapik sa likod ko na para bang binibigyan niya ako nang lakas, hindi ko alam kung anong klaseng mundo ang magbubukas at makapagbabago sa buhay ko. Ang gusto ko lang ay ang mag sulat, isang bagay na gustong-gusto ko.

Sa pagkakaintidi ko after naming bumalik sa Manila meroon pang extra shots and scenes pagkatapos ay mag f-focus na sila for editing. Inuna lang talaga ni direk yung important shots na magiging main nang movie. Mga four na din nang makarating kami pabalik sa lodging house namin. Nahuli akong bumama sa bus kasi tinulungan ko pa yung isang camera man dahil sa mga dala-dala niya. Habang lumalakad patungo nang pintuan, nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humila sa akin, sisigaw na sana ako nang may maamoy akong pamilyar na pabango.

"Hey, it's me."

Napalingon ako at malalim na napabuntong hininga.

"Austin? Akala ko kung sino... ginulat mo naman ako-" napahinto ako nang bigla niya akong yakapin. Napangiti ako at niyakap din siya pabalik.

"I'm sorry I surprised you. It's been a busy day at yung manager ko kanina pa naka buntot sa akin kaya I had to move in secret."

Napatawa ako dahil naka pout siya nang sabihin iyun at ang cute niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinisil ito.

"Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko

"Hmm... I have an idea."

Taka ko siyang tinignan at ngumiti lang ito. Nabigla ako nang bigla niya akong ninawakan nang halik sa pisngi at malapad na ngumisi kaya mas pinisil ko pa ang pisngi niya at inunat pero agad ko naman binitawan. Baka kasi ma deform ang maganda niyang mukha.

TOWARDS THE STARSWhere stories live. Discover now