Lorelei
"Everyone, double time tayo. Double-check everything!"
Ika-Ika akong lumalakad papauntang bus. Maayos nanaman na ang paa ko medyo masakit parin pero hindi na masyado. Tapos na kaming mag shoot nang lahat na kailangan na scenes dito sa Cebu kaya proceed na kami papuntang Batanes.
Pagkatapos nung nangyari, nag sorry sa akin si Mika, sabi niya ma s-suspend siya for three weeks-- almost one month na din yun. Kakausapin ko sana si Miss Jos na huwag naman ganun ka tagal pero pinigilan niya ako, sabi niya gagamitin niya daw ang oras na yun sa pag reflect sa sarili. Pinatawad ko na din naman siya, wala naman kasi akong mapapala kung hindi ko siya patatawarin diba?
Gustuhin ko man ding mag galaw-galaw buong week dito sa Cebu ay hindi ako pinayagan kahit na nga na sumama sa kanila doon sa Sirao Peak, pinagbawalan ako kaya doon ako nag stay sa malapit lang na lodging house kung saan naka park yung company bus namin. Ginamit ko na din yung time para gawin yung mga school works at syempre mga manuscripts ko.
"Lorelei, are you okay na ba?"
Tanong sa akin ni Miss Jos at binigyan ko siya nag thumbs up, napatawa siya at pumasok na kaagad ako sa bus.
Maya-maya ay agad naman na umandar dahil nga ay aalis na kami. Kaya agad ko namang binuksan ang phone ko at nag suot nang earphones at nag paandar nang musika. Napa hikab ako at napatingin sa labas nang bintana, napangiti ako nang may isang staff din na ngumiti sa akin pero nang tumingin ako sa ibang direksyon ay agad akong nasamid nang sariling laway nang magtama ang mga mata namin.
Agad kong naramdaman ang pamumula nang aking mga pisngi kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya.
Ilang araw din kaming hindi nag kita pagkatapos nang nangyari. Hindi naman dahil sa iniiwasan namin ang isa't-isa pero siguro mas maayos na yung hindi talaga kami nag kikita.
"Pwede umupo dito?" Napatingala ako at nakita si Keith, hindi pa ba siya uuwi? "Akalain mo yun? gusto nilang maging extra ulit ako."
Saad niya at napatango lang ako, binigyan ko siya nang permission para umupo sa tabi ko at ilang segundo lang ay umandar na ang bus.
"Ayaw mo pa? may extrang pera ka, malay mo dito talaga ang calling mo." I joked at napatawa lang siya
"I hope not, nakakapagod pala mag artista at isa pa hindi ako magaling mag memorize, facial expressions lang naiiambag ko dito."
May 8 hour flight kami papuntang Batanes, nabigay na samin in advance yung plane ticket namin. Kaya ngayon tapos naman na kaming mag check-in, at habang hinahanap ko ang upuan ko na hindi ko mahanap-hanap napatalon ako nang bahagya nang may kumalabit sa akin.
"Is there a problem, Ma'am?"
Tanong sa akin nang magandang flight attendant.
"Uh...hinahanap ko po kasi yung upuan ko?"
Sabi ko at pinakita sa kanya ang ticket ko.
"Hmm... you're in business class po Ma'am not in Economy, If you follow me."
Taka naman akong napatingin sa kanya. Ano daw? business class? paano naman naging business class ito? mali ba yung ticket ko? hindi ba't lahat nang staff ay nasa economy? bakit naging business class ako?
"Ma'am?"
Sinundan ko yung flight attendant at napahanga dahil ngayon lang ako naka punta sa business section nang eroplano. Ang gara naman pala dito, ang laki nang space.
"Here's your seat, Ma'am"Nagpasalamat ako at naupo katabi ang isang taong balot na balot nang kumot. Hindi ko na siya inintindi at sinuot ang seat belt sabay tingin sa paligid.
"Wine?"
YOU ARE READING
TOWARDS THE STARS
Romance***************** One is a superstar, living his dream, wanting to be a man his worth of. The Other One is an aspiring writer, who wants to convey her art from her heart. Seeing his future with a stranger, he thought it was just a mere vision. But t...