Lorelei
"Miss Mendoza, we will be seeing you next time for the script reading... We'll be getting in touch with you more. "
Nagpasalamat ako kay Miss Jos , pagkatapos ay lumabas na ako nang building, mahigpit kong hinawakan ang strap nang bag ko at malalim na napahinga.
" Hmmm! *cough* *cough* Manong naman! *cough* "
Ang sama ni Manong ha? Timing pa talaga na sa akin naka tutok ang usok nang sasakyan niya?
Napapunas ako sa mukha nang panyo at lumakad na papuntang sakayan nang jeep. Uuwi na muna ako at aayusin yung mga reports na ipapasa ko para tapos ang lahat.
Mga ilang oras din ang lumipas bago ako naka rating sa bahay, malayo talaga yung lugar na tinitirhan ko sa paaralan at doon kanina sa building na pinuntahan ko kaya palagi akong nauubusan nang oras pag may lalakadan ako. Kaya nga maaga akong nagigising para maka paghanda nang mabilis.
Katamtaman lang naman ang laki nang bahay na inuupahan ko, kum baga extension siya nang bahay nang may-ari, nasa likod siya banda nang bahay talaga nila. Mababa lang naman yung upa at kaya ko namang bayaran, tas yung tubig at kuryente sabay nadin sa kanila. Pero kalahatan sa mga gamit dito akin, kagaya nang washing machine, yung electric fan at yung wi-fi. Meron naman silang wi-fi at shini-share nila sa akin, pero mas mabilis kung ako lang isa ang nag c-connect.
" Ate! Nandito ka na?"
Bati sa akin ni Margie ang anak nang land lady ko at parang kakadating niya lang din kasi naka school uniform pa siya.
" Hmm... Maaga ka atang napa uwi ngayon? "
" Wala kasi na kaming klase kaya pina uwe na kaming lahat, mag e-end na din kasi yung school year tas mag f-focus na ako para sa entrance exam para college..."
" Edi mabuti-"
" Yun na nga Ate, hindi ko alam kung saan.... Hindi ko nga din alam kung ano ang kukunin kung course, mahirap eh..."
Napangiti ako sa kanya dahil na alala ko na ganyan din ako dati, yung nahihirapan kung ano ang pipiliing korso pero sa huli sinunod ko talaga kung ano yung gusto nang puso pati isip ko.
" Mas pag isipan mo nang mabuti, may iilang months ka pa naman... Basta sinasabi ko sa iyo, sundin mo kung ano ang gusto mo. "
" Sige Ate, Pasok na po ako..."
Dumeretso ako sa bahay at naglinis muna nang kaunti at nilutuan ang sarili ko nang pagkain at pinagsabay ang pag t-trabaho nang reports habang kumakain. Nag vibrate yung cellphone ko at agad akong napa buntong hininga nang tinignan ko yung message.
Schedule yun nang meeting para sa Movie project. Pero yung isa. Galing sa nag luwal sa akin. Hindi ko na pinansin ang kasabay na mesaage maliban sa message na tungkol sa schedule.
Kasi talagang ayaw ko nang meron pang connection sa kanya, sa kanila. Masyadong suffocating, para bang pinapatay ako? Ilang years na din nang maka alis ako at makalipad sa mga sarili kong pakpak at hindi ako nagsisi na umalis ako.
>>>>>>>>>>>
" How's your first meeting?" Tanong sa akin ni Miss Jos, Assistant Director, maganda, matalino, at sobrang bait.
" Okay naman po, medyo nakaka pagod lang kasi marami silang tinatanong. "
Sagot ko, totoo naman kasi. Marami silang mga tinatanong sa akin kung ano yung nandito sa ganitong script at kung pwede bang ibahin ang ibang scenes. At sobrang low batt ako kasi hindi ako naka pag breakfast tas maaga pa akong nagising para pumunta dito.
YOU ARE READING
TOWARDS THE STARS
Romance***************** One is a superstar, living his dream, wanting to be a man his worth of. The Other One is an aspiring writer, who wants to convey her art from her heart. Seeing his future with a stranger, he thought it was just a mere vision. But t...