Arianne's POV
"Oyyy bantot!" Sabi ni Ethan na may pang aasar sa tono nya, Ethan is my enemy and my neighbors too. Lagi kami nagaaway, nagaasaran at hindi kami nagkakaayos.
"Tinatawag mo ata sarili mo, ethantot" pang aasar ko sa kanya at ngumisi ako, halatang naasar na sya kaya napatawa ako "pft-"
"Anong tinatawa mo jan baliw!" Tinaas nya yung isa nyang kilay, tinarayan ko sya at nagdilig nalang ako ng mga halaman ni mama.
Same school din kami since elementary, lagi kami naguguidance dahil sa mga pranks namin sa isa't isa.
"Aria, pwede ka bang bumili ng uulamin natin?" Tanong ni mama saakin at tumungo agad ako sakanya.
Pumunta ako palengke gamit bike ko, bumibili ako ng manok "kalahati nga po nito" habang nabili ako. nararamdaman ko may nakatingin sa gilid ko kaya tinignan ko ang taong nasa tabi ko.
"Eh? Ethantot bat andito ka?" Tanong ko kay ethan nung nakita ko syang nasa tabi ko.
"Malamang nabili, bulag" sagot nya saakin, gusto ko na syang batukan kaso madaming tao dito sa palengke.
"Bwiset ka talaga" sabi ko at ngumiti sya, "oh eto na iho" sabi ni manang at binigay na yung manok kay ethan. "250 pesos".
"Manang, sya napo magbabayad. Sge po thankyou po babye arianne" tinuro nya ako at tinignan ako ni manang, nagulat ako. "Bwiset ka ethan!!" Sigaw ko habang ang mga tao ay napatingin sakin kaya namula ako sa hiya.
Binigay ko na yung ibabayad at umuwi na din. "Bwiset kang gago ka." Sabi ko habang pauwi ako saamin.
