Hospital monitor beeping.
"It's been 3 years Jake... Kelan kaya tayo mababalik sa dati."
" Im so sorry Elma!"
3 Years Ago
Monday
June 29,2037
8:40 pm"This is not a drill, I repeat! This is not a drill. Panandaliang isinara ang lumang laboratoryo sa Metro Manila dahil sa inuukulang pag sabog ng kinikilalang gusali, nagkalat ito ng masangsang na amoy at kulay dilaw na usok sa paligid ng nasasabing lugar, agad namang inaksyonan ng Rescue Team at pulisya ang pangyayari, upang hindi na kumalat pa ang nasabing kemikal sa lungsod ng Maynila. Ipinahihintulot na mag sarado at..." pag putol ng balita sa TV.
"Naputol?" tanong ni Eli.
"Go on, isarado mo nalang yung mga bintana, di natin alam kung anong klaseng usok malalanghap natin mamaya" utos ni Jake sa pinsan nyang si Eli.
Agad na isinarado ni Jake at Eli ang mga bintana ng bahay, kasabay ng pag tingin ni Jake sa lalaki nyang anak na si Yuri na mahimbing na natutulog sa kwarto.
Inabutan naman agad ni Eli si Jake ng Alak.
"Di makaka abot dito satin yun Jek, masyadong malayo yang CRO lab, pwera nalang kung.. maging zombies yung mga tao dun Hahah!" pabirong sambit ni Eli.
Napangiti nalang si Jake sa sinabi nito.
"Pero seryoso, pano nga kung ganun? Di na rin bumalik yung balita, they're all dead!" sabay lagok ng alak ni Eli.
"Imahinasyon mo Eli jusko, madami ng nakapatunay na imposible yang sinasabi mo" kasabay din ng pag lagok ng alak ni Jake.
"Bata palang tayo, pangarap mo ng magka Zombie Apocalypse dito diba, Hahah! Ano nga yun? Magdadala ka ng Gatling gun maligtas mo lang si Ferina? Hahah!" pag kuwento pa ni Eli.
"I wonder how she's doin" sambit pa ni Jake.
Ferina was the first and maybe last lover ni Jake, hindi man sila nagkatuluyan, nag bunga padin ang kanilang pagmamahalan, imbis na habulin ni Jake si Ferina, mas pinili nalang nya na isama si Yuri sa kanya.
Loud Sirens passing.
Nagtaka ang dalawa sa kanilang mga narinig, dahil malayo ang pinag mulan ng pangyayari sa laboratoryo. Agad nilang tinignan ang mga nangyayari sa labas at isang malakas na pag sabog sa malapit na gasolinahan ang nag pukaw sa kanilang dalawa.
"Patayin mo yung mga ilaw!" pasigaw na sambit ni Jake.
Patuloy nilang pinagmasdan ang mga nangyayari sa labas. Nagulantang sila ng makarinig na sila ng putukan ng mga baril.
"Jake di na biro to, umalis na tayo" sambit ni Eli.
"Da? Ano nangyari sa labas?" Tanong ni Yuri.
Agad na kinapitan ni Jake si Yuri.
"Wag kang lalayo kay dada ha" sambit ni Jake sa kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Cold Catches You
TerrorOngoing mga lodi, kung mahilig ka sa zombie apocalypse stories, then give this one a shot. 💀🫀