Kabanata 2

138 16 121
                                    

II: Kapitan Tuna and Company: Ang lugar ng Marahuyo

•••

HALOS idikit na ni Lily ang kaniyang mukha sa harapan ng computer. Kanina pa siya naghahanap ng impormasyon patungkol sa librong nasaksihan sa library. Kahit na ang may akda ng naturang libro ay hindi niya pinalagpas na halungkatin ito at hanapin.

Nakita niya ang pangalang Dimasilaw at bigo siya dahil hindi ito ang nais niyang makita. Batay sa impormasyon, penname ni Emilio Jacinto ang Dimasilaw pero hindi naman ito nakapagsulat ng 'The Tale of Marahuyo'.

"Kaloka, mangkukulam yata ang may akda nito ah?" Napakamot na lamang siya sa kaniyang sintido.

"Ate, extend dito sa number 20!"

Napairap na lamang si Lily at agad na may kinalikot sa computer upang mag-extend ng time. Pagkatapos ay napasulyap siya sa orasan. Naningkit ang kaniyang mga mata nang mapansin na kakaiba ang pag-ikot ng minute hand nito na dapat ay naka clockwise pero ngayon ay naka anticlockwise na. Opposite na ang pagtakbo nito.

Nanlaki ang kaniyang mata at napalinga sa paligid.

Nagsisimula na ang pagtubo ng mga malalaking baging sa sahig, maging sa ceiling ay ganoon rin. May mga bulaklak ng daisies at rosas ang unti-unting bumubukadkad sa bawat sulok ng computer shop. Nabalutan na ng bermuda grass ang kanina'y plain na mga dingding, silya at mesa.

"Ano ba ang nangyayari?!" Pinagpapawisan na siya nang malamig. Iba na rin ang ang binubuga ng malaking air-con, nagmistulang usok at kasing laki ng ulap ang naglalabasan.

Napatili na lamang siya nang makita ang malaking oso sa kaniyang harapan. May dala itong malaking mug at nagtataka sa kaniyang kinikilos.

Hindi na siya mapakali sa kinauupuan kung kaya ay sumemplang at napabagsak siya nang malala.

"Lily?! Ayos ka lang?"

Napahawak si Lily sa kaniyang balakang, napapikit siya sa sakit.

"Lily!"

Naimulat niya muli ang mga mata. Tumambad sa kaniyang  harapan si Madam Flor. "A-akala ko..."

"May sakit ka ba, hija? Sana nagsabi ka. Mukhang ano-ano na ang nakikita mo," Nag-aalalang saad ng matanda sabay alalay kay Lily.

"Salamat po, siguro po ay kulang lang ako sa tulog." Ang tanging  saad na lamang niya.

"May dala akong pagkain, kumain ka. Ako na muna ang magbabantay."

Napatango si Lily at agad na tinanggap ang isang supot ng KFC. "Salamat po talaga."

"O siya, sige na, sige na."

Napahinga na lamang si Lily nang malalim at agad na dumiretso sa isang maliit na silid.

MALALIM na ang gabi ngunit ang dalagang si Lily ay nakaupo pa rin sa kaniyang kama. Nakatitig siya sa kaniyang salamin na parihaba. Kitang-kita niya ang sarili na may dark circles na sa paligid ng mata.

Hindi pa rin siya nilulubayan sa nangyari sa library at sa computer shop. Napailing na lamang siya, "Pagod ka lang, Lily. Hayaan mo na 'yon." Aniya.

The Tale Of MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon