Kabanata 11

52 5 21
                                    

XI: Isla ng Kabilang Buhay

"YUMUKO ka, Lauro!" Sigaw ni Lily sabay hila sa braso ng binata. Sabay silang napadapa sa sahig ng barko.

Napapigil naman ng hinga si Lauro nang bumagsak ang kaniyang katawan pakulob. Sa kaniyang pakiwari'y mukhang nabali ang buto niya sa dibdib. Napadpad ang kaniyang paningin sa nagkakagulong bahura habang hawak ng mga ito ang mga matatalas na sandatang gawa sa bato.

Samantala, ang kapitan na si Kapitan Moro-moro ay hindi na rin magkandaugaga sa pagkontrol ng timon sa barko, "P*nyeta! Kailangan ko na sigurong magpalit ng anyo para mailigtas ko kayo!"

Napaigting ang tenga ng oso sa narinig at natigilan ang mga lambana sa kanilang pagtulong sa mga bahura para lang na labanan ang mga malalaking paniki.

"Pinagkatiwalaan kita, Moro-moro! Pero ito lang ang iyong igaganti? Isa kang lapastangan!" Galit na galit na sigaw ni Eulalia mula sa himpapawid habang nakasakay sa isang malaking agila. "Sugurin ninyo!" Nanggigil na kautusan niya sa grupo ni Sebyong na nasa kaniyang likuran at nakasakay din sa agila.

Para silang mga eroplanong bubulusok sa naturang barko.

"Wala na akong ibang magagawa" Bulong ng kapitan, gusto niyang tulungan ang mga bisita lalo na ang binatang si Lauro, may utang na loob siya sa ama nito.  Pagkuwa'y binitawan na niya ang timon at nagtungo sa dulo ng barko at doon ay lumundag sa dagat.

"Ano'ng mangyayari sa kapitan?!" Pagtatakang katanungan ni Hugo sa isang bahura na abala sa paglalaban. Samantalang siya ay panay din ang pag-ilag nang sa gayon ay hindi siya madagit.

Gamit ang buong boses ay nagsalita ito, "Magiging isang malaking kugita ang kapitan! Sabihan mo ang iyong kasamahan na maghanda sa magiging mangyari. Kailangan ninyong pigilan ang inyong hininga sapagkat babaliktarin itong bar-" Hindi na natapos ang pagsasalita nito nang tumilapon ang ulo nito sa sahig nang matamaan ng kuko ng malaking agila na sinasakyan ni Sebyong, "Huwag mo akong aalalahanin! Hindi ako namamatay!" Salita ng bahura.

Naguguluhan man si Hugo ay wala siyang ibang nagawa kundi ang agad na tumango at pumunta sa pwesto ni Lauro at Lily.

Nang makasandal ang binata sa pader ng barko ay hindi na niya mawari ang nangyayari sapagkat ang iilang alaala niya ay nawawala, "Binibini, bakit nga ba tayo naririto sa barko?"

Hinihingal si Lily sa pag-ilag sa mga paniki pero parang tumigil ang kaniyang buhay nang marinig ang tanong ni Lauro. "Ano? Akala ko ba'y aware ka? I mean, ililigtas natin ang iyong ama para mawala ang lahat ng mga sumpa sa bawat nilalang na naririto sa Marahuyo."

"Ama? Matagal ng patay ang aking ama."

Doon lamang napaisip si Lily, naalala niya ang sinabi ni Maryang Halimuyak na maagang naulila si Lauro sa mga magulag, "H-hindi iyon totoo. Buhay ang iyong ama na si Hebreo."

Hindi na umimik si Lauro bagkus ay naibaling niya ang atensyon kay Hugo na paparating sa kanila. Ngunit, nang makalapit ang hamster sa kanila ay biglang nakaramdam sila ng pagyanig. "A-ano ang nangyayari?!"

"Isa..." Panimulang bilang ni Hugo at agad na inabot ang isang malaking lubid nakahandusay sa sahig, "Dalawa..." Ang dulo ng lubid ay kaniyang pinaikot sa ere at agad na pumulupot ito sa isan poste, doon ay umakyat siya at hinigpitan ang pagkakatali.

"Hugo ano ang iyong ginagawa?! Baka madagit ka ng agila!" Nababahalang saad ni Lily, napatayo siya para pigilan ito, pero himagisan lang siya ni Hugo ng kabilang dulo ng lubid. "Ano ba ang gagawin ko rito?"

"Itali mo sa leeg ni Lauro- este! Itali mo sa isa pang poste, bilis po, binibini!"

Hindi na nag-atubili si Lily dahil hindi na niya mawari ang nangyayari lalo na ngayon at gumigewang-gewang na ang barko.

"Kumapit kayo sa lubid! Ipigil ang hininga!" Sigaw ni Hugo sa kanila ni Lily at Lauro. "Tatlo!"

Sumigaw ang lahat na nasa ang barko nang biglang umangat ang kabila, hudyat na papakulubin na ng dambuhalang nilalang na nasa ilalim ng karagatan ang barko.

Mula sa himpapawid ay kitang-kita ni Reynang Eulalia ang pagpulupot ng mga galamay ng malaking kugita at kitang-kita niya rin kung paano lamunin ng alon ang naturang barko. Naguguluhan siya sa nakikita.

"Mukhang kakampi mo si Kapitan Moro-moro at sinadlak niya sa kapahamakan ang lahat ng nasa barko!" Bakas sa boses ni Sebyong ang kasiyahan.

Ngunit taliwas iyon sa nararamdaman ng reyna. "Kayo ba ay wala sa katinuan?! Mas pinadali ng kapitan ang paglipat sa isang isla na kung saan naroroon ang kulungan ni Hebreo!" Sabay sabunot niya sarili at napatili sa inis.

NANG bumaliktad na ang barko ay mabuti na lamang at naririyan ang ilaw ng tatlong lambana na nagsisilbing liwanag sa malalim at madilim na karagatan.

Halos sasabog na ang mga ugat sa ulo ni Lily dahil sa pagpigil ng kaniyang hininga. Naramdaman niya naman ang paghawak ni Lauro sa kaniyang kamay habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa lubid.

Si Restituto naman ay nakayakap lamang sa poste at si Hugo ay nakasakay sa lubid.

"Ihanda ang inyong sarili sapagkat babaliktarin ko muli itong barko." Mahinahon na boses ni Kapitan Moro-moro sa kawalan ng karagatan.

Muntikan ng isuko ng dalaga ang kaniyang hininga pero nagpasalamat siya sa Panginoon nang biglang umahon ang barko. Narinig niya ang kalabog ng mga bahurang nahulog mula sa taas. Pero hindi na niya iyon pinansin pa at abala siya sa paghabol sa kaniyang hininga. Nakita niya naman na nakahiga sa tabi niya si Lauro at ganoon din ay hinahabol ang hininga.

"Maligayang pagdating ninyo sa isla ng Kabilang Buhay!" Saad ng kapitan na ngayon ay nasa pangkaraniwan na ang kaanyuan.

Sinikap ni Lily na tumayo, mahigpit ang kaniyang paghawak sa lubid para lang siya'y makakuha ng balanse at hindi madulas dahil sa basang-basa na ang kaniyang buong katawan. Nang maiangat ang sarili ay tumambad sa kaniya ang papalubog na araw at kalmadong karagatan. May mga namamangka na may dalang mga gasera kahit na maliwanag pa.

"Iyan ang mga taong patay na. Hindi natin sila maaaring lapitan sapagkat magiging patay ka na rin."

Napahigpit ang paghawak ni Lily sa lubid, "Po? Mga patay na sil-" naputol ang kaniyang pagsasalita nang may naaninag siya mula sa hindi kalayuan. Halos nanghina ang kaniyang tuhod, mabuti na lamang at naalalayan siya ni Kapitan Moro-moro na nasa likuran laman niya.

"May problema ba, hija?" Nag-aalalang katanungan ng kapitan sa dalaga. Narinig niya ang paghikbi nito.

"G-gusto kong yakapin ang aking nanay..." Ani Lily, "Nay! Si Lily ito!" Nakaramdam na lamang siya ng hagod mula sa kaniyang likuran at wala siyang ibang nagawa kundi yakapin si Lauro.

----

HELLO! HAHAHAHA! sorry sa pang-gho-ghost ko sa inyo. Eme. Waahahahah! Pero nakapagsulat na rin uliiiit  aaaaaaah. My heart! (Teka, bakit ba naka-bold ito? hahah!)

The Tale Of MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon