Kabanata 9

52 3 50
                                    

IX: Kapitan Moro-moro and his Company

TIRIK na tirik ang araw nang makarating ang grupo sa isang kakaibang daungan, may mga bahay na gawa sa bato at may mga bubong ito na sobrang talas. Masasabi mong walang kabuhay-buhay ang lugar dahil na rin sa wala itong kulay---tanging kulay abo.

"Puerto de los muertos?" Basa pa ni Lily nang makita ang nakapaskil na tabla sa gawi ng mga bakawan. Mas kinilabutan pa siya nang makita ang isang pwesto na kung saan nakahelera ang nakalambitin na lubid na sa kaniyang pakiwari'y dito binibitay ang mga may kasalanan.

"Ang daungan ng mga patay," Saad ni Rosa, "Hihintayin natin na lumitaw ang barko ni Kapitan Moro-moro."

Pagkatapos ay dumaong na rin ang kanilang sinasakyang mga bangka. Naunang umakyat si Lauro at Restituto.

"Salamat," Ani Lily nang ilahad ni Lauro ang palad nito sa kaniya para hindi siya mawalan ng balanse, nakita niyang ngumiti ito at nang makaapak na siya sa sahig na gawa sa kahoy ng daungan ay agad na binawi ng binata ang kamay at inilagay sa likuran. "Siya nga pala, munting Rosa, nagawi ka na ba rito sa daungan na ito?" Tanong pa niya sa lambana.

"Dito ako nakatira dati." Ikling sagot ni Rosa.

Umarkong pabilog naman ang bunganga ni Mara sa narinig, "What?! It means that you are dead?!"

"Ano ang iyong pinagsasabi?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni Rosa, "Huwag kang mag orasyon, Mara."

"Duh! Nevermind!" Tugon ni Mara at agad na humalukipkip at tumabi kay Grasya na sa ngayon ay palinga-linga sa paligid.

Si Lily naman ay napatitig sa tubig na kulay asul, masyadong malapad ang dagat na animo'y walang dulo ito dahil hindi man lang nakikita ang karatig kapuluan. "I-ibig sabihin ay mga patay na ang mga naninirahan dito?"

"Hindi, Lily. Wala lang talaga kaming emosyon. Nasa kamay ni Eulalia ang aming mga diwa. Samakatuwid, parang patay na rin kami." Mungkahi ni Rosa, "Hintayin natin na lumitaw si Kapitan Moro---" Hindi pa man natatapos ng lambana ang sasabihin nang may napansin silang pagbula ng tubig sa gitna ng dagat.

Halos nahulog ang kanilang mga panga sa nakita maliban kay Rosa na tila sanay na sanay na sa ganoong eksena.

Bumulwak ang napakalaking barko na nababalutan na ng lumot at kalawang, ang telang panglayag naman nila ay butas-butas na. Parang isang lumubog na barko sa ikalilaman ng dagat at nilipasan na ng isang daang taon.

Napatingala silang lahat sa nasaksihan. Pagkatapos ng ganoong eksena ay biglang tumunog ang bawat pag-apak ng sapatos pababa.

Bumungad sa kanila si Kapitan Moro-moro, may malaking ekis sa kaliwang pisngi at maputla ang balat. May itim na telang nakapalibot sa ulo at ang kasuotan ay kamiso de tsinong may mataas na manggas. Ang kanang mata ay may gatuldok na balintataw. Puti at kulot ang makapal na balbas nito.

"Magandang araw, Kapitan Moro-moro!" Bigay galang ni lambanang Rosa.

Nagpalinga-linga naman ang kapitan at nakita ang mga panauhin, nagbigay galang ang mga ito sa kaniya. "Ha! May mga panauhin pala ako!" Galak niyang saad.

Halos natuod si Lily, para sa kaniya ay ito na ang pinaka-weirdong eksena na nakita niya sa tanang buhay. Inilapit niya ang sarili kay Restituto upang bumulong sana ngunit napansin niyang papalapit sa kaniya si Kapitan Moro-moro.

"Nakakaamoy ako ng mga taga-ibang mundo rito. Mundong gusto kong marating." Ani Kapitan Moro-moro at ngumiti sa dalagang kaharap, "Ang iyong ngalan ay kakaiba, isang uri ng bulaklak na nabubuhay sa tubig. Ang isa'y pangkarinawan ang ngalan pero palaban."

The Tale Of MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon