One - Edited

336K 1.8K 54
                                        

CHACE

Lahat sila ay naka nakamasid sa aking pagdating. Dahan-dahan kong tinapakan ang preno ng aking bagong sasakyan. Agad akong sinalubong ng aking mga kaibigan, masaya sila sapagkat nakagawa ako ng oras para naman makapag aliw kasama nila. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay napag bibigyan ko sila o maging ang aking sarili para makapag liwaliw.

"Buti nakarating ka, Pare. Akala ko talaga nakalimutan mo na kami. Masyado kang nagkukulong sa opisina mo. Aanhin mo ang pera mo? Hindi mo man lang magamit sa pagsasaya" Kantiyaw ng isa sa mga kaibigan ko.

"Sobrang busy lang talaga, Pare. Anong mayroon ngayon? Tara na't minsan lang 'to."

"Sus, pababayaan kaba namin? Mayroon nang nakareserba para sa sa'yo" Nagtatawanang inakbayan nila ako at hinila na papasok sa loob ng Bar.

Pangkaraniwang ingay at dilim ang sumalubong sa akin. Batid kong ganito ang paraan ng mga kaibigan ko para magsaya. Paraang hindi ko masyadong na e-enjoy dahil narin sa maraming dahilan.

Nakarating kami sa binayarang lamesa para sa aming grupo. May iilang babae kaming naabutan. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Chace Delgado? Oh my God!" impit na tili ng isa mga babae. Agad nag bulungan ang mga nakakita sa akin.

Agad syang tumayo at pumalupot ng yakap sakin. Hindi na ako nagulat sa atensyong nakuha ko.

Sa edad kong trenta ay naabot ko na ang tagumpay. Hindi sa nagmamayabang, ngunit talagang nagbunga na ang lahat ng pinag hirapan ko.

Kasama ako sa iilang bilyonaryo dito sa Pilipinas...

Hindi naging madali ang pag abot ko nito. Anak ako sa labas, hindi ako pinandigan ng aking ama. Lumaki akong busog sa pagmamahal pero kumakalam para sa pagkain ang tiyan. Wala naman akong angal kahit pa ganoon lalo pa't nakita ko kung gaano nag hirap ang aking nanay sa para mataguyod ako. Kailan man ay hindi nyan ipinaramdam sakin na bunga ako ng pagkakamali.

Nagpursige ako para maabot ko ang pangarap ko para sa aking nanay. Gusto kong suklian lahat ng binigay nya sa akin ngunit huli na dahil bago ko pa naman maibigay lahat ng iyon ay pumanaw na sya.

Lumipas ang panahon na nakukuneto lang ako sa pag nanais kong abutin ang mga pangarap ko. Na hindi nanamalayan na halos nalipasan na ako ng maraming taon.

"Chace, ayos ka lang?" Tanong ng babaeng ni hindi ko inalam ang pangalan.

"Pare naman! Andito ka nga pero wala naman dito yung isip mo! Naboboring na si Sydney oh!"

Naplingon ako sa babaeng katabi ko. Agad syang namula. Nginitian ko lamang sya.

Lumipas ang gabi at naging maayos at masaya naman ang lahat.

"Oh paano, Pare. Ikaw na ang bahala d'yan kay Sydney. Ikaw na ang maghatid at lasing na iyan baka madisgrasya pa ng iba" Natatawang bilin ng mga kaibigan ko.

Pinagbuksan ko ng pintuan ang babae at agad naman syang sumakay. Umikot ako para makasakay narin at makaalis na.

"Saan ka nga ulit nakatira?" I asked.

"Kahit saan naman pwede ako..." Malambing na tugon nya.

Napabuntong hininga na lamang ako at pinaandar na ang sasakyan. Habang nasa byahe ay patuloy ang pag dapo ng kanyang kamay sa iba't-ibang parte ng aking katawan.

"Sydney, taga saan ka?" Tumigil ako sa tabi ng kalsada dahil hindi ako makapag focus sa ginagawa nya.

"Kahit dito nalang sa kotse mo Chace pero kung mapilit ka na malaman amg bahay ko, taga QC ako" Tinahak ko ang daan kung saan sya nakatira hanggat sa marating namin iyon.

"Wala sila Mom at Dad nasa U.S. Tamang-tama, tara na.." Kaga't labi nyang pagyaya sa akin.

Binuksan nya ang pinto at sa pag aakalang susunod ako.

"What?" balik na tanong nya.

"Go inside.."

"Tara na..." Bumalik sya at akmang hahalikan ako pero umiwas ako.

"What now, Chace? Totoo ba ang sabi-sabing bakla ka?" Angil nya.

"Isipin mo ang gusto mong isipin. Pero sadyang hindi ako interesado sa iyo" Sagot ko.

"I hate you!" Pabagsak nyang sinarado ang pinto sanhi para mapailing ako.


__________________

On going editing. Please vote comment and be a fan <3

My Naive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon