KREY'S
Tibay ng loob ang baon ko saka kapal ng mukha.. kanina pa ko nag aantay sa labas ng condo ni chace..
To say sorry.. and to tell him that i love him..
kanina pa ko nakatayo dito.. kaya napagpasyahan kong pumasok sa fire exit at doon umupo..
naghantay ako..
siguro mga 40 mins din akong nakaupo dun
"chace asan kana kailangan natin mag usap.." bulong ko..
maya pay nangalay na ko sa kakaupo kaya't naisip ko na pumunta sa harap ng pinto nya..
tumayo ako mula sa hagdan at saka pinagpagan ang puwitan ko dahil baka nadumihan.
nung nakasiguro na ako na malinis na.. tinungo ko yung pinto..
pahila na sana ako ng pinto ng makita kung dumadating si chace..
napakagwapo nya sa soot nya coat and tie..
"chace..." iaaproach ko sya pero nakita ko na tumatakbong humahabol si farrah..
"wait for me" sigaw ni farrah
kung gaano umeecho ang tunog ng pagtama ng takong ng sapatos ni farrah sa sahig.. mas nakakabingi ang pagtambol ng puso ko sa loob ng aking dibdib
dubudub.. dubudub..
kinalawit ni farrah yung kamay nya sa braso ni Chace para mapigilan sya
"sabi ko wait eh.." nakangusong sabi nya..
gaya ng mga palabas sa t.v yung moment na makikita mo yung taong mahal mo kasama ng bago nya
may effect na titigil ang pag galaw ng paligid at tanging sila lang ang gumagalaw..
umaalingaw ngaw ang boses nila kasabay ng maingay na tibok ng yong nagwawalang puso..
at gaya ng ibang bida sa mga teleserye
isasandal mo nalang ang likod mo sa malamig na pader upang masoportahan ang dahamdahan mong pag dausdos pababa dahil nang hihina ka sa sari-saring pakiramdam na naghahalo ngayon..
hahawakan mo ang dibdib mo at pipilitin na kumalma saka mo pipiliting ngumiti..
magdedecide ka sa susunod mong gagawin..
"aalis nalang ako wala akong lugar dito.." mapagpapasyahan mong lumayo..
tumakbo at tumakas...
dalidali kong nilagpasan ang lugar kung saan una kami nagkasama sa lugar kung saan una nya kong minahal at sa lugar kung saan ako nahulog sa taong di dapat.
nagmamadaling pinindot ko ang button ng elevator.. natatakot ba kong mahuli ni farrah na nandito ako lalo na at sinabi nya na wala na kong dapat habulin..
*ding!
pumasok ako sa elevator.. dali dali rin akong lumabas ng building
nangmahanginan ako ng hangin na puno ng polusyon at tumambad sakin ang magulong buhay malayo kay chace kung saan madali ang lahat. saka ko naalala na..
bago pala kami nagkakilala isa na pala kaming ulila... kung saan ako ang gagawa ng paraan para kami ay makaraos.. na minsan pumasok ako sa isang trabaho na ni minsan hindi ko pinangarap na pasukin.. na minsan kumapit ako sa patalim..
naisip ko na bago pala ako nagmahal.. naging ate pala muna ako ng mga kapatid ko na magugutom..
at ngayon nga na may farrah na sa eksena..

BINABASA MO ANG
My Naive Lover
Ficción GeneralHi New Readers, Kung napadalaw kayo dito because of the popfic reveal.. WELCOME! :) Una sa lahat maraming salamat sa pagbisita! Nakakahiya man pero ang inyong mababasa dito sa Wattpad ay ang likha ng inyong lingkod limang taon na ang nakakaraan. Wa...