KREY'S
" kumaen kana ba ? "
" hindi pa nga e " sagot ni chace nag uusap kami ng di nagtitinginan
"kumaen kana uuwe na ko" tatayo na sana ako kaso bigla ako nahilo kaya napaupo ako, kinapa ko yung ulo ko may nakapa akong bukol dahil siguro sa pag kakalaglag ko.
" ayos ka lang krey may masakit ba sayo ?" nag aalalang tanong ni chace
" ayos lang ako chace may bukol lang "
" bukol? patingin nga..."
" wag na chace ayos lang ako" pero gaya ng dati hindi nya ko pinakinggan lumapit sya sakin para suriin yung ulo ko..
" anong ok dyan e may bukol ka masama yan kasi ulo yan delikado..!" giit nya.
" ok nga lang uuwe na ko.." sabay kuha ko ng bag ko
" krey ano kaba seryosong usapun yan delikado pag nadadamage ang ulo baka anong nangyare sayo " naiinis na sabi nya naiinis rin ako kasi alam ko naman pag may mali o wala e.. ginagawa nya kong bata na di kaya ang sarile
" ayos nga lang ako ulo ka ng ulo dyan e ! ano bang problema mo sa ulo .. ano bang alam mo sa mga ulo ! wag mong pakielaman yung ulo ko kasi yung mga ulo mo di ko pinapakielaman " mabilis na sabi ko para makaalis na ko.. tas nagtataka akong napatingin sakanya kasi namumula sya..
tas narealized ko rin yung sinabi ko ako mismo nahiya sa sarile ko
" atleast let me take you home? para lang mapanatag ako"
" hahatid mo ko?" paninugurado ko
eh pano yun hindi sya bagay sa lugar namin magulo dun masikip mabaho..
" yes "
" sigurado ka ? "
"yes"
" oh sige pero hanggang kanto kalang ha "
" no. hanggang sa inyo "
" hindi nga pwede"
" bakit kasi hindi? "
"magulo sa may looban namin masikip madumi mabaho ... di ka bagay dun.. baka mapag tripan ka pa dun e. "
" ok lang krey kaya ko. " natatawang sabi nya anong nakakatawa sa sinasabi ko?
" pero.. " magdadagdag pa sana ako ng mga babala pero hinila nya na ko.
pumunta kami sa parking lot kung saan daw nakaparada ang ilan sa mga sasakayan nya..
may ferrari,bmw,audi,jaguar at kung ano ano pa na dati sa magazine at sa tv ko lang nakikita.. magkano kaya ang isa nito..
" hahatid paba kita o titigan mo nalang mga yan ? "
" ang sungit mo" sabi ko
" e kanina nag mamadali ka e " sagot nya sabay lapit sa pulang ferrari nya
" hoy hoy ! teka nga ! " pigil ko
" oh ! " mukhang talagang naiinis sya sakin
" pupunta ka sa skwater ferrari dala mo? gusto mo mawala yan? " totoo naman pedicab nga samin nanakaw e
" bmw ? " seryosong tanong nya
" mag commute nalang tayo?"
" no way "
" eh anong gagawin natin puro mamahalin sasakyan mo "
"tsk." hinala nya ang kamay ko at palabas kami ng parking ng condo nya

BINABASA MO ANG
My Naive Lover
Fiction généraleHi New Readers, Kung napadalaw kayo dito because of the popfic reveal.. WELCOME! :) Una sa lahat maraming salamat sa pagbisita! Nakakahiya man pero ang inyong mababasa dito sa Wattpad ay ang likha ng inyong lingkod limang taon na ang nakakaraan. Wa...