"MAG BASA NG AUTHOR'S NOTE"
(IMPORTANTE LANG PO TALAGA)
KREY'S
Napag pasyahan kong bumalik sa dati naming tirahan. Nagtataka man ang mga kapatid ko sa desisyon ko, ako parin ang ate at ako ang masusunod...
muli akong napag isa nung naihatid ko na sila sa eskwela. paulit ulit na bumabalik sa isipan ko yung nangyari nung nakaraan.. kelan ba ko magiging ok..? siguro pag tapos na.
magpapasalamat karin sakin sa huli chace ayoko na madamay ka sa mga problema na maaring mangyare pag nabunyag ang lahat.
nagpasya nalang akong pumunta s safe heaven..
"kreyyyy!" sabay beso sakin ni mamu
" mamu." ngiti ko
"krey kamusta tapos na dapat ang lessons mo ah.."
nagitla ako.
"mamu hindi ko pa naituturo ang last lesson."
kumunot ang noo nya.
"krey iha akala ko ba malinaw na dapat ay pabilisin mo ang pagtuturo sa kanya.. ayaw nating magalit si boss" giit nya
napatingin ako sa sahig..
ito na yung kinakatakot ko....
"krey?"
"ah.. yes.. bigyan nyo pa ko ng isang linggo.." hiling ko sa kanya..
"mahal mo na no.."
may kung anong kumurot sa puso ko.
"nung pinasok mo ang trabahong ito krey dapat hinanda mo rin ang sarile mo sa posibilidad na hindi ka makakahanap ng lalaking magmamahal at kaya kang tanggapin.. maswerte ka kung meron pero kadalasan talaga wala.. oo may mga magkakagusto sayo pero walang pinagkaiba ang tingin sayo bayaran parin..."
muli pumatak ang luha ko..
"kaya nya naman akong tanggapin mamu e.."
"halika maupo ka.."
"salamat."
"kung kaya ka pala nya tanggapin krey bat hindi ka sumugal.."
"natatakot ako sa pwedeng mangyari mamu ayokong madamay sya sa baho ko na maaring mabunyag.."
" hawak mo ba ang isip nya? alam mo ba ang mga bagay na tumatakbo sa isip nya kung sya nga kaya ka ilaban sino ka para tumanggi. ano ikaw pa aarte? "
"mamu naman..." tagos yung sinabi nya..
"krey karamihan ng mga pumapasok sa safe heaven mga desperado gaya mo. nakaya isugal ang lahat para sa pangangailangan.. sa una yes mahirap, mandidiri ka sa sarile mo.. kung sino sino ang gagamit sayo.. pero habang tumatagal tumitigas ang buto mo.. tumitibay ang loob mo.. na oo nga sa bawat lalaking dumadaan sayo ginhawa ang kapalit para sa pamilya mo.. pero gaya ng ibang babae dito.. kung merong isang pagkakataon na makakalis sila dito at may isang tao na tatanggap sa kanila.. igagrab nila krey.. gaya ng una susugal naman sila para sa kaligayahan nila......."
napayakap ako kay mamu..
"katangahan ang pag pasok sa ganitong trabaho pero mas tanga ka kung papalagpasin mo pa ang pagkakataon na maging masaya.. "
"salamat mamu... salamat...."
naliwanagan ako sa mga sinabi ni mamu..
mahal ko si chace at alam kong ganito din sya saakin..
sa linggo.. sa araw na ibibigay ko ang sarile ko sa kanya.. alam kong mapapatawad nya ko pag nalaman nya ang totoo.. Papalamigin ko lang ang sitwasyon...

BINABASA MO ANG
My Naive Lover
Ficção GeralHi New Readers, Kung napadalaw kayo dito because of the popfic reveal.. WELCOME! :) Una sa lahat maraming salamat sa pagbisita! Nakakahiya man pero ang inyong mababasa dito sa Wattpad ay ang likha ng inyong lingkod limang taon na ang nakakaraan. Wa...