Chapter 1: Beating Heart

5.7K 142 5
                                    

At dahil sa kalandian ko inadd ko sya sa facebook at finollow sa twitter at instagram. Nung una kaba kaba pa ako at pinagiisipan pa kung gagaewn ko yung mga bagay na yun haha. Syempre kasama na dun yung part na inistalk ko sya haha niluboslubos ko na. Kaya lang bad news kasi ang status nya sa FB in a relationship, laslas na ba?? T-T

Walang pasok kaya maraming time para magemote haha. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba and nakita ko sila mommy at Samantha na nagbibake ng muffins.

"Hi mom wheres daddy?"

"May meeting sila, yung mga homeowners ng village alam mo naman president sya ng homeowners association."

"Ah ok, Mommy can I borrow the car magpapahatid lang ako sa mall"

"Sure si kuya Bong ay naglilinis ng pool pahatid ka sa kanya"

"Thanks mom!"

"Kuya tikman mo muna tong gawa kong muffin" inabutan nya ako ng isang muffin

"Mmm ang sa-sa..."

"Sarap??" tanong nya sa akin

"hindi! ang SAma ng lasa!! eeeww! hahahaha" tumawa lang si mommy

"Mommy si kuya.." ang cute nya magsumbong "palibhasa di ka marunong magbake!"

"Bleh!! hahaha!" nagiinisan kami

"Hoyy tama na yan at baka magkasakitan kayo nyan!" awat sa amin ni mommy

"Bye mom see yah later" bineso ko sya sa cheeks "at ikaw naman. Bleh!" at kumaripas pa ako ng takbo.

Tanggap ako ng parents ko kung ano ako. Naaalala ko pa nung umamin ako kay daddy at mommy ng tunay kong gender.

*Flashback*

I was 15 years old nung sinabi ko sa kanila na gay ako. Gabi na nun and when they both entered the room pumasok ako sa kwarto nila at pinagtapat ang totoo.

"Mom, dad, I have something to tell you.." umupo ako sa kama nila

"What is it sweetie?" hinaplos ni mommy ang ulo ko

"Kasi po..." sasabihin ko ba? yan ang tumatakbo sa utak ko. At dahil nandito na ako kailangan ko nang gawin ang nararapat. "..Im gay"

Tumulo ang luha ko at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil posibleng itakwil nila ako dahil sa nalaman nila. Hindi ko rin naman sila masisisi kung magkaganun nga, isa akong kahihiyan sa pamilya namin.

Tinanggal ni mommy ang reading glasses nya at itinabi ang binabasang libro. Umusog sya ng bahagya hanggang sa magkadikit na kami at niyakap nya ako ng mahigpit, pinakamahigpit sa buong buhay ko, nakaramdam ako ng... pagmamahal.

"Why are you not angry with me??" tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni mommy.

"Why should we be angry with you!?" binalik lang sa akin ni daddy ang tanong ko.

"Because Im a gay!" lumakas ang boses at lalo pang humagulgol sa pagiyak.

"Shhhh we know that. And we still love you for all that you are..." habang pinupunasan ni mommy ang luha sa mata ko.

Naramdaman kong tumabi si daddy sa gilid ko. "Son we are your parents, alam namin ang lahat sa anak namin, nararamdaman namin yun kasi anak ka namin... at mahal ka namin."

"Kami ang mas nakakikilala sayo at mas nakaiintindi sayo" dagdag ni mommy.

"You know what? we are so proud of you! You are sp brave when you entered this room and confess the real you. Matagal na naming alam at hinihintay ka lang namin na sabihin yun sa amin, pamilya tayo diba?"

"So tanggap nyo po ako?"

They nodded. "You know we as a parent, obligasyon namin ang gabayan ka patungo sa daan na iyang tinatahak, hindi kami ang gumagawa ng path na yun kaya wala kami sa posisyon para sabihin sayo ang dapat mong gawin sa buhay na tinatahak mo..." paliwanag sa akin ni daddy

"Salamat po! To be honest di ko ineexpect na ganito ang mangyayare"

"Well expect the unexpected! Tanggap ka namin anak, kahit maging lesbiana ka pa sa susunod tatanggapin ka pa rin namin!" inasar ako ni mommy para malighten up ang mood.

"Mommy naman eh.." tumawa sila at napatawa din ako ng konti. Tapos naggroup hig kami, hinding hindi ko makakalimutan ang gabing yun napakasaya ko kasi matanggal na ang lahat ng tinik na nakatusok sa puso ko nung mga sumunod na araw magpahanggang ngayon. Confident na ako na maging kung sino ako, walang itinatago at tapat sa sarili.

Hinalikan ako ni mommy at daddy sa noo "Sige na matulog ka na sa kwarto mo Brent"

"Brent!"

"Brent!! gumising ka nga!"

"Hoyy Brentt!!!"

*end of flashback"

"Ano ba naman yan kuya Bong, makasigaw wagas?" sarcastic kong tanong

"Sorry eh kasi nakatulala ka dyan.. tsaka nandito na tayo sa mall at pinababalik na ako ni maam sa bahay may pupuntahan daw syang meeting"

"Ah sige kuya text na lang kita pag magpapasundo na ako" panira to ng moment nakakainis

Tapos umalis na sya at ako naman nagpalakad lakad sa mall, magisa. Tinext ko si Stacey tsaka si Jessica baka sakaling walang ginagawa. Naghintay ako pero walang reply, busy siguro..

Pagpunta ko dun sa favorite naming restaurant andaming tao buti may nakita pa akong vacant na table pangdalawahan lang kaya naupo na ako dun ninja style, mamaya may mauna pa sa akin.

"Sir ano po sa inyo?" inaabot sa akin nung waiter yung menu pero di ko inabot kaya nilagay nya na lang sa table, ansarap mantrip mukha syang tanga hahaha baliw na yata ako

"Order ko?" nakatulala pa rin ako nakatingin sa kawalan "Gusto ko ng isang gwapong basketball player, 19 years old, matangkad, maputi, light brown ey-"

"Sir wala po kayo sa gay bar at hindi po lalake ang nasa menu namin PAGKAIN" enemphasize nya yung word na pagkain sa pagmumukha ko

"Eh kung ikaw ang kainin ko dyan!? Ayy wag na pala kasi exotic food pala ang category mo!! umalis alis ka nga dyan at baka magdilim ang paningin ko sayo! ay madilim na pala!" yun umalis na yung punyemas na waiter, bwisit sya panira araw!

"Can I share a seat with you?" may nagsalita sa harap ko pero nakatulala pa rin ako nahahrangan nya yung tinititigan ko kaya ang nakikita ko is yung part ng tyan nya

"Sige, bahala ka do whatever you want!"

"Thank you bro!" naupos na sya at pagkaupo nya nakita ko yung mukha nya kahit nakatulala pa rin ako at mas lalo pa akong natulala at nagulat dahil ang taong yun ay si

"Cedric!?"

"Uh Brent!?"

"Oh my fucking gosh! what a coincidence?" nagising na ako at nabuhayan nung nakita ko sya

As we all know one in a million chances lang ang mangyare ang mga ganitong scenarios. Siguro napakalakas ko kay Lord kasi binibiyayaan nya ako ng sobra sobrang blessing. At dahil dyan next week pag nagsimba ako magdodonate ako sa simbahan at magpapakain that day sa mga magsisimba hahahaha lam nyo na punta kayo ha!

-"-*-"-*-"-*-"-*-"-*-

Wala naman akong maisip na sasbihin para sa chap na to.. hahaha! Basta abangan nyo na lang yung next chap hahaha

--> switch_kick_doubles

Project: Seduce Him (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon