Chapter 11: Wait, I Love You..

2.4K 64 0
                                    

Ginising ako ng ringtone ng phone ko na may kasma pang vibration. Ayoko munang idilat ang mata ko kasi pagod na pagod ako because of our training yesterday. Im very fcking tired. Ansakit ng katawan ko kaya kinapa kapa ko na lang kung saang banda ko man iniwan yung phone ko.

Napahikab ako bago ako nagsalita "Hello?"

"Hi babe! Good morning!"

"Good morning babe" lantang gulay kong sagot sa kanya

"Uhmm. May itatanong lang ako"

"What is it?"

"May gagawin ka ba later?"

"Let me see.. wala naman yata, why?"

"Perfect! Then I think you can go with me sa party ng friend ko"

"Sure why not?" napahikab nanaman ako

"8 pm later! See yah, balik ka na sa pagtulog mo sleeping beauty.."

"Haha. Thank you beast! Bye I love you"

" Love you too" binaba nya na yung phone, ako naman binitawan ko lang basta

Nagtulakbong ako at bumalik sa pagtulog. Fcker feeling ko kulang ang one day na pahinga haaayy!

Later that night...

Fck. May laway laway pa ako sa gilid ng labi kaya dumiretso ako sa cr, nagtoothbrush at nagayos ng sarili para akong bangag. Binitbit ko yung phone ko at habang nagtotoothbrush tiningnan ko ang oras. Its 7:50 na, meaning almost one day ako natulog, longest sleep ever in my wonderful whole life. Napansin ko din na napakaraming text messages at missed call ni Cedric.

Binuksan ko yung mga messages. Yung isa nakalagay "Are you ready na ba?" tapos "Im coming in a bit babe.." puro ganun messages nya. "Im here na, sa labas ng bahay nyo". Dun ko lang narealize na may ganap nga pala kami ngayon ni Cedric sa kung saang lupalop man yun. And me, I fcking rushed pababa ng hagdan at nakarinig ako ng ingay sa sala.

And guess what? I saw Cedric with my family na nakaupo sa may living room na tinitingnan ang album ko na puno ng mga picture ko simula nung baby pa ako. Nagtatawanan pa sila, mukha silang tanga. Pinuntahan ko sila ng mabilis at hinablot ang photo album ko.

"Ano ba yan mom, dad! Nakakahiya kay Cedric!"

"We are just looking at your picture, theres nothing wrong with that" depensa ni daddy

"And making fun of me?" sarcastic kong dagdag sa kanya

"Ano ka ba Brent ang cute mo kaya" nagsalita si Cedric na nakatingin sa mata ko, syempre ako naman kinilig

"Oo nga naman, tsaka ok lang naman yun" sabat naman ni mommy

"Hay whatever, tara na nga Cedric, lets go upstair na lang"

Narinig ko lang silang nagtatawanan habang umaakyat kami papuntang kwarto. Nakakahiya kaya yung ginawa nila nakakabwisit.

Nilock ko yung pinto at binuksan ang cabinet para maghalungkat ng damit na isusuot. Naramdaman ko naman si Ced na niyakap ako sa likod at hinalikan sa pisngi.

"I miss you" bulong nya sa akin

"Miss ka dyan? Palagi mo na lang sinasabi yan"

"E totoo naman, di kumpleto araw ko pag di kita nakikita.."

Humarap ako sa kanya at niyakap ko sya sa leeg sya naman nakayakap sa bewang ko "Kumpleto na ba ngayon?" hinalikan ko sya

"Yes" mahina nyang sagot napangiti ako

"Sige magbibihis na muna ako" tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at kinurot sya sa ilong hahaha nanggigigil kasi ako sa kanya ihhh

Mabilisan lang akong nagbihis at bumaba na agad kami. Pagbaba namin nakaupo si daddy sa couch magisa umiinom ng paborito nyang wine.

Project: Seduce Him (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon