Chapter 6: You and I

3.8K 110 8
                                    

Pagdating ko sa bahay natulog lang ako buong araw. Buti hindi ako pinagalitan nila mommy at daddy, sabi ko kasi naggroup study kami nila Jess at Stacey. Baka maggroup study!? Haha para namang pareparehas kami ng course..Syempre naniwala naman sila at di na nagtanong pa. Kung alam lang nila kung anong group activity ang ginawa namin last friday night... hihihihi.

Sunday na ngayon wala akong magawa kaya nagkulong lang muna ako dito sa kwarto. Nagtitwitter lang ako tapos nuod nood ng cheer videos sa youtube at kung ano ano pa ang ginawa ko sa kwarto as much as possible ayokong lumabas nakakatamad.

May kumatok sa pinto ko.

"Yes yaya Sonya? nakangiti ako sa kanya

"Brent may naghahanap sayo sa baba"

"Sino daw po?"

"Ay ewan? di ko kilala eh"

"Ah sige po thank you!"

bumaba na ako at nakita ang lalaking nakaupo sa sala namin

"Cedric?"

"Hi! Ba-" nilakihan ko sya ng mata bago nya ituloy ang sasanihin nya "Uh Brent!"

Hinila ko sya paakyat sa kwarto ko at nilock ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito at may daladala ka pang bulaklak?"

"Flowers.. for you!"

"Look! I know your just being sweet.. pero are you crazy!? sa bahay pa namin" huminga ako ng malalim at hinawakan ang noo ko "Pasalamat ka wala ang parents ko at nagsimba."

"Babe Im sorry!"

"Oo na! Next time tumawag ka muna, ok?"

"Ayaye!"

"O anong gagawin natin!? tutunganga? Kasi yun ang ginagawa ko kanina pa eh.."

"Gusto kitang makasama buong araw" nahiga sya sa kama na parang bahay nya to.

"Hindi ka ba nagiisip nakapark yung kotse mo sa harap ng bahay at paguwi nila mommy manonotice din nila na may bisita ako"

"Whats wrong with that?"

"Open ako sa pamilya ko, alam nila na gay ako. At malamang pag nakita ka nila iisipin nila na.."

"E diba yun naman tayo! tsaka sabihin mo na lang friend mo ko para di na sila magisip pa"

"Hindi yun ganun kadali, kasi ayokong sabihin sa kanila na friend lang kita kasi mahal kita.. at hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo"

Tumayo sya at niyakap ako "I know, I love you too babe!"

"Haay ayoko pa namang nagsisinungaling sa kanila. Kahapon sabi ko naggroup study lang kami nila Jessica nung Friday... Ima liar!"

"Hahaha Ive got an idea, Lets go on a date na lang!"

"Date!?"

"Uhuh just you and I!" kinindatan nya ako

"Eww you look like a maniac kapag kumikindat ka!"

"Nainlove ka naman sa hot maniac na to?"

Totoo naman yun hihihi kinikilig tuloy ako.

"Just wait here wag kang lalabas ng room magbibihis lang ako."

Bumaba agad kami pagkabihis ko at kumaripas ng takbo para di kami makita ni yaya Sonya na naghahanda ng lunch.

"Go paandarin mo na yang kotse, bilis! Bago pa tayo maabutan nila mommy at iinterrogate!"

Pinaandar nya na nga "So saan tayo pupunta?"

"I dont know!?" I shrug "My God! You ask for a date tapos ganito.."

Project: Seduce Him (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon