Chapter 15: Reconciliation

2.3K 66 2
                                    

Dahil sa nangyaring di pagkakaunawaan namin ni Cedric, we seldom go with each other sa school and di nya na muna ako hinahatid sundo. Dumaan ang isang buong week na ganito lang ang scenario. Papasok ako then right after ng klase uwi agad to do homeworks and sleep. Then kinabukasan Ill do the same thing, same routine everyday.

Sa school naman yah stay casual. Nagkakamustahan pero di masyadong naguusap feel ko nga nakakahalata na sila Jess at Stacey na may something in between sa amin eh, pero I think they choose not to interfere.

Usually sinusundo nya ako and we go to mall to do some romantic stuffs like what couples do. Pero ngayon wala. Ang maganda ramdam ko pa rin yung pagmamahal nya sa akin kasi pagkagising ko everyday nagpop out yung messenger icon nya tapos nagsend sya ng voice recording sakin saying "Hi Brent, Good Morning". Parang nabawasan nga yung sweetness kasi he used my name instead of babe. tapos ganun din sa gabi sasabihin nya naman "Good night Brent, I love you sana magkaayos na tayo". Oh God, miss na miss na miss ko na sya.

Well imbis na magmukmok narealize ko na nandyan pa naman sila Jessica at Stacey para sa akin. Should I include Kevin nga ba? Nevermind, as if naman magiging super close kami eh di ko ng alam kung san sya nakatira dito sa manila eh, pero sabi nya I can call him anytime tapos he gave me his number.

Amboring dito sa bahay kaya naglinis na lang ako ng bahay ko. Syempre kailangan magbuhay housewife na ako, ginusto ko to eh.

-----

Natapos ang isang buong week na walang Cedric sa paligid. I think kaya ko ng wala sya pero hindi ganun katagal, Im hoping na this week maayos namin ang dapat maayos at mapagusapan ang dapat na pagusapan. Kaya today sisikapin kong ayisin paunti unti ang problema naming dalawa.

Pumasok ako wearing this big smile in my face, I look forward to positive things and outcome of this whole shit. Sinalubong ako nila Stacey at Jess na parehong excited na exited ayon sa sinasabi ng kanilang mukha.

"Hello girls!" cheerful kong bati sa kanila

"Hi there" sagot nila

"Anong meron? bakit ganyan kayo makatingin?"

"Actually dalawa yun tumatakbo sa isip namin Brent" sabi ni Stacey

"Pero uunahin na namin ang campus news for today!" said Jessica

"Uhuh, Im listening"

"Ala mo ba na may bagong lipat sa school natin na sobrang gwapo, at ayon sa source ko model daw yun all the way from London." Said Jessica

"Pinagkakaguluhan nga yun ngayon eh kasi sobrang hot and handsome nya." sabi ni Stacey habang kunwaring pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay

"So what's the catch?" Mukha kasi silang tanga, alam naman nilang may boyfriend na ako tapos biglang ganyan pa pambungad nila sa akin

"Sungit mo naman! We just want you to know para updated ka tsaka alam mo kasi crush na crush ko sya at *ehem* off limits na sya ha! Since may mga boyfies na kayo its my time naman para magkaroon ng special someone" said Jessica

"Go! You can have him para meron na tayong tatlong aura pag may galaan hahaha!" nagtawanan kami at pumunta na sa kanya kanya naming rooms

Something is bothering me, nasan kaya si Cedric? Wala man lang syang paramdam. Hays

-----

Nung lunch break na sinundo ako nila Jess sa room ko kasama si Alfred at si Ced wala pa ring pagpapakita kahit anino.

"Alfred, asan si Cedric?" tanong ko kay Alfred medyo nagaalala na talaga ako

"Di ko din alam eh, itatanong ko rin nga dapat sayo kasi simula pa kanina di ko pa sya nakikita"

Grabe ano na kayang nangyare dun, sana naman di sya nagpakamatay. Ahhh! delete delete ayokong magisip ng ganyan.

Itetext ko na sana sya nang may tumabi sa akin sa pagkakaupo, si Cedric.

"Oyy pare akala ko di ka pumasok!" bati ni Alfred

"Pwede ba yun? edi anlaking kabawasan nun kasi di ko makikita si Brent for one day? Malulungkot ako nun"

"Dyusko ang tamis naman ng mga kaganapan dito sa paligid baka langgamin!" pambubwisit ni Stacey habang sinusubuan ng fries si Alfred.

I can feel his hands reaching my hand tapos hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. I fcking missed this kind of touches. Kaya hinawakan ko rin ang kamay nya pabalik at hinigpitan ang pagkakahawak dito. Sana ito na ang sign na maaayos na namin ang lahat.

May inabot sya sa aking papel. Binasa ko to ng palihim.

'Sa CR gym after lunch, I miss you Brent, I miss you babe!'

Tiningnan ko sya sa mata at napangiti kaming pareho, alam ko na ganiti ang kalalabasan ng kaeekekang cool off na to na sana di ko na lang sinabi ng dahil lang sa pagseselos ko kay Natasha.

After lunch excited kaming pumunta sa gym, holding each other's hand.

"I miss you Cedric! Namiss ko ang lahat lahat. Oo nga nagkikita tayo pero may kulang pag di kita nahahawakan." naluluha kong sabi

"I know, and you know what? I feel that too every minute. Im longing for your toiches too! I love you Brent!" Sabay halik sa akin.

Ang init ng halik na yun parang isang taon kaming di nagkita. Parang ayaw ko nang bumitiw sa mga labi nya kung pwede nga lang eh habangbuhay na namin tong gawin.

"Im so sorry kung pinagselosan kita at nawala ang tiwala ko sayo" sabay yakap sa kanya

"Sorry din kung di ko natimbang ng maigi ang sitwasyon at nagpadalos dalos ako"

"May itatanong lang ako at sana sagutin mo ko honestly, may feelings ka pa ba kay Natasha?"

"Ill admit, meron pa. Pero pinutol ko na lahat since maging tayo, and believe me Im trying to move on but I cant whenever I see her I can still remember the vast happiness we shared with each other."

"I understand."

"But believe me, ikaw na ang mas matimbang sa akin ngayon, si Natasha alaala na lang sya ng nakaraan. Ikaw ang tumatakbo sa isip at puso ko ngayon at magpakailanman. And Ill promise ikaw lang at wala nang iba habangbuhay!"

"Alam mong masosolve din natin to, una pa lang to sa mga pagsubok na darating sa atin. But with you Ill face those problems ng walang takot kasi kasama kita."

"Ganun din ako Brent, I love you" Niyakap nya ako " You better hurry, baka malate ka sa next class mo"

"Ikaw rin" kinisan ko sya sa cheeks sabay takbo palayo, nagwave sya ng hand

-----

Pagkatapos ng klase dumiretso ako ng locker ko para ilagay ang mga libro ko. Pagkabukas ko ng locker ko tumambad sa akin ang box na regalo yata kasi may ribbon and tie kaso walang nakalagay na pangalan kung kanino galing at syempre kung pano nya nailagay yan sa locker ko.

Naglalakad ako ng makasalubong ko sila Jess at Stacey.

"O asan si Cedric?" Stacey

"Di pa yata tapos ang klase eh"

"Anong gagawin natin?" Stacey

"Tara tambay muna" Pagyayaya ko sa kanila

Habang naglalakad kami tininext ko si Cedric kung sa kanya galing ang gift na nakuha ko sa locker ko pero di pa nagrereply.

"Aray!" Kinurot ako ni Jess sa may likod ko

"Bess ayan yung bagong lipat na student o" sabay turo sa lalaking naglalakad pasalubong sa amin.

Oh my fcking god, si... "Kevin?"

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Hi there bitchiess! ito na sana di kayo mabored tulad ni Brent sa chapter na to. Eh wala akong maidugtong sa previous chapter. Sana kahit papaano naintindihan nyo hahahaha. Dont worry bawi na lang ako sa susunod at sana kahit paoano mapagtiyagaan nyo to hihihi. More readers pa sana huhuhu ipagkalat nyo pa tong kagagahan kong to :* luv yah guys

-> switch_kick_doubles

Project: Seduce Him (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon