Chapter 7: Test of Love

3.4K 98 3
                                    

Pagpunta ko ng kusina nakita ko si mommy.

"Good morning mom! Ano pong breakfast?"

"Ito na.." nilapag nya sa table ang puro green na thingy..

"Mom, pagkain ba to?" tinusok tusok ko ng tinidor yung sticky na ewan ko kung ano yun. "...parang ako po ang kakainin nito eh!"

"Ano ka ba? Napaka healthy kaya nyan mixed vegetables"

"Wala bang totoong food dyan?" tinulak ko yung plato palayo sa akin eewwww.

Inabutan nya ako ng baso ng green na thingy nanaman.

"Brocolli shake, youll like it!" proud pa sya huhu nakakadiri.

Nung nakatalikod na sya inamoy ko yung shake. Ima tell you its so eewwwyy! Kinuha ko na yung bag ko at nagmadali nang umalis.

"Bye mom malilate na po pala ako, sa school na lang po ako kakain!"

"Sandali anak! Magdala ka ng payong at baka umulan sabi aa balita"

Kumaripas na ako bago pa nya ko pigilan. Tumayo ang balahibo ko sa mga veggies. Off limits talaga ako sa brocolli at okra, para talagang sila ang kakain sa akin!

Pagkahatid sa akin ni kuya Bong pumunta agad ako ng gym. Tinext kasi ako ni Cedric na pumunta dun. Walang katao tao sa bagay wala naman talagang tao dito sa ganitong oras perfect place para sa moment namin hahaha.

"Why babe, something wrong!?"

"Grabe kinalimutan mo na agad yun promise mo"

"Ano ka ba syempre hindi!"

Nagtiptoe ako para abutin sya at kinisan sya sa lips nang mabilisan lang.

"Masaya ka na ba!?"

"Ganadong ganado!" abot langit ang ngiti nya

"O sige na later na lang na lunch! magsisimula na klase ko! Bye!"

"Bye babe!"

Nako parang nagising din ako sa kiss na yun. Ganado tuloy akong magaral, active ako ngayon sa mga subject ko hahaha dapat gawin namin yun everyday!

Lunch na at paglabas ko ng pinto ng room ko nakita ko sya dun na naghihintay.

"What are you doing here!?"

"Edi hinihintay ka"

"So sweet! Tara kain na tayo!"

Magkaholding hands kaming naglakad papuntang cafeteria wala kaming paki kung may makakita sa amin, yung iba tumitingin wala naman silang paki eh hahaha duh its very usual na sa panahon ngayon ang mga ganitong relation. Haha sa ibang bansa nga llegal na ang same sex marriage e, pero dito sa pinas unrecognized pa din..

Pagdating namin sa cafeteria nakaupo na sa table namin sila Jerome, Jessica at Stacey. Si stacey nagbabasa ng libro habang kumakain. Si Jessica naman sinusubuan ng chips si Jerome.

"Grabe naman po ang PDA nyo atiii!"

Nagulat si Jessica nung sinigawan ko sya

"I hate you!" tapos tinitigan nya ang kamay naming dalawa na magkahawak. "OMG! Is this true?"

Nanlaki ang mata nya tapos tinitigan di ni Jerome at Stacey ang kamay namin.

"Yes! We're dating!" with confidence kong sagot

"Aaaagggghh!" tumili si Jessica at nagtinginan ang lahat sa table namin. "Oops Im sorry!" nagblush sya sa kahihiyan.

"Gaga ka talaga girl!" sabi ni Stacey kay Jessica habang sinasara ang libro nya "So nagdate na kayo?"

Project: Seduce Him (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon