Chapter 3: Do or Die!

4.4K 111 4
                                    

"Heyy girl!" binati ko si Jessica na kumakain sa cafeteria

"Si Stacey wala. Kailangan nya daw magreview"

"Grabe naman di pa nga ako nagtatanong!" tiningnan nya ako sa mukha ng maigi

"Ang saya naman po ni koya ngayon, iba ang awra maaliwalas!"

"This time di ako magagalit Jessica kahit anong asar mo, Im so happy, Very very happy!"

"Hindi naman halata sa mukha mo Joker!"

"Whatever! sabihin mo na ang gusto mong sabihin! Oh nasaan ang jowa mo?"

May itinuturo sya sa likod ko gamit ang lips nya.Nakita kong naglalakad si Jerome kasama si Cedric papunta sa direksyon ng table namin.

"Ayan oh kasama ang prince charming mo"

Umupo si Jerome sa tabi ni Jessica tapos si Alfred naman sa tabi ko.

"Hi guys!" bati ni Cedric

Nagkiss sila Jerome at Jessica na parang walang pakialam sa mga tao kung may makakakita ba sa kanila.

"Guys ano ba, pwede ba yan? nakakahiya sa mga tao."

"Walang namang sinabing bawal! kaya.." eeww nakakakilabot naman tong couple na to medyo rated SPG

Nagse-cellphone lang si Cedric sa tabi ko tapos tinitigan ko sya, grabe kahit side view napakahot nya ulam na! Lumingon sya bigla sa akin.

"Brent? anything wrong!?" di ako sumasagot nakatulala lang ako sa mukha nya "..aah may dumi ba ako sa mukha?"

"Oo, ang gwapo nga nung dumi eh!" nananaginip na ako ng gising fcker!!!

Napangiti sya siguro dahil sa lumabas sa bunganga ko tapos narinig ko rin yung dalawang love birds na nagtatawanan din.

Inalog alog ko ang ulo ko tapos nagising na ako sa realidad. "Im sorry. By the way congrats nga pala sa game nyo nanalo daw kayo!"

"Thanks! Syempre nanalo kami dahil kay Jerome sya ang mvp nung game hahaha!"

"Thats my boyfriend!" pagmamalaki ni Jessica

Bumalik na kami sa klase namin after. Habang naglalakad nagchikahan kami ni Jess tapos tinanong ko sya kung pano ko makukuha ang puso ni Alfred hihihi.

"Jess help me naman! I want Cedric so bad!"

"Friend stop being ridiculous! Straight si Alfred kaya suntok yun sa buwan! Hanap ka na lang ng iba dyan!"

"Pleaaseee! Alam mo namang ikaw lang ang makakatulong sa akin sa mga ganitong bagay! I need your knowledge for this things!"

"Alam mo may naiisip ako eh" huminto kami sa paglalakad "We will call this Project: Seduce Cedric!"

"What do you mean?"

"Its very simple. Try to seduce him tapos malay mo hindi pumalag at mahulog ang loob sayo, you know hindi tatalab ang sweetness at romance dyan kailangan unleash your wild side..grrr!" nilukot nya yung daliri nya at parang mangangalmot na pusa nung sinabi nya yung grrrr

"Are you trying to say na kailangan may mangyare sa amin! Oh no way! Mapapatay ako ng parents ko!"

"Gaga ka talaga! Wala naman akong sinabing ganyan, mamayang training I will tell you kung ano ang mga gagawin mo.. byee! cya later!"

Imbis na maexcite ako kinakabahan ako sa mga pinagsasasabi ng babaeng to. Itutulad pa ako sa kanya, well kung yun na lang ang tanging paraan then Ill go for it na!

Sinalubong ako ni Jessica papuntang gym "Brent kinuntsaba ko si Jerome tapos tinanong ko kung nasan si Alfred sabi nandun daw sa room nila puntahan mo na!"

Project: Seduce Him (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon