SCARLETT P.O.V
Nag umisa nang maghatid ng ibang pagkain ang waiters sa table namin at kasabay non ang pag senyas ni Syl. Narinig kong gumana na ang maliit na radyo na nakakabit sa hikaw ko, senyales iyon na mag uumpisa na ang bakbakan.
“Can you hear me?” tanong ng pamilyar na boses. Drake.
Sabay kong itinaas ang dalawang kilay ko senyales na naririnig ko ang sinasabi niya.
“Great.. Now, sa Girls restroom. Pinaka Panghuling cubicle, sa loob ng tank ng toilet nasa loob non ang gagamitin mong armas. It's not a gun but instead it's a stiletto” paliwanag nito. Bakit kaya hindi baril ang ipagamit nila sa akin?.
“I know that you're thinking, why do we send stiletto instead of guns. The reason why is that security was strict. Hindi sila nagpapapasok ng kahit na anong armas pero may mga nakatabing armas malapit sa inyo na hindi niyo alam, it is only use for emergency” wika nito.
I rested my back on the chair while chewing my food. Tumingin ako sa paligid at nagmasid-masid sa suspicious na bagay.
Nakita kong naglalakad na si Syl papunta sa amin na may dalang mga tubig at kasabay non ang isang lalaking babalik sa pantry upang kumuha pa ng pagkain.
Sa hindi sinasadyang pangyayari. No. Sa sinasadyang pangyayari, sinadyang banggain ni Syl ang isang waiter kaya naman tumapon ang tubig sa damit ko at sa buhok ko. Napatingin na lang ako sa kaniya at lumingon siya sa akin kaagad itong tumayo at kumuha ng tissue para punasan ako.
“S-sorry po, hindi po s-sinasadya” pekeng pagpapaumanhin nito.
Ang galing mo talaga umarte kahit kailan, Syl. Kaya naman napatayo na lang ako at pinunasan niya ang damit ko.
“Could you do your work more carefully? You ruined her style” sabi iyon ng babae kanina at lumapit sa amin.
“No, no, no, no. It's fine, it's fine” pag-uulit ko. “Magpapatuyo na lang ako sa banyo”
Kaya naman kinuha ko ang tissue at naglakad papuntang banyo. Nakita kong naka ismid sa akin si Chelsea at mukhang natutuwa pa sa nangyayari.
It was really unexpected, hindi ko man lang nalaman na gagawin niya iyon sa akin. Wala iyon sa plinano namin. Letcheng babaeng iyon. But i think since para mapapunta niya ako sa banyo without getting suspicious, sinadya niyang itapon sa akin ang tubig na dala niya.
Napakatalino ng gaga. Pumasok na ako at dali daling pumasok sa pinaka panghuling cubicle at inilock iyon. Sinigurado ko muna na walang tao bago ko buksan ang tangke ng toilet.
Nakita ko ang dalawang pares na stiletto hairpin na kulay pula. They really knew my favourite colour. Nakita ko rin ang dalawang matulis na edges nito at hinawakan iyon. I guess this is enough to kill someone.
Kaya naman ng makalabas na ako ay ipinusod ko ang buhok at inipit ang dalawang pares na stiletto sa buhok. Kinuha ko ang tissue na kinuha ko kay Syl kanina at binuklat iyon, nakasulat doon ang code kung saan nakalocate ang ibang baril na nakatago.
Dahan dahan akong lumabas ng banyo at tumingin sa paligid, dali dali akong naglakad sa mga baril na nakatago sa iba't ibang parte ng event hall at inihanda na iyon. Nakarinig ako ng yabag ng paa kaya dali dali akong nagtago sa isang kwarto.
Narinig kong nag uusap ang dalawa kaya nakinig ako sa pinag-uusapan nila.
“Malapit na sumensyas si boss, itanim mo na ang isang totoong bomba sa isang kwarto na iyon at yung pekeng bomba ay itanim mo sa lobby, siguraduhin mong hindi nila mapapansin ang bomba” utos nito sa lalaki at naglakad papalayo.
BINABASA MO ANG
Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy 1 (On Hold)
Action(On Hold) Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy For Darcel Blade Mavros he thought that his life would be only filled by killing and hurting people. He thought that his life would be fully focused on being merciless to others and...