SCARLETT P.O.V
Saktong pagkauwi namin ay nakauwi na rin si Daddy, sakto nga at para maaga nang makauwi itong lalaking 'to. Bumaba ako sa kotse at nilapitan si Daddy.
“Hi, Dad!” Bati ko rito saka humarurot ng takbo papalapit sa kaniya.
Niyakap namin ang isa't isa saka ngumiti.
“Kumusta ang araw mo?” tanong nito saka ginulo ang buhok ko.
“Ayos naman po” sagot ko saka maligayang ngumiti.
Saktong lumabas ng sariling kotse si Ace at naglakad papalapit sa 'min. Bakas sa mukha nito ang ngiti nang makita nito si Daddy, hindi man lang siya natatakot o kinakabahan. Aba kay tapang naman ng gago.
Nilingon siya ni Daddy, kasabay no'n ang pagkunot ng noo nito.
“Sino ka? At anong kailangan mo?” tanong ni Daddy.
“Good evening po, Sir. I'm Ace, nandito po ako para ipagpaalam po sana si Scarlett” sagot nito.
“At saan mo naman dadalhin ang anak ko?” tanong muli ni Daddy.
“Inimbitahan po ako ng aking kaibigan sa isang salo-salo na gaganapin sa Red Rose Event. Kaya naisipan ko pong isama siya” sagot nitong muli.
“At anong klasing salo-salo ang magaganap? Kailan?”
“Party Celebration po ng kaibigan ko. Sa susunod pa po linggo”
Tinaasan ni Daddy ng isang kilay si Ace, habang si Ace naman ay nakangiti lang at minu-minuto akong nililingo.
“Paano kung hindi ako pumayag?” tanong ni Daddy sa kaniya.
Ngumiti siya. “Hindi ko na lang po kayo pipilitin kung ayaw niyo, pero kung sakaling magbago man ho ang isip niyo. Yayayain ko pa rin po si Scarlett”
Naging blangko ang ekspresyon ni Daddy, di kalaunan ay ngumiti ito.
“Oh sige. Basta iingatan mo ang anak ko ah, ibabalik mo siya sa 'kin ng buo at buhay, walang galos at sugat. Kung hindi papasabugin ko bahay mo kung saan ka man nakatira” pagpayag nito.
Abot-tainga na naman ang ngiti ni Ace nang pumayag si Daddy na sumama ako sa kaniya, kaagad siyang nagpasalamat at nagpaalam nang umuwi. Kami naman ni Daddy ay pumasok na sa bahay.
ACE P.O.V
Paalis na sana si Scarlett nang maabutan ko siya sa parking lot ng Café niya, masama niya akong tinignan habang naglalakad ako papalapit sa kaniya.
“Hey, where are you going?” tanong ko.
“I don't know” sagot nito.
“Why didn't you know?” Tanong kong muli.
“Because I don't know” sagot nitong muli.
Mukhang ginagago yata ako nito ah, pero dapat act nice and cool lang. Para dagdag pogi points incase na ako yung piliin.
“Anyways, gusto mo bang sumama sa 'kin?” Tanong ko muli sa kaniya.
“Aba, bakit? Saan tayo pupunta?” tanong nito pabalik.
“May gaganaping selebrasyon yung kaibigan ko, may kasama kasing partner yung kapatid ko” sagot ko sa tanong niya.
“Bakit kailangan bang may kasamang partner?” nagtatakang tanong nito.
Natahimik ako sabay umiling. “I don't know”
“Bakit I don't know?” tanong nito habang nakataas ang isang kilay.
![](https://img.wattpad.com/cover/342585361-288-k738266.jpg)
BINABASA MO ANG
Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy 1 (On Hold)
Aksi(On Hold) Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy For Darcel Blade Mavros he thought that his life would be only filled by killing and hurting people. He thought that his life would be fully focused on being merciless to others and...