Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ang pananakit ng binti ko.
"May balak ka bang ilagay ako sa wheelchair ha? Aidennn!" sigaw ko habang pilit pinapagpagan ang dumi sa pantalon ko galing sa pagsipa niya.
"Malakas na 'yon para sa'yo?" pang-aasar pa nito. Hindi ko na ito pinatulan at pinuntahan na lamang si Pres na ngayon ay nasa gilid at naglilinis ng pana. Bigla ring nawala si Aiden at malamang ay nagtungo na naman sa CR ngayon. Pansin kong minu-minuto yata itong nagtutungo roon ngayong gabi. Kanina rin ito mukhang wala sa sarili at paiba-iba ng mood kaya hinayaan nalang namin. Noong tanungin naman kasi namin kanina ay nagwalk out din.
Nasa sala kami ng headquarters nila. Kaming tatlo lang ang nandito. Ang sala na puno ng sofa at carpeted ay malawak na ngayon at walang gamit sa loob. Malaki ito at may ventilation na magagamit pa. Mabuti at nasa kabilang building ito at hiwalay sa training center na hanggang ngayon ay under investigation pa ngunit tila pinabayaan na rin ng otoridad ang kaso ni Mr. Blake dahil wala ng mga pulis na pakalat-kalat dito kaya madali kaming nakarating at nakapasok sa kabilang building na inookupa na namin ngayon.
At kung bakit kami nandito?
Para mag-ensayo. With the events, we know that training is what we need. We never know when the killer will strike again and the next victim could even be one of us. We should at least be prepared and ready when that time comes.
Naging routine na namin ito sa mga nagdaang araw. Pagkatapos ng klase ay dumidiretso kaming tatlo dito at nagsasanay. We help each other learn a thing or two in combat. But in reality, it was just really me versus Aiden. The president would just sit in the corner and busy himself with his arrows. I've never once seen him fight.
His chiseled jaw was having its way to my mind as I approach him sideways.
Napalunok ako ng tumingin siya at magtama ang mga mata namin ngunit mabilis din akong umiwas. Hindi pa rin nawawala sa isip ko na muntikan ko na siyang makahalikan kahit ilang araw na ang lumipas. Kaya siguro hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko. Nahihiya pa rin siguro ako sa nangyari.
"Come here, Diel." nagulat ako sa biglaang pagtawag niya sa akin. I slowly made my way towards him pero huminto ako nang dalawang metro ang layo.
He lifted his head to look at me and then chuckled. "I said, come here."
Ano bang kailangan niya? Di ba pwedeng sabihin niya na lang kahit ganito kalayo?
I don't wanna get too close. Baka magconvulsion na ako sa sobrang hiya.I remained unmoving. Hindi ko talaga kayang lumapit. Nakayuko nga lang ako at iniisip kung tatakbo ba ako palabas o magsisimulang magdasal na sana ay bumalik na si Aiden.
I raised my head when I heard steps echoing, it is nearing me. I saw how he gently brushed his hair up and fixed that single strand that fell.
Mauubos na nga yata ang laway ko kalulunok. Damn divine. I wanna run habang papalapit siya pero hindi ko magawa nang nasa harap ko na siya mismo.
"Do you know how to shoot an arrow?"
"I–I don't." Oxygen! Bakit ako nauutal? Nadagdagan na naman ang kahihiyan ko.
"I'll teach you, then," he said, handing me a bow and arrow. How can he be so calm? Ako lang ba talaga yung affected sa nangyari noong nakaraang araw? Hindi ba siya nahihiya sa'kin? Sabagay, bakit nga naman siya mahihiya? Wala namang flaw sa kaniya.
Umatras siya ng bahagya para hayaan akong pumosisyon. "Straighten your back" bahagya akong napatalon nang maramdaman ang kamay niya sa likod ko, patting it to straighten.
Nakakailang lunok na ba ako? Hindi ko na mabilang.
"Raise the bow." I pulled the string with my left hand and raised the bow by holding the grip with my right hand but a sudden bolt of thunder electrified me when he touched my grip and lowered it. Tinanggal niya rin ang pagkakahawak ko sa string.
YOU ARE READING
Blood of an Arrow (UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerBlood interests Diel the most but there came a challenger for her affection. He knows his ways with arrows but it craves to taste blood. Another character crossed their path, he's as mysterious as they are. Then... A crime shook their curiosity. ...