"Sige na, saglit lang naman eh." She's been bugging me since this morning.
Simula kahapon nang sinubukan naming hulihin ang killer ay hindi na natigil sa pagbuntot sa akin si Santera. She's trying to win my favor and agree with her proposal.
"Oy Aidennnn!!!!" sigaw nito habang kumakaway. Nasa kabilang dulo ng pasilyong nilalakaran namin si Aiden kaya't sigaw ang naging pagbati ng kasama ko na nilingon ng lahat na nasa pasilyo.
Nang makasalubong na namin ay huminto muna ito at tumango sa akin bilang pagbati. Nakakunot naman ang noong bumaling ito kay Santera.
"Oh, anong kailangan mo?" painis na tanong nito.
"Halika, sama ka sa amin."
Tss, nagrecruit.
"Tsk, I don't have time for fun missy." saad nito.
"Grabe naman to kj. Tara na, icelebrate natin yung bagong title ni mr.goodie." pangungumbinsi pa nito.
Lumingon sa akin si Aiden. A few strands of hair fell on his forehead kaya he brushed it up with his fingers. I heard girls giggling as they passed by. None of us minded it.
"Tinanggap mo pala?" tanong niya sa akin.
"Yes, hindi ko na rin matatanggap ang alok mo, I'll be very busy with the council and my academic consistency."
"So, are you withdrawing your membership?" pakikisawsaw ni Santera. I forgot for a moment that she's with us and couldn't keep minding her own business.
Sumalpok naman ang kilay ni Aiden sa pakikisali nito sa usapan namin.
"Tss" singhal nito.
"No, I'm not gonna withdraw. I can manage as a member." I said.
"That is, if makahanap tayo ng trainer"
"Ako! ako nalang!" biglang sumabad na naman sa usapan 'tong si Santera. "Magaling naman na kayo, train by yourselves nalang, para sa publicity lang ako tapos representation, ganun!" dagdag pa nito.
Nagkatinginan kami ni Aiden, she has a point. We don't need a trainer, we can train by ourselves. We only need someone to represent us publicly. Kahit na rin pansamatala habang hindi pa kami nakahahanap ng professional na papalit sa posisyon.
"And why should it be you?" tanong ko. I don't have anything against it though.
"Kasi nga dapat ako! Para always magkasama ang team diba?" Yeah, I forgot to tell you that since yesterday, she's been living in her imagination of the three of us being a team.
Aiden just shook his head in annoyance and walked past us. He stopped in his tracks for a while and looked back at me. "Congrats, you decide."
I just nodded and continued walking. Papunta akong new office, the former office is still under observation kaya pansamantalang ginawang opisina ko ang bakanteng room sa tabi ng Engineering Department. Dati itong stock room ng mga tela. Pinalinis ng dean kahapon kaya medyo umaliwalas na.
Santera kept up and tugged my arm. I looked at her, trying to look annoyed.
"What?" I asked sounding bored but nervous as hell as her skin touched mine.
The feeling is new to me. No one has ever been this close to me, physically.
"Ano na? Payag ka ba?" tsk, ang kulit.
"tss" pinagpatuloy ko ang paglalakad ngunit nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
"Aray!" binatukan ako!
"Ba't ba ang suplado mo ngayon? 'Wag mo ngang gayahin yung bugnutin na Aiden na 'yon." nakapamewang pa siya habang ako naman ay napakamot sa ulo ko.
Tumingin ito sa akin at pinandilatan ako ng mata.
YOU ARE READING
Blood of an Arrow (UNDER REVISION)
Mysterie / ThrillerBlood interests Diel the most but there came a challenger for her affection. He knows his ways with arrows but it craves to taste blood. Another character crossed their path, he's as mysterious as they are. Then... A crime shook their curiosity. ...