NUEVE

108 8 11
                                    

“Diel!”

Lumingon ako at hinarap ang tumawag.

It's been weeks. Somehow, tumahimik pansamantala ang killer. Obviously wala pa rin kaming lead. It's like pahinga muna para sa lahat maliban sa presidente naming busy dahil sa mga naiwan niyang trabaho sa council. Patuloy parin ang pagmamatyag ko kahit na itinigil na namin at kinalimutan na rin nila ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ako pwedeng magtiwala sa kahit na sino. Nakatatak na yan sa isip ko.

"Oh Aiden?" After what happened, I noticed Aiden trying to be closer to me. Maybe, it was his guilt whispering things to him. He was with me when that happened. I felt na naexperience niya rin yun pero hindi parin ako dapat pakasisiguro.

"Sa library ba punta mo?" He asked, although I know na alam niya ang naging routine ko pagkatapos ng insidente. I stopped with all the bugging and unending pestering to them after I got discharged. I told them I don't remember anything, they believed it dahil inaasahan naman 'yon. Pinaniwala ko silang nakalimutan ko ang lahat.

Hindi ko nalang yun sinagot at nagpatuloy sa paglalakad. Bumuntong hininga nalang si Aiden at sumunod sa akin. Hindi ko rin naman siya magawang paalisin kasi sunod parin naman ng sunod kahit anong gawin ko. Napahinto kami bigla ng biglang tumunog yung speaker at kasunod ang boses ng isa pang bwiset na hindi rin ako tinatantanan.

"Good morning everyone, calling the attention of Ms. Chandiel Santera, please proceed to the president's office. I repeat, Ms. Chandiel Santera, be at the president's office now. Thank you"

"Ano na naman kayang kailangan ni pres sayo?"

"Aba'y malay ko. Tss" singhal ko dito.

"wow ha! Nagka-amnesia ka lang pero mataray ka parin talaga." pagkasabi nito ay iniwan ko na siya at dumiretso sa library habang naririnig ko parin ang pagrereklamo niya sa pambabalewala ko. Pinagtitinginan parin ako. Pake naman nila kung hindi ako sumunod sa utos ng presidente.

Pagdating sa library ay dumiretso ako sa usual spot ko nang makitang may naunang nakaupo dito. Lumapit ako at pinagmasdan ito. Ngayon ko lamang siya nakita sa school nato. Halos alam ko rin naman lahat ng mag-aaral dito. Kung hindi ko man kilala ang iba ay namumukhaan ko pero ang isang ito ay bago.

"Excuse me, ako ang nakaupo sa spot na yan" mahinahong sabi ko. Mukhang mabait naman ang babaeng ito. Disente kung manamit at kakakitaan ng pagkaelegante base sa kilos nito at pagkakaupo.

"So?" binabawi ko na. Kasing itim ng lipstick niya ang kaniyang ugali. Akala mo naman kung sino kung makapagsungit. Pero dahil umiiwas ako sa gulo ay hindi ko nalang pinatulan at naglakad nalang palayo. Ngunit bago makalayo ay nasalubong ko ang presidente. Hawak ang puting panyo niya na isinilid sa kanang bulsa ng pantalon ay maabilis itong nakarating sa aking pwesto.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" sabi nito pero imbis na tumigil sa harap ko ay dumiretso ito papunta sa babaitang masungit. Teka, kilala niya ba 'yon?

Tss. Ano namang pake ko? Bahala sila.

"Hinahanap ka na ng mama mo. Naghihintay na rin ang magiging guide mo sa labas. Siya na ang bahalang mag-ikot sayo sa school pero bago yun ay magtungo ka muna sa dean's office. Pinapapunta ka ng mama mo"

Teka nga, anak ba yun ng dean? Kaya pala black din yung lipstick. Natawa ako sa naisip ko at napatingin sila sa akin. Nakalimutan yata kumilos ng paa ko kanina at nanaig na naman ang pagiging chismosa ko.

"Anong tinatawa-tawa mo?" masungit parin na tanong ng babae. Lumingon ako sa kaniya at nginisihan lang siya ng mapangutya saka tiningnan mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis. Hindi nga naman mabubura ng ganda ang marka ng pagkamaldita. Tumalikod nalang ako at nagsimulang maglakad ulit ng makarinig ng banta galing sa presidente.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now