SIETE

136 8 8
                                    

“She's dead...No!” aniya.

Dahil sa gulat ay hindi siya nakagalaw, mukhang matutumba na rin dahil sa biglaang pagkawala ng balanse.

Kinuha ko ang kaniyang kamay at inalalayang lumabas. Naghihintay na si Aiden sa labas, nakasandal sa kotse niya. Nauna na rin daw ang iba. He noticed Diel and asked what happened.

“She's dead.” Ako na ang sumagot dahil hindi pa rin nababalik sa reyalidad si Diel. She keeps repeating 'No!Hindi pa siya patay!' while shaking her head in disbelief. Maski ako ay nagulat rin sa nabalitaan.

Pinapasok ko muna siya sa kotse ko, sa'kin na siya sasabay. Hindi na rin naman siya nagreklamo. Pagkapasok ay tinanggal na niya ang kaniyang mask para mas makahinga ng maluwag. Tulala lang siya habang nakaupo.

“Who?” Tanong ni Aiden.

“Dana” ani ko.

“How come?” tila hindi na siya nagulat sa balita. Napakunot ang aking noo sa naging reaksyon niya. But i just shrugged my shoulders. What are you hiding Aiden Jait?

“Kita tayo bukas, 8. Sa labas ng school. Make sure to bring the documents.” I said referring sa inutos kong informations na igather niya from the police. Tomorrow is Sunday, no other commitments except for the preparation of the welcome event. Bukas na rin ang napagdesisyon naming pagpasok sa crime scenes ng makaraan.

“Okay” he said, sumilip muna siya sa frontseat ng kotse ko kung saan nakaupo si Diel. “Take her home safely. ”

Naningkit ang mga mata ko, of course I will take her home safely. He needs not to remind me.

“I will”

He walked towards his car and drove off.

I went inside mine at sinilip muna si Diel kung ayos lang ba ang pwesto niya. Tinanggal ko na rin ang mask ko. Hindi pa siya nakaseatbelt kaya I leaned forward to do it for her. When our faces were inches apart, only then did she stopped murmuring and just looked straight at me.

I started the engine and hindi na kumibo. Hinayaan ko na ring malunod ako sa sariling kaisipan.

Who could've done it? Gawa pa rin ba ito ng killer na hinahanap namin? Si Luke ba? Bakit tila wala paring move ang mga police? Siguradong magpapatawag kaagad ng meeting ang school bukas ng umaga. Maaaring makapagdesisyon ang board na itigil na muna ang mga classes at siguraduhin ang seguridad ng mga estudyante kasi sa puntong ito ay parang wala ng specific target ang killer. Papatay ito hangga't may pagkakataon. I can't risk my subordinate's security. Una ay si Clive at isinunod si Vera na dating kasintahan nito sa parehong araw. Pinatay din ang secretary. Hindi rin ako sigurado kung bakit pati si Mr. Blake ay nasama sa mga biktima. Kilala niya ang pumapatay dahil malugod niya itong pinapasok sa training hideout namin. Hindi 'yon basta-basta nalang mapupuntahan ng sinoman. At kung si Luke ang pumapatay—anong kinalaman ni Mr. Blake sa kaniya? Ibig sabihin...imposible! Lahat ng miyembro ng team ay nag-aaral sa UCGA, posible kayang isa sa amin ang pumapatay? Ngunit bago lang ay napag-alamang patay na rin si Dana—teka...hindi pa nalalaman kung pinatay rin ba siya ng killer. Pero kung sakaling isa rin siya sa biktima niya...ano namang kinalaman niya sa lahat ng nangyayari para mapiling biktima ng killer? Ano ang basehan sa pagpili ng biktima?Anong koneksyon nilang lahat? Sinong maaaring konektado sa lahat? Si Aiden...

Sunod-sunod ang pagpatay simula ng dumating siya. Ngunit anong dahilan? Ano ba ang gustong makuha o mangyari ng pumapatay? The killer is skilled in weapons and...chemicals?

Ayon sa nakuha kong reports kanina lang din galing sa records ng pulisya, ang mga biktima ay napag-alaman na may halong kemikal sa knailang dugo. They found a common substance that was inhaled by the victims except Clive who digested it. They found strychnine.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now