Kinabukasan ay nagkakagulo ang mga estudyante sa harap ng malaking bulletin board. Kaniya-kaniya ring kumpulan ang mga trabahante sa gilid.
Ipinatong ko muna sa aking ulo ang puti kong panyo bago sumulong sa init para tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Nang marating ang kumpol ay kusang nagsialisan ang mga ito nang lingunin ako. Nagsibalik na rin sa kani-kanilang trabaho ang karamihan samantalang ang iba ay hindi maawat sa kanilang pakikipagtsismisan. Ang tanging narito na lamang na katabi ko ay si Kove.
Hindi ko na ito sinuyod ng tingin dahil ilang araw ko na rin siyang nakitang nasa ganitong kalagayan. Hindi na maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya at may kahabaan na rin. Nangingitim ang ibaba ng kaniyang mga mata na nagpapahiwatig ng ilang araw nitong pagpupuyat. Hindi na nga naibutones ang ilang butones sa kaniyang uniporme kaya't hinarap ko ito at kusang inayos ang gusot sa kaniyang kwelyo.
"pres..." sabi nito na parang maiiyak na.
"It's gonna be okay Kove." pag-aalo ko dito. Nginitian ko ito ng tipid at ibinalik ang tingin sa bulletin board. Nakadikit dito ang mga larawan ng mga namatay sa mga nakalipas na buwan at araw. Narito ang larawan ni Clive, Vera at Dana, sila ang mga minarkahan ng killer. Sa kabilang banda ay ang litrato ng yumaong sekretarya, ang nakangiting selfie ni Mayvien at isang stolen picture ni Schayna, lahat ng litrato ay minarkahan ng pulang ekis na nagpapahiwatig ng pagkasawi nila.
Saan nanggaling lahat ng ito? Sino ang nagdikit nito? Lubos kong ipinagtataka ito. Hindi kalat sa buong paaralan ang tungkol sa kamatayan ng tatlong huling nabanggit. Itinago ito ng paaralan ngunit paanong may nakaalam nito? Ano ang nais niyang ipahiwatig sa paggawa nito ngayon?
Nabalik ako sa wisyo nang magsalita ang nasa tabi ko.
"Si Dana..." tumingin si Kove sa akin bago ipagpatuloy ang sasabihin niya "...oo at mapagmalaki siya pero hindi siya masamang tao para parusahan ng ganun" hindi na niya napigilan ang luhang kumawala.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita kahit nahihirapan narin dahil sa pag-iyak niya "kung sinamahan ko lang sana siya nang ayain niya ako, baka sakaling hindi nangyari sa kaniya yun"
Nanatili akong nakikinig habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. Makikitang nasasaktan pa rin siya tuwing naaalala ang sinapit ng kaibigan niyang si Dana.
Nakaaawa. Ganiyang-ganiyan din ako noong nacomatose si Diel. Hindi ko rin inintindi ang ayos at pangagatawan ko, ang kaibahan lang ay may pinanghahawakan akong pag-asa noon samantalang si Kove ay wala na.
Sumasabay sa init ng panahon ang hinagpis at pagkabigo na nararamdaman niya ngayon at naiintindihan ko iyon. Pilit kong inabot ang kamay niya at binuksan ang kaniyang mga palad. Inilagay ko dito ang isang kendi na barley flavor ng fresh na brand.
"Never give up" pagkakabasa ni Kove sa nakalagay na mensahe sa likod nito. Tumalikod na ako at inayos ang panyo sa ulo ko para dumaan ulit sa field.
_____________________
Nasa loob kami ng office ngayon at nagsiset ng white board kung saan isusulat ang mga information na nagather namin sa mga pinaghihinalaan.
Diel sat on my chair while Aiden was on the couch. I was standing in front of the board with the marker in my left hand.
"Can't believe we're back with this bullshit again" Aiden muttered to himself but made it loud enough for us to hear.
"Alam mo Aiden ipinagtataka ko kung bakit hindi ka nalang inuna ng killer sa listahan ng mga papatayin niya" Diel said in a bored but annoyed tone.
"Maybe because ikaw talaga yung killer and you're saving the best for the last?" He's giving Diel a suspicious yet taunting look.
"We're here to work together not against each other, so calm your horses, will you?" I said.
YOU ARE READING
Blood of an Arrow (UNDER REVISION)
Mystère / ThrillerBlood interests Diel the most but there came a challenger for her affection. He knows his ways with arrows but it craves to taste blood. Another character crossed their path, he's as mysterious as they are. Then... A crime shook their curiosity. ...