Nakakakilabot na katahimikan.
Walang nakapagsalita sa amin matapos ang huling litanya ni Luke. Nabasag lamang ito nang makarinig kami ng mga sigaw at tili sa ibaba.
"Ahh! Tumawag kayo ng ambulansya. Bilis!"
"He's dead."
"What happened?"
"Call the cops."
"Shuta pare, sumunod kay Dana."
"Tigi na bro."
Nakakabinging mga sigawan at iyakan.
Nakakagimbal ang nangyari. Si Kove.
'hindi!'
Tumakbo ako sa puwesto kung saan siya tumalon. Puno ng katanungan ang tumatakbo sa aking isipan. Bakit siya nagpakamatay? Dahil kay Dana ba?
Naramdaman kong nasa tabi ko na rin si Magnus at Luke. Maging sila ay tahimik at hindi makapagsalita. Kasabay ng pagsilip ko sa nagyayari sa ibaba ang pagkawala ng balanse ko at muntikan nang matumba kung hindi lang nasalo ni Magnus.
"Be careful."
Hindi ko matingnan muli ang nakita kong sitwasyon sa ibaba. Lasog-lasog ang katawan. Kumalat ang dugo sa paligid kung saan siya nahulog. Nakadapa at bali-bali ang buto dahil sa taas ng pagkakahulog nito.
Hindi ko man lang siya napigilan at nailigtas.
Napakawalang-kwenta. Ang kamatayan na ninanais kong masaksihan ay ang para lamang sa mga nararapat mamatay. Hindi ang ganito.
Umatras ako ng umatras. Gulong gulo at hindi pa rin makapaniwala na dito mismo nangyari ang trahedya. Nakatakip ang dalawang kamay ko sa aking bibig. Umaatras pa rin hanggang sa may nakabangga ako sa likod.
Nakaramdam ako ng unti-unting pagbalot ng mga braso sa aking katawan na para bang pinoprotektahan ako sa anumang kasamaan ng mundo. An embrace that was so familiar that I don't have to face him to know who he is. Ang halimuyak ng kaniyang pabango na akin nang nakabisado. For a moment, I felt peace within terror.
"You're fine, Diel. I'm here" his voice calmed my nerves.
Dahan-dahan ko itong hinarap. Pilit kitang iniwasan ngayong araw pero nahanap mo pa rin ako.
"I'm fine but I'm not okay."
Hindi na niya ako sinagot bagkus niyakap muli. Ang ulo ko ay abot lamang hanggang sa kaniyang dibdib kaya rinig ko ang naghaharumentadong tibok nito. Maybe he's perplexed by the events. But I can't deny that he sure knows how to calm me. Tuwing nangangamba, nag-aalala at natataranta noong bata pa ako, palaging yakap ng kapatid ko ang hanap ko. Tuwing nakikipag-away ako sa mga bata noong nasa elementarya pa ay pumupunta siya sa room namin para pakalmahin ako sa kaniyang mga yakap.
"Why are you crying?" tanong ng batang lalake na nakikiupo sa pwesto ko.
"Umalis ka nga dito!" pagtataboy ko sa kaniya ngunit mas lalo lamang siyang umusog papalapit.
"Is your sister not here?" does he know me?
"Why do you care?" Tumayo ako at tiningnan siya ng masama. Pinahid ko ang mga luha ko pero patuloy pa rin ito sa pag-agos.
"I want to hug you instead, May I?"
Hindi na nakapagtataka kung bakit alam niya kung ano ang nagpapakalma sa'kin. I remember him now. He's been my classmate since then. Pero hindi siya ang top 1 sa buong paaralan, hindi siya top 1 sa klase, sa katunayan ay isa lamang siyang estudyante na walang kaibigan at palaging absent sa klase kaya hindi ko siya napansin.
YOU ARE READING
Blood of an Arrow (UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerBlood interests Diel the most but there came a challenger for her affection. He knows his ways with arrows but it craves to taste blood. Another character crossed their path, he's as mysterious as they are. Then... A crime shook their curiosity. ...