Bigla na lang Booooomsh!!! may sumabog at nabalot na sa usok ang buong lugar. Sa ikalawang pagsabog ay may naramdaman akong may tumulak sa likod ko dahilan para masalubsob ako sa kalsada.Pinilit kong dumilat ngunit nawalan na ako ng malay.
Eeeeeeeeeng..............
Eeeeeeeeeeeeeng.............
Eeeeeeeeeeeng..............
*ang tunog na eeeeeeeng ay gawa ng ambulansya at hindi ang eng eng na naiisip mo*
Maraming tao ang sugatan, maraming ambulansya sa daan, mga sirang sasakyan, mga bubog, mga sirang building na basag ang salamin, nagkalat ang dugo kung saan saan. Madidinig mo ang hagulgol ng pagtulong, ang sigaw ng kawalan, ang iyak ng mga tao .
Nagsimula akong magkamalay at naaaninag ko ang bestfriend kong si Miggy na nakatayo sa gilid ng ambulansya na tila wala sa sarili. Madaming nagtatakbuhan kung saan-saan, maraming di na nakagalaw sa kanilan kinatatayuan. Di din mawawala ang mga usiserong nagsisitinginan sa nangyaring aksidente.
"Sumama ka sakin Zihan" may boses na tumatawag sakin
"Si-Sino ka ba?" ang sabi ko sa misteryosong boses
Mabilis na nabalot ng liwanag ang buong paligid hanggang sa wala na akong makita
"Zihan,, Ako anghel ng kabutihan , Euri ang ngalan ko...naparito ako upang tulungan kang mabuhay muli."
"Ano?? Hindi pa ko patay, nagkakamali ka ata.. nako ang Joker mo pala.. Hehe?"
"Wala akong panahon para makipaglokohan. Sa loob ng tatlumpung araw ay kailangan mong gampanan ang misyon upang hanapin ang itinakda. Siya ang lalaban sa angel ng kadiliman na si Morvid. Kaya nais kong hanapin mo siya para sakin."
"Sa paanong paraan ko naman mahahanap yang sinasabi mong itinakda? Ni hindi ko nga siya kilala ."
"Siguradong naiiba siya sa lahat at di pangkaraniwan. Ikaw lang ang may kakayahang malaman kung sino siya dahil ikaw ang kanyang tagabantay * pinapaalala ko na di aso ang bida at wala din syang lahing chihuahua*. Marahil ay hindi mo na ito nalalaman ngunit ikaw ay binuhay lamang muli ng Diyosa ng pagkabuhay at binura ang ala-ala ng magulang mo tungkol sayo upang iligtas sila sa kapahamakan pati na sa mga banta. Iniba rin niya ang iyong panglabas na kaanyuan upang hindi ka na muling makita pa ni Morvid."
"Teka lang , masyado naman atang maigsi yang palugit mo . Para mo naman akong pinalublob sa pool tapos papaahunin agad."
" Sapat na ang tatlumpung araw upang magbalik ang lakas ni Morvid at katapusan na ng mga anghel na tulad ko at ang itinakda lamang ang makakapigil sa kanya. Ang isa pang babala ko ay huwag kang iibig lalo na sa itinakda dahil malupit na kaparusahan ang ipapataw sa iyong paglabag at hindi ka na muling makababalik ang kaluluwa mo sa iyong katawan. Umaasa kami sayo, Zihan, mag-iingat ka."
Bigla na lang akong iniwan sa isang village na hindi ko alam. Masyadong maraming bahay. San kaya ako magsisimula. Hmm... Kakaibang nilalang? panong kakaiba .. may buntot kaya siya na parang aso..tenga ng baboy.. o pakpak ng manok..mala avatar ata hitsura niya eh.
Umpisa pa lang to pero nahihirapan na agad ako. Bat kasi ako pa pwede naman yung kapatid ko na lang. Magpapaparty ako pag nakita ko na yang itinakda na yan.
"Tahooooooooooooo!!!
Taho with nestle cream!!!!!
Tahoooooooooooo!!!"
Tirik na tirik ang araw may taho pa rin dito, sa tingin ko mag tatanghali na eh. Totoo kayang multo na ko este kaluluwa. Nararamdaman ko pa rin ang init sa paligid pero walang pawis na lumalabas sa katawan ko. Di kaya may kakayahan na kong lumipad at maghame hame wave para patalsikin ang kalaban ko. Baka pwede kong i-one hit combo yung Morvid na yun o kaya titigan para matunaw siya.
Umupo ako saglit at sa harapan ko ay may isang malaking mansyon. Mukhang big time nakatira halata naman sa design pang magazine talaga. Sino kaya yung nakatira dito? politician kaya? o baka naman bussinessman... eh bahala na nga ! mabuti pa puntahan ko na to. Nakakapagod na maglakad dito sa kalye.
BINABASA MO ANG
Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)
FantasyNormal lang na teen-ager si Zihan pero sa isang kisap-mata...... Isang aksidente ang magpapabago ng takbo ng buhay niya... Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa pinto ng langit? May entrance fee pa kayang sampung piso per head at libre na ang mga bat...