"Good Morning Class, Today we are to discuss conditional probability."
Ayang nagsasalita na akala mo bida dito sa storya ,adviser namen, siya si Sir Montes.Mga ilang taon na rin syang nagtuturo dito halata naman sa puting buhok at kulubot niyang balat. Pero wag ka malupet yan magturo pwede na nga bigyan ng christmas bonus dahil palaging overtime sa subject niya.
"Zihan..psst..may assignment ka ba dyan?" pabulong na tanong ni Miggy
Bestfriend ko siya simula pa nung kindergarten kame. Alam na alam ko na lahat ng kalokohan nyan. Maaasahan naman kung minsan pero mas madalas na hinde.
"Bakit na naman ba? Idadahilan mo na namang nalimutan mong gawin eh palagi kang ganyan. Ayoko nga." sabi ko sa kanya
"Dali na...ililibre kita mamaya" pagpupumilit niya
"Sige ba ..San?'' sabi ko sa kanya
"Sa canteen, basta kahit san! ano na! dali" sagot niya
"Ano ka hilo? di mo ko mauuto,,,manigas ka diyan." akala ni Miggy palagi ko siyang pagbibigyan pero minsan lalo siyang nagiging tamad. Nakakatuwa itsura niya parang basang sisiw di lang pinakopya mukha ng nalugi sa lotto.
"Bwiseet!! Edi wag!! " napalakas ang boses niya dahilan para tumigil sa pagdakdak si Sir Montes.
"Mr. Zihan Wo and Miggy Cortes ! You have your own discussion there , Go out and talk about it outside. NOW!! " galit na sabi ni Sir
Parang puputok na yung ugat niya sa noo. Ayaw na ayaw pa naman nun may umeeksena tuwing klase niya at kasalanan to ni Miggy damay na tuloy pati ako. Badtrip!
Agad kaming pinalabas ng room. Galit si Miggy saken dahil di ko siya pinakoya.
"Ang damot kase ng isa dyan, assignment lang ipinagdadamot pa. Baon ko nga kinakain mo ng walang paalam." nagtatampong sabi ni Miggy
"Alam mo minsan di mo pwedeng makuha lahat ng gugustuhin mo minsan kailangan mo pa ring magsikap" banat ko sa kanya
"Wag ka magpakamakata dyan, di bagay. Kung pinakopya mo lang kasi ako wala tayo dito. Ang bobo mo kase!" sagot niya
"Buti pa ang bobong tulad ko gumagawa ng assignment eh ikaw TAMAD!!!" nainis na ko sa kanya
Naglakad si Miggy papalayo. Nakasandal lang ako sa pinto at hinihintay ko kung ano naman ang gagawin niya.
"Zihaaaaaaaaaaaaan!!!!" malakas na sigaw ni Miggy na dinig na dinig sa hallway
May dala dala siyang walis habang tumatakbo at galit na galit siyang kumakaripas na parang may gegerahin.
"Pfffffffft!!!"
Dumaan ang student council president na si Mary Valderama. Napahinto bigla sa pagtakbo si Miggy na nakuhang pang ngumiti habang tinatago sa likod ang walis na hawak hawak.
"Bawal ang magsigawan at tumakbo dito sa hallway. Ikaw Miggy baka gusto mong maguidance ng maaga, kapag nahuli ko ulet kayong dalawa"
"Teka! si miggy lang naman may kaso dito ah!" sagot ko kay Mary
" Kasama ka na don kaya umayos kayo. " sabi niya at papalayong naglakad
"Miggy! ano ba kaseng problema mo? may saltik ka ba? muntikan na tayong maguidance dyan sa pinaggagagawa mo!" sermon ko kay Miggy
"AAAAAAAAAAAH!" sigaw ni Miggy
Pinaghahampas niya ako ng tambo. Pinagtitinginan na kami ng lahat ng studyante at di na ko nakakilos sa gulat sa kanya.
"Aray! Miggy peste ka talaga! Tama na sabe eh! Aww!" sigaw ko sa kanya
Tumigil siya sa paghampas at hinulog ang walis na hawak tapos ay tumakbo na siyang pababa sa hagdan . Naiwan akon nakalumpasay sa sahig.
"Tulong naman please?" ang sabi ko sa mga nakatungangang studyante sa hallway pero wala silang ginawa at pinagpatuloy lang ang tsismisan
"Ah geh! Thank you ! ang LAKE LAKE niyong tulong! soooobra!"
Natastas yung uniform ko dahil sumabit sa tambo kakahampas ni Miggy. Lagot talaga saken yun pag naabutan ko siya.
"Hahahaha..girls youve got to see Mr. Zihan so napakaduwag di man lang nakalaban sa bestfriend niya" sabi ni Patricia sa kabilang classroom
"Ayoko sa mga babaeng cheap pasensya na Patricia. I have to go."
"Oh my gosh sister Pat you are so nakakahiya haha" sabi ng mga kaibigan ni Pat
Dumiretso na lang ako sa canteen. Di na ko umattend sa kasunod na subject para magpagamot sa clinic. Tapos non tumambay ako sa school garden.
"Kainis!!" pinulot ko lahat ng mahawakan ko sa damuhan tapos binato ko kung saan saan .
PoK! tinamaan yung Student Council President
"Ouch !ano ba yon? Hoy lalake! ikaw ba yong nagbato saken?" sabi niya habang nakapamewang
"Ano? hinde ah. bat naman kita babatuhen? nakaupo lang naman ako dito." kinabahan ako bigla di ko naman alam na may matatamaan pala ko
"Siguraduhin mo lang yan.. tse!" sabi niya at umalis ng nakatitig pa rin ng masama saken
Tumingin ako sa wristwatch ko 12:05 pm na Physics na sunod na subject namin kaya pumasok na ko sa classroom. Napansin kong wala na si Miggy pati ang bag niya. Umabsent daw kase biglang sumakit yung ulo niya. Nakakatawa talaga yun siya pa sumakit yun ulo matapos nung ginawa niya saken.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BINABASA MO ANG
Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)
FantasyNormal lang na teen-ager si Zihan pero sa isang kisap-mata...... Isang aksidente ang magpapabago ng takbo ng buhay niya... Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa pinto ng langit? May entrance fee pa kayang sampung piso per head at libre na ang mga bat...