Chapter ten : Ice Cream

138 7 0
                                    

<<<<Zihan Speaking>>>>

"Pwede ko bang kainin yung ice cream nyo sa ref?" tanong ko kay Ria habang sumusubo pa ko ng ice cream sa bowl

"Eh ano pang magagawa ko ...kinakain mo na nga ngayon." sabi niya

"Mahilig ka sa Lovestory? " tanong ko sa kanya

"Ewan." sabi niya

"Nagkaboyfriend ka na ba dati?" tanong ko sa kanya

<<<<Ria Speaking>>>>

Ako nagkaboyfriend? Kelan nga ba?

****FLASHBACK****

Summerclass namin ngayon at maraming pogi dito sa school.

"Ria ! asa basketball court si Jordan! yung crush mo!" sabi ng bestfriend ko

"Sige tara puntahan natin!" sabi ko

Mga 30 minutes pa siguro yung simula ng klase ko kaya may time pa ko para magpacute kay Papa Jordan.

"Hi Jordan! pwede ba tayong pumunta sa mall mamaya? " tanong ko kay Jordan

"Sige na pre ! pagbigyan mo na yan o! " sabi ng mga kaibigan niya

"Sige basta hintayin mo na lang ako sa gate." sabi niya

Halos mamatay na ko sa sobrang tuwa nung sabihin niya yun saken. Haaaaay...

Pumasok na kami ng bestfriend ko sa klase namin. Matagal-tagal din kaming nakaupo lang sa loob ng classroom.

"Okay ,,,class dismissed.." sabi ng teacher namin

"Sige alis na ko huh." sabi ko sa bestfriend ko

Nagmadali akong tumakbo palabas ng hallway. Di pa ko nakakalabas ng biglang bumuhos yung ulan. Binuksan ko yung payong ko tapos naglakad na ko papunta sa gate. Hinintay ko si Jordan. Naaaninag ko nang naglalakad na siya papunta sa gate tapos bigla namang may babaeng nagpayong sa kanya.

"Jordan!" tinawag ko siya tas kumaway

Di niya ko pinansin tapos dinaanan lang niya ko hanggang paglabas nila ng gate. Natulala na lang ako sa kanila at hinayaang tumulo ang luha ko.

"Friend ayos lang yan.." sabay tapik sakin ng bestfriend ko

"Ang unfair nito friend! bakit ganon??" sabi ko sa kanya

**End of FLASHBACK**

"Ako nagkaboyfriend? Oo naman ! alam mo maraming nanliligaw sakin sa school no!" sabi ko kay Zihan

"Ah ako wala pa kong nagiging girlfriend tsaka parang di na rin mangyayari yun." sabi niya

Ngayon ko lang nakitang ganyan si Zihan parang ang lungkot-lungkot niya. Ang cute niya pala.....ngayon ko lang narealize.....hmmmmm

Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon