Chapter two: Ang nawawalang fishbol ni Mang Kanor

309 9 0
                                    

Kring~~~ Kring~~~~ Nako ang aga-aga pa pala tinignan ko yung inbox ko sa phone nag iwan ng voicemail si Miggy.

 "Pare badtrip ka talaga kahapon kaya ko lang nagawa yon kase ayaw mong magpakopya . Gala tayo! Sa may Park bukas 7:00am sharp. Kitakits!!"

 Kung di ko lang bespren si Miggy baka natadyakan ko na to kahapon. Biruin mo ikaw kaya tamaan ng walis tambo sa mukha at kung saan-saan pa. Mata ko lang ata walang latay. Walastik! Tapos ako pa naging badtrip. Astig talaga to e.

 Maganda ang sikat ng araw. Tamang tama para magbike. Siguradong maayos ang simula ng araw ko. Kumuha ako ng bag tapos nilagay ko yung sandwich na ginawa ni mama kaninang almusal. Sabado ngayon, walang dadakdak na teacher, mga test, mga quiz, assignment o kahit ano pang ikagugunaw ng buong linggo mo.

 "Hay.... ang sarap ng hangin sobrang lamig" ang presko talaga ng simoy tuwing umaga

"Tito Pogs! musta na?" sigaw ko kay Tito sa kabilang daan

"Loko! parang di naman tayo nagkikita, bumili lang ako ng sabon maglalaba ang auntie mo."sagot niya

 "Haha.. sige po , pasabe na lang kay mama pupunta ko kay Miggy sa park nagmamadali na kasi ako kaya di ko na nasabeng may lakad kame."

Nga pala , Tito Pogs ko,dating taga probinsya , driver ng papa ko na sa kalaunan inampon na namin dahil sobra na siyang napalapit sa pamilya ko kaya tinuring ko na rin siyang tito. Mabait at masipag naman kaya dun na lang din sila nakatira sa bahay kasama ang asawa niya.

Dali-dali akong umalis para puntahan si Miggy. Biglaan namang may nagrarally malapit sa park. Kapag minamalas ka nga naman oh.. gandang timing! Traffic na nga sa intersection, dadagdag pa tong nagsisigawan na mga rallyista sa gitna mismo ng kalsada. May mga dala-dalang pulang mga karatula. Andaming nakasulat dun e. "Pangulong mukhang okra ibagsak!" "Corrupt ang dahilan ng polusyon sa bansa!" "Napakalaki ng nunal mo! bumaba ka sa pwesto!". Di ko alam kung grade one ang nagsulat para asarin ang kaklase nya. Pero ayun talaga yung nakalagay sa mga dala-dala nila.

May mga nilagay silang mga kahoy at sinilaban ng apoy. Sinunog ang mga karatula kasama ang imahe ng pangulo gawa sa papel at plywood. Nagsisigawan at nagkakagulo silang lahat. Dahilan para magingay ang mga naabalang sasakyan at bumusina ng sobrang lakas.

"Huwag tayong maging duwag ipaglaban natin ang karapatan upang magkaroon ng isang tapat na pangulo ng bansa!" sigaw ng babaeng nakamegaphone na sobrang garalgal ng boses mahahalata mong kanina pa siya nagpapakabayani

"Makibaka huwag matakot!" sumigaw ang isang rallyista hanggang sa lumakas pa ito ng lumakas. Sa kabilang dako nakita ko si Miggy at sumisigaw rin kasama ng mga nagpoprotesta. Di ko malaman kung may sayad na ba yun o di lang nabigyan ng tamang dosage ng biogesic. Lumapit ako sa kanya at sumingit sa mga nakaharang na mga nagpoprotesta.

"Hoy! Pre! ano bang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya

" Wala lang, naubusan na kase ng fishbol si Mang Kanor eh wala kong magawa kakaintay sayo kaya nakita ko sila, nakijamming lang naman ako." sagot ni Miggy

Kasabay non ang pagkutos ko sa kanya para matauhan

"Jamming??Ano balak mo nang magpakasuperhero? Nako!! baka kahit anong retoke nila sa mukha mo sa monumento.....wala rin! di katanggap-tanggap! baka ikahiya pa nila ang pagiging Pilipino! Kaya umayos ka na alis na tayo!"sabi ko kay Miggy

"Grabe ka naman pre! alam mo na di magkakagusto sakin si Rose kung hinde ako...."sabi ni Miggy

"Pare! alam mo wag mo nang makuha pang ituloy yan... wala yang katotohanan kaya gumising ka na! oy! gising! hahaha" sagot ko kay Miggy

"Wala akong pake ...gwaaaaaaapo pa rin ako ..hahahaha" sabi ni Miggy

"Utot mo!" sagot ko sa kanya

Nagkakatuwaan na kame ni Miggy sa pag-uusap ng may malakas na ingay akong narinig.

Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon