<<RIA SPEAKING>>
Di ko na maramdaman yung binti ko sa sobrang pagod ko kanina. Nakakaantok na din at nagugutom pa ko. Bat ba kasi kailangan siya pa kasama ko. Mas matitiis ko pa si Zihan eh. Teka panu naman kaya kakain yun sa bahay. Ayy.. sabagay kaya na nya sarili nya
<<ZIHAN SPEAKING>>
*Hikab* Lumabas ako ng kotse. Gabi na pala tapos gutom na din ako. Teka nakauwi na kaya si Ria?
Pumasok ako sa loob ng bahay. Hay salamat! bukas pa yung pinto. Nakita kong nagdadasal sa altar yung yaya ni Ria. Ewan ko bat ganyan yan e. Kulang pa ata yan sa tulog. Umakyat na ko sa kwarto baka kasi andun na siya. Binuksan ko yung pinto pero walang tao. Sino ba kasi kasama niya? Nagugutom na talaga ko. Tumakbo na ko pababa ng hagdan tsaka dumiretso sa kusina.
Binuksan ko yung takip sa lamesa. Wow! may liempo pa at bagung lutong kanin. Saktong-sakto ! mmmm...sarap talaga kumain.
"Lord paalisin nyo po ang masasamang espirito sa bahay na to." sabi nung yaya
Sinasabuyan nya ko ng holy water sa kusina habang kumakain ako. Shit!!?!?! bastos naman nito. Kinuha ko yung takip sa lamesa tsaka ko dinukdok sa mukha niya. Ano?? Palayasin mo ko dito? Gutom ako kaya lumayo layo ka saken.
"Aaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!" sabay takbo niya palabas
Pano ba naman kase...Siya kaya sabuyan ng tubig habang kumakain. haha kawawa talaga !
<<RIA SPEAKING>>
"Matagal pa ba tayo dito?" tanong ko
"Ihahatid na lang kita pauwe." sagot niya
Pumasok kami sa restaurant at kumain. Gutom na talaga ko kaya kumain na lang ako ng kumain. Ni hindi nya man lang ginagalaw yung pagkain sa harap nya. Nakacrossed ang kamay at tinitignan lang ako.
"Ganyan ka ba kumain sa bahay nyo?" tanong nya
"Wala ka na dun tsaka gutom na ko kaya manahimik ka na lang dyan." sagot ko
Eh kung sa kanya kaya nangyari yung kanina. Akala mo naman! Pakialam ko eh gutom na talaga ko e. Natapos na kaming kumain. At sa tinagal-tagal namin dun. Salad lang ang kinain nya. Anu bang klaseng tao to? nagpapakavegetarian..naku!! di bagay.
Teka upo muna tayo dito. Sabi ko sa kanya at nanuod ako sa comedian sa may stage. May artista na naman ata sa mall kaya andaming taong dumudungay pati sa taas.
"Neneng B kape ka ba?" tanong ng lalaking nakakacap sa seksing babae
"Baket?" tanong nung babae
"Kase coffemate ako......booom!" sabi nung lalake
"Ahahahaha! Nakakatawa! Ahahahaha! Hoo! Grabe!! Ansaket sa tyan !!! " tawa ko ng tawa sa upuan at pinaghahampas si Miggy
"Tumigil ka nga pinagtitinginan na nila tayo." sabi niya
"Eh hindi naman nila tayo kilala." sabi ko
"Hi Sir Miggy Cortes!" sabi nung isang staff sa gilid
"Pwera sa kanya...hehe?" sabi ko
Napakamot na lang siya ng ulo at nanood. May bumulong sa emcee sa stage.
"So today we have Mr. Cortes the CEO of XM mall. Let's give him a round of applause." sabi nung emcee
Tumayo si Miggy at kumaway sa mga tao.
"Naboboring na ba kayo? Let's have a song from mister Miggy's friend!" sabi nung emcee
May humatak sa kamay ko at dinala ko sa gitna ng stage. Nakakasilaw yung spotlight. Anu ba to?
"Pwede bang kumanta ka ate? Oh kakanta na daw siya. Palakpakan! " sabi nung emcee
*clap* *clap* *clap* *clap*
"Teka ! Teka!" sabi ko
"Hiyawan!!!!!!!!!" sigaw nung emcee
*HOOOOOO!!!* *HOOOOOOOOOOWAAAA!* *MARAMING SUMISIPOL*
Hala! Anu to? Musta naman diba? singer ba ko o ano!?!?! Bwiset naman to o. Sige na nga pagbibigyan ko na sila. Nagsimula na ko kumanta.
Guess this means you're sorry
You're standing at my door
Guess this means you take back
All you said before
Like how much you wanted anyone but me
Said you'd never come back
But here you are again
'Cause we belong together now, yeah
Forever united here somehow, yeah
You got a piece of me and honestly
"My life would suck without you------------------" naputol ako sa pagkanta ng bigla na lang akong nadulas sa stage
Shit!!!! Shit talaga!!! Andaming taong nakatingin sakin sabayan pa ng pagtutok ng spotlight. Andaming taong nagtatawanan at naghihiyawan. Bwiset! ansakit ng hulog na yun a....Tinakpan ko yung mukha ko sa sobrang hiya nang may tumakbo papalapit sakin at tinakpan ako ng jacket at inalis ako sa pagkakahulog ko sa baba ng stage. Naaaninag ko lang na sobrang tangos ng ilong nya at mukhang koreano. Pero bat nya ko tinulungan?
BINABASA MO ANG
Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)
FantasyNormal lang na teen-ager si Zihan pero sa isang kisap-mata...... Isang aksidente ang magpapabago ng takbo ng buhay niya... Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa pinto ng langit? May entrance fee pa kayang sampung piso per head at libre na ang mga bat...