Chapter Six: ANG BAHAW NA MACHACAO

214 10 1
                                    

"Ano ba yung misyon na sinasabe mo?" tanong ni Ria saken

"Ah yun ba,,siguro mamaya ko na lang sasabihen mukhang gutom na gutom ka na kasi."

"Di ako nakatulog kagabe"

"Baket binantayan mo siguro ko magdamag? tama ko diba?"

"Mukha mo hindi ah! Sa lakas ng hilik mo pati ata kapitbahay namen di rin nakatulog"

Plok! binato ako ni Ria ng tinapay sa mukha at ang malala machacao yun....

"Ah ganun pala"

"Hahaha...kung nakita mo lang hitsura mo kanina ...Blehhhhhhhh"

Kinuha ko yung isang balot ng machacao tapos binato ko sa kanya. Plak!

"Aray ....napuhing ata ako"

"Patingin nga...dumilat ka bilis "

"Ouch ka talaga Ria yung breadcrumbs inamag na sa mata mo!"

"Bwiset ka kunin mo yung salamin ako titingin ..wala ka talagang kwenta!"

"Wag na ako na magtatanggal kutsarain na lang natin o kaya ung tsane na lang"

"Tumigil ka nga dyan! " maluha luha na siya at nakuha pang manigaw

"Eto na po ako ng bahala dyan"

Hinawakan ko ang balikat ni Ria tsaka ko inihipan ng dahan dahan ang mata niya. Nakahawak siya sa baywang ko at parang batang nakayakap sa kuya. Naalala ko tuloy si ate parang gusto na umuwi sa bahay.

"Ano ok ka na?" sabay kurot sa pisngi nya

"Oo tigilan mo na nga ko."

Tinulak niya ko dahilan para mahatak ko siya kasama sakin. Matagal kaming nagkatitigang dalawa at napapansin kong namumula ang mga pisngi niya.

"MANYAK!"ang sabi ni Ria

Nagmadali siyang pumunta sa kwarto at sinundan ko siya. Nilock niya yung pintuan kaya di ako makapasok.

"Oy!! akala ko ba kakain tayo?"

"Wala na akong gana!...kumain ka mag isa mo!.."sagot niya

Wala na kong nagawa para pilitin pa siyang lumabas sa kwarto. Umupo na lang ako sa may hagdan at hinintay kung kelan sya lalabas. Mga ilang minuto lang lumabas na si Ria sa pinto. Naglakad siya ng dire- diretso sa hagdan ng hindi ako nililingon.

"Pumasok ka na sa loob baka may makakita pa sayo dito" sabi ni Ria na hanggang sa ngayon ayaw akong harapin

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

<<<<Ria Speaking>>>>>

Nakakainis talaga yung lalake na yun. Ewan ko ba pano siya sumulpot sa buhay ko. Bigla bigla na lang andito sa bahay na parang kabute. Infairness naman mukhang artistahin. Di kaya naglayas siya sa bahay nila....eh bat wala naman siyang dala-dalang mga gamit o kahit ano. Akyat bahay kaya siya...hmm....malayo siguro. Eh ano ba yung misyon nya?...as if naman na totoo yun. May sira ata ang ulo ng nakilala ko ..Hay! bahala na nga....

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NOTE PARA SA READER,READERS,READ THERE(BOOO! CORNY MO!):

Ang machacao ay isang uri ng pagkaing panat. Panat ibig sabihen pangatlong init, luto o pwede ding pangalawang init, o luto. Toasted bread in short term pero ang spelling ng machacao ay hindi ko talaga alam at wala akong balak alamin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon