<<Ria Speaking>>
*PSSST................RIAA...........* bulong ng boses sa akin
*RIA...RIAAAA!* bigla na lang may isinigaw ang pangalan ko
Lumingon ako sa likod at hinanap kung sino yung tumatawag sakin. Wala naman akong makitang tao sa likod ko bukod sa ibang mga studyanteng naglalakad.
<<Zihan Speaking>>
Ano ba naman tong babae na to. Ang bingi-bingi ! ano bang tawag gusto niya. Nagpakahirap pa kong sumiksik sa trunk ng kotse kanina tas ganito lang pala mapapala ko. Ang init kaya dun.
May lalaking tumakbo papalapit kay Ria. Di ko na masyadong naaaninag yung mukha kase malayo ako sa kanila.
<<Ria Speaking>>
Biglang may kumapit sa balikat ko at pagtingin ko. Nakita ko yung lalaki kanina.
"Ano na??? may atraso ka pa sakin!" sabi niya
"Anong atraso ko sayo bitawan mo nga ko!...di tayo close " ang kapal talaga nito eh
<<Zihan Speaking>>
Naglapit pa silang dalawa ni Ria. Inakbayan nito si Ria at akap-akap pa rin habang naglalakad pa sila papalayo. Pumasok na lang ako sa loob ng kotse at nagmuni-muni. Dinamayan ko na lang yung driver ni Ria nakanganga pa habang natutulog. Eh di sila na magkaakbay .....
<<Ria Speaking>>
Di na ko nakapalag sa kanya dahil sobrang higpit ng pagkakaakap niya sakin. Wala na kong nagawa para umalis kaya naglakad na lang din ako. Nang papalapit na kami sa gate. May dumaan na kotse at huminto. Tinulak nya ko papasok sa kotse at sinara na ang pinto ng sasakyan.
"Ibaba mo ko dito! O baka gusto mong tumawag pa ko ng pulis!" banta ko sa kanya
"Kung makakatawag ka" sabay pinakita niya sakin yung phone ko na hawak-hawak niya
Pano naman napunta sa kanya yun? Siya pa may ganang manakot ngayon . Ang yabang talaga! Binuksan niya yung bintana at ihinulog ang cellphone ko.
"Hoy! ang kapal ng mukha mo ! palitan mo yan!" sigaw ko
"Sabi mo eh! Manong diretso po tayo sa mall!" utos niya
At talagang ....naku!!?!?! anu ba naman!!! nakakainis talaga! Sa lahat ng taong pwede kong makasama bat pa tong lalaki na to! sirang-sira na araw ko !
"Ayaw mo bang bumili ng bago? Ang swerte mo nga at kasama mo pa ako e.." sabi niya
Swerte!!?!?! tawag ba dito swerte!!!! matapos niyang ihulog sa daan yung phone ko tas swerte?? Kung swerte to sana kanina pa ko nagpasalamat diba? Bwiset!
BINABASA MO ANG
Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)
FantasyNormal lang na teen-ager si Zihan pero sa isang kisap-mata...... Isang aksidente ang magpapabago ng takbo ng buhay niya... Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa pinto ng langit? May entrance fee pa kayang sampung piso per head at libre na ang mga bat...