Chapter thirteen: Cellphone part 2

127 2 0
                                    

<<<RIA SPEAKING>>>

"Bumaba ka kung gusto mo yun kunin." sabi niya

Ang yabang talaga niya kahet kelan. Anu nang magagawa ko eh umaandar na tong sasakyan.

"Ano lulusot ako dyan sa bintana?" tanong ko

"Sige kung kasya ka." sabi niya

@*@**@@! eh !**@ pala to eh. Nakakainis!

"Pakihinto po manong." sabi niya

Huminto yung sasakyan sa gitna ng highway. Binuksan nya yung pinto.

"Labas! kunin mo cellphone mo dyan." sabi niya

"Ano!!?!" sabay tulak niya sakin palabas ng kotse

Umaandar papalayo yung kotse at naiwan ako sa gitna ng highway. Andaming dumadaan na sasakyan na muntik-muntikan pa kong masagasaan.

"Magpapakamatay ka ba dyan !" sigaw ng isang driver ng truck na huminto sa harapan ko

"Sorry ... Sorry po talaga" nakakahiya na talaga to

Tumakbo ko patawig ng kalye habang tumili-tili pa. Nagmumukha akong engot sa gitna ng kalsada habang nakikipagpatintero sa mga sasakyan.

"Bwiset ka talaga !" akala mo kailangan ko siya pwes hinde!

Nakarating na ko sa gilid ng highway. Nabali pa yung high heels ko kaya hinubad ko na lang tsaka naglakad ng nakayapak. Kung mamalasin ka nga naman o! Napaka*@&@*#*!  Ang init-init ng araw tapos maglalakad ako ng mukhang basang sisiw! Hindi ko din alam kung paano ko uuwi. Anu ba naman kasing trip to eh!

Kalahating oras na ko nakatayo sa gilid ng highway. Andaming humaharurot na sasakyan at nasisinghot ko lahat usok sa kalye.

"Para!" sigaw ko sa jeep na papadating

*Bsssssssssshng!* dumaan lang yung jeep at di ako pinansin

"Kuya! Kuya!" sigaw ko sa truck ng saging

*Bsssssssssssssssshng!* dinaanan lang din ako

"Kainis!" sigaw ko

Pinagsisipa ko yung barrier na semento sa gilid ng highway at nagmaktol. Biglang may huminto na sasakyan sa gilid ko tapos bumukas yung bintana.

"Ano?? nahanap mo na ba? sabi ko kasi sayo eh sumama ka na lang sakin sa mall malamig pa dun." sabi niya

"Wala akong pakielam sa sinasabi mo kaya umalis ka na dito! Hindi kita kailangan!" sigaw ko sa kanya

"Sigurado ka?" tanong niya

"OO! At di na magbabago yon!"sigaw ko

"Ahh edi sige,,,Manong idrive nyo na po." sabi niya

"Isakay mo na ko .....sira na yung sapatos ko ." pakiusap ko

"Sabihin mo muna .......PLEASE" sabi niya

"Pleaaaaaaaase!" nakakahiyang sabihen pero ang sakit na talaga ng paa ko

"Bibigay ka din pala e..."bulong nya

"Teka anong sinabi mo?" tanong ko

"Wala ..wala.... geh sakay na!" sabi niya

Binuksan niya yung pinto at sinakay ako. Bat ba kailangan niya pa kong pahirapan ng ganito! Bwiset!

"Hahahahahaha" tawa niya habang pinipigil pa ang sarili

At nakuha niya pa kong pagtawanan ngayon!?!?! Muntikan na kong masagasaan at lahat ganyan gagawin nya! Nakakainis na talaga! Naku naku!

Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon