(ANG PAG-IBIG NA NALIMOT MUNA)
(SAKRIPISYO/NASASAKTAN)SABI NILA kapag umuulan umiiyak daw ang diwata.. ang diwatang nabigo sa pag-ibig na akala nya magwawakas na magkasama sila..
Sa panahong kailangan mong itago ang iyong tunay nadarama dahil ayaw mong baka may madamay na iba..
isang tao lang pala ang magpapadarama sayo ng pag-ibig na matagal mo nang nais maranasan sa buhay.. ngunit hanggang saan ang pag-ibig kung ang lahat ay hadlang?nagpalakpakan ang lahat sa kwentong aking sinabi mayroon silang ibat ibang komento tungkol sa kwento.
"Senorita Amalia bakit parang ang kwento ay malungkot? diba pwedeng magkatuluyan sila hanggang huli nang hindi nahihirapan sa lahat? maari ba.."napansin kong patulo na ang luha nito sa singkit nitong mga mata. hinawi ko ang luha nya. Ang cute pa naman nya.
napangiti nalang ako sa tanong ng isang bata nato nakikinig din pala sa kwentong aking isinasaad.
"alam mo kasi bata samuel ang pangalan mo tama?"
"Hindi lahat ng nasa libro ay magwawakas ng matiwasay at masaya na magkakatuluyan sila hanggang huli."
"nang hindi man lang nahihirapan at alam mo ba na mayroong kwento na dinanas na nila lahat lahat sinakripisyo nila ang karangyaan iniwan nila ito nagsama sila makakabuo na sana sila ng kanilang sariling pamilya ng dumating lang din ang araw na kailangan nilang bitawan ang isat isa dahil hindi hindi na tama pa na ipapilitan nila ang bagay na yun.." huminga ako ng malalim..
"Kaya tatandaan mo na kapag nagmahal ka gamitin mo din ang utak mo wag lang ang puso ang pairalin dahil mapapahamak ka hindi mo maiwasan ang masaktan kapag nagmamahal dahil gustuhin mo man o hindi maaari ka pading masaktan.. kaya matuto tayong umunawa na hindi lahat naayon sa gusto nating mangyari sa buhay"..mahaba kong saad sabay ngiti sakanya..
"At dapat tandaan natin na Hindi ibig sabihin iniwan tayo ng taong Yan ay hindi na nya tayo Mahal."
"Na porket nang iwan sya hindi na sya nasasaktan."
"Kung papapiliin ako mas gugustuhin ko ang pag-ibig na matuto kung kailan na dapat bitawan kaysa naman pilitin nyu kahit alam nyu namang hindi pwede."tumalikod ako dahil kusa nalang tumulo ang aking mga luha.
"Tayong mga tao meron po tayong ibat ibang intrespertasyon sa pagmamahal maaring mas gusto natin na ipaglaban tayo hanggang sa huli o ang bitawan na lang kasi Alam mong mas masasaktan lang kayo at may madamay pang iba."
"Pero pano kapag nahulog sya sa iba? Mababago ba ang damdamin kung totoo mo namang mahal ang isang tao bakit ka magmamahal ng iba?" Seryosong tanong ng isang dalaga sakin ngayon.
Napansin kong maganda ang pangangatawan nya at maputi din ang balat nito at sobrang tangos ng kanyang ilong at mayroong mapulang labi at pisngi at striktang kilay at matalim na kulay kayunmangging mga mata.
"Ang pagmamahal hindi madaling mawala pero hindi ibig sabihin nito na hindi mo na magagawang mahulog pa sa iba at magbigay ng pagmamahal higit pa sa pag-mamahal na iyong naibigay sa mas nauna nito." Kampante kong sagot sa babaeng Ito. Tinaliman ko din sya nang tingin dahil maldita sya.
"Amalia!! Amalia gising"
Gabing-gabi na at hindi ko gusto ang pagbulabog ni ate sakin ngayon..
"Bakit?"Tanong ko dito.
"May bisita si ama at hindi mo aakalain kung sino Ito!!"
"Bakit sino ba kasi?"
"Si Ginoong Liam!!" Kasabay nun ang gulat saking mga mata.
BINABASA MO ANG
Love Rain
Fiksi SejarahAnong gagawin mo kung nahuhulog kana? A lady who's desperate to ask the guy to marry her for their own good But little did she know the secret of the guy she's marrying. Historical Era This is not your typical lovestory